Week 6-7 Reaksyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Alcadesma National High School

Alcadesma, Bansud, Oriental Mindoro

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Inihanda ni:

ibang Teksto Tungo sa G. Arnold A. Antonio


Teacher 1
Pananaliksik 09454866948

IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAANIM AT IKAPITONG LINGGO

ARALIN 9 – PAGGAMIT NG MABISANG PARAAN NG


PAGPAPAHAYAG SA REAKSYONG PAPEL
ALAMIN
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa
sa Pagsulat ng Reaksyong Papel na iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong
kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa sa reaksyong papel na isinulat
( F11PU – IIIfg – 90)
LAYUNIN:
 Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag.
 Nakasusuri ng teksto batay sa kung anong uri ito ng pagpapahayag,
 Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa video na pinanood.

SUBUKIN

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung
PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong
kasalanan sa dugo ng banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.
2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
3. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.
4. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging
epekto ng apoy na galing sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.
5. Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang maranasan ang mga kultura rito.
6. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa apat na milyong mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-
aral at maglaro.
7. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw ang aming kaligayahan.
8. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa kanila ng kanilang magulang.
9. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
10. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro
kay Indong.
11. Sa ilalim ng demokrasya, ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.
12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
13. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain ng gulay!
14. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipaliliwanag kung bakit ito nangyayari. Maaring ito’y isang trahedyang iniiwasan
nating mangyari o isang pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.
15. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
TUKLASIN
Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor. Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na
aktor at aktres na gumanap sa pelikula.

1
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAANIM AT IKAPITONG LINGGO
1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin”
-John Lloyd “One More Chance 2007”
2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso kasing tibay ng sa 'kin."
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi
3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”
4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero
yung pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?

2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?

3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?

4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?

Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag, tara na’t basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang
kalakip na halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at makapagbigay ka ng iyong reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood na
pelikula.

IBA’T IBANG URI NG PAHAYAG

PAGLALAHAD
Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang
pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes.

Halimbawa:
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus.
Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa tayo tungkol sa
COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID- 19
sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi
namimili ang virus.
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi als/basicstagalog.pdf

PAGSASALAYSAY
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o
pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

Halimbawa:

2
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAANIM AT IKAPITONG LINGGO
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang
papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impeng- negro-ni-rogelio-sikat.html

PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o
paghihinuha.

Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya?
Balita ko’y under de saya pa yata!

PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay,
isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama.

Halimbawa:
Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.

TAYAHIN 1
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung
PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.
1. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa kanila ng kanilang magulang.
2. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain ng gulay!
3. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman abf mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay
Indong.
4. Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.
5.Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw ang aming kaligayahan.
6. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
7. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga naririnig ko, ngunit nang Makita ko kung ano ang naging
epekto ng apoy na galling sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.
8. Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang maranasan ang mga kultura rito.
9. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong
kasalanan sa dugo ng banal na tao iyan. Kayo ang bahala”.
10. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
PAGLA PANGANG PAGLALARA PANGANG PAGSASAL PAGLA PAGLALA PANGANG PAGLALA PAGLALA
LAHAD ATWIAN WAN ATWIRAN YSAY LAHAD RAWAN ATWIRAN RAWAN RAWAN
11. 12. 13.PANGAN 14. 15.
PAGLA PAGLALAR GATWIRAN PAGSASAL PANGANG

3
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAANIM AT IKAPITONG LINGGO
LAHAD AWAN AYSAY ATWIRAN

4
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAANIM AT IKAPITONG LINGGO

You might also like