Professional Documents
Culture Documents
Batayang Teoritikal
Batayang Teoritikal
Mula sa maagang pag-aaral ng sikolohiya noong ika-19 na siglo, ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-
ugaling sikolohiya ay nagkaroon sa parehong pagkakataon at nagbahagi ng pagkakahalintulad sa siko-
analitikal at kilusang maka-Gestalt na sikolohiya noong ika-20 siglo; ngunit magkaiba rin ito ng pilosopiya
sa pag-iisip ng mga sikologong maka-Gestalt sa mga pamamaraan ng panunuri. Ang mga pangunahing
impluwensya nito ay si Ivan Pavlov, na sumiyasat ng klasikong pagkondisyon — na nakadepende sa
paraang estimulo upang magtatag ng mga reflex at tumutugon na ugali; sina Edward Thorndike at John
B. Watson na tinanggihan ang mga metodong pagbubulay-bulay at naghangad na paghigpitan ang
sikolohiya sa pag-uugaling napapansin lamang; at si B.F. Skinner, na gumawa ng saliksik tungkol sa
pagkondisyong operant (kung saan gumagamit ng mga antesedente at konsikwensya para ibahin ang
pag-uugali ng isang tao) at binigyan-diin ang pagpansin sa mga pribadong pangyayari.[3] Inimbistigahan
ni Pavlov ang pagkukundisyong klasikal, subalit hindi sumang-ayon sa sikolohiyang pang-ugali at mga
sikologong makapang-ugali. Tinanggihan nina Thorndike at Watson ang mga paraang introspektibo at
nagnasi na ihangga ang sikolohiya sa mga paraang eksperimental o sumusubok. Nakatuon ang
pananaliksik ni Skinner sa pagkukundisyong operante o pagkukundisyong nagdurulot ng paggalaw.
Sa ikalawang hati ng ika-20 siglo, ang sistema ng ugali ay bahagyang humina ang impluwensya na naging
resulta ng rebolusyon ng pagbibigay-malay. Sa panahong ito, ang terapiya ng pagbibigay-malay at pag-
uugali ay nagbago; ang pamamaraang ito ay mayroong pinapatunayang gamit sa pag-gamot ng ilang
patolohiya, kagaya ng mga simpleng takot/pobya, PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder, at adiksyon.
Ang pagsusuri sa nilapat na pag-uugali ginamit sa iba't ibang mga kaayusan, kagaya ng pamamahala ng
ugali ng pang-organisasyon, pagpaunlad ng diyeta at kalakasan ng katawan, at ang pag-gamot ng mga
sakit sa pag-iisip kagaya ng autismo at abuso sa droga. Bagaman ang dalubhasaan sa pag-aaral ng pag-
uugaling sikolohiya at ang pagbibigay-malay ay hindi sang-ayon sa isa't isa, sila ay nagpupuno sa
praktikal na aplikasyon ng terapiya, kagaya ng pagsusuri sa pang-klinikang ugali.
Sa kasalukuyan, ang mga ideya mula sa sikolohiya ng ugali ay ginagamit sa mga terapiyang katulad ng
terapiyang kognitibo at pang-ugali. Nakakatulong ang terapiyang kognitibo at pang-ugali sa mga tao
upang makaraos o makaraan sa mga pagkabahala at mga pobya, pati na sa mga partikular na mga uri ng
adiksiyon.
Mga sanggunian
Baguhin
Skinner, B.F. (16 Abril 1984). "The operational analysis of psychological terms". Behavioral and brain
sciences (Nakalimbag). 7 (4): 547–581. Tinago mula sa orihinal noong 2018-11-21. Nakuha noong 2008-
01-10.
Baum, William M. (1994). Understanding behaviorism: science, behavior, and culture. New York, NY:
HarperCollins College Publishers. ISBN 0-06-500286-5.
Fraley, LF (2001). "Strategic interdisciplinary relations between a natural science community and a
psychology community" (pdf). The Behavior Analyst Today. 2 (4): 209–324. Nakuha noong 2008-01-10.