(Buod Ng Nobela na nag Mula sa Indonisia) Sa dalampasigan lumaki at naninirahan ang isang dalagita kasama ang kanyang pamilya, siya ay kaakit-akit at kaligatan, sa murang edad ay naging katuwang siya ng kanyang magulang sa pagtratrabaho upang mapunan ang kanilang pangaraw-araw, nariyan ang magtupi at tahiin ang gulanit na lambat upang ito’y mapakinabangan muli. Sa edad na 14, ang Simpleng dalagita ay kinakailangan nang lisanin nakagisnang pamumuhay at magtungo sa lunsod, ito ang unang beses niyang maranasang mabalot ng telang batik, sa kanyang biyas naman ay burdadong kebaya, at sa leeg naman ay isang may gintong kwintas na hindi inisip na maisusuot kalian man. Noong isang araw, ikinasal ang dalagita kahit wala ang kanyang mapapangasawa, isang punyal ang tumayo bilang sagisag ng kanyang bana. Habang naglalakbay ay patuloy sa pagatungol ang dalaga, pinatatahan siya ng kanyang ina, sinabi nito na “magiging maayos at maganda na ang iyong buhay, hindi mon a kailangan pang tumakbo sa dalampasigan upang kunin ang mga nakabilad na daing. Sa araw din na iyon ay doon lang nabatid ng dalaga na hindi sila mayaman at hindi maganda ang kalaganyan ng kanilang pamumuhay. Patuloy sa pag-atungal ang dalagita, at nagiisip kung bakit hindi siya pweding mamili ng lugar kung saan siya maninirahan at kung sino ang kanyang mga makakasama. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na nakapagpigil ang kanyang ama at bumaba ito sa karwahe upang pagsabihan ang anak nitong walang tigil sa pag-atungal, “titigil ka ba o hindi?” wika ng kanyang ama. Bakas din ang lungkot sa muka ng kanyang mga magulang, pero buo ang kalooban ng mga ito na magiging maganda ang buhay ng kanilang anak sa ginawa nilang desisyon, pagkarating sa lunsod ay bumungad ang mga naglalakihang mga gusali at puno ng mga tindahan ng intsik. Walang ibang magwa ang dalaga sa kanynag sitwasyon kundi ang magmasid nalang sa lungsod at tignan ang mga pamilyar na lugar.