Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SHELA MAE LIBANDO GRADE 12- PASTEUR

Sintesis ng El Filibusterismo
Nagsimula ang lahat makalipas ang labintatlong taon mula ng mamatay sina
Sisa at Elias. May isang bapor na kung tawagin ay Bapor Tabo na naglalakbay
sa pagitan ng Maynila at Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun,
Basilio, Isagani, at ilang mga pari. Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng
kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego. Doon ay nakita niya ang
mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang
iyon si Juan Crisostomo Ibarra. Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio
upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas sila ng
kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa planong
paghihiganti sa Pamahalaang Kastila. Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio.
Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na Pilipino
upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit hindi ito
pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito. Nang muling magkanaig ni
Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa
gagawing paghihigmasik. Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na
sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si Maria Clara. Sa kasawiang
palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang dalaga
kinahapunan. Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa
Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa masama ang
kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa
pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila. Nalaman ng mga pari ang
tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga
paskin sa pinto ng Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga
ito kasama si Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si
Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi
ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang
mga mag-aaral maliban kay Basilio. Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan
kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad namatay. Sa kabilang dako,
patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa
iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito.
Ipinagkasundo niyang ipakasal si Paulita kay Juanito. Inanyayahan niya sa
piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang
dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung
bakit tuluyan na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang
paghihimagsik. Naghandog siya ng magarang lampara para sa ikakasal. Lingid
sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina o
granada. Na sa oras na itaas ang mitsa ay sasabog ito ng malakas. Habang
nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya
mapakali dahil alam niya ang mangyayaring pagsabog. Nakita niyang
lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara.
Nakita din niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon. Unti-unti
nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre
Irene na itaas ang mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at
itinapon sa ilog. Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at
nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng lason dahil
ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay. Nagtapat siya kay Padre
Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti. Noong oras
din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun. Tumungo si Padre Florentino sa
bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat ng
kayamanan ni Simoun.
SHELA MAE LIBANDO GRADE 12- PASTEUR

Buod ng El Filibusterismo
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay.
Lulan nito ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng
bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari. Si Crisostomo Ibarra
ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na
nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligats
si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang
bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa ibat’t ibang tauhan,
kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa
isang palutung na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang
agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat
namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng
pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan
dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni
Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na
kasinlaki ng ulo ng tao. Lingid sa kaalamat ng lahat, ang ilawang ito ay
nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay
sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi
natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim
na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog. Matapos ang
pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at
nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad
naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga
gwardyang sibil na buhay. Ang mga naiwang alahas naman ni Simoun ay
itinapon sa dagat ni Padre Florentino at umasang matatagpuan iyon at
magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.

You might also like