Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bulalakaw ni German V.

Gervacio

Tauhan

 Aya – siya ang tagapagsalaysay ng kwento


 Gen – kababata ni Aya
 Ding at Mara – mga kababata ni Aya at Gen, mas matanda
 Ron – Unang kasintahan ni Aya
 Emil – Pangalawang kasintahan ni Aya
 Pete – ikatlong kasintahan ni Aya

Tagpuan

 Bubongan
 Paaralan
 Kanto sa may abangan ng sasakyan

Banghay

Panimulang pangyayari

- Pagsasalaysay ni Aya tungkol sa kaniyang mga kaibigan.


o Pagkamatuksuhin nina Ding at Mara
o Pagkamaginoo ni Gen
- Pagpapalipas oras sa bubungan
o Nagpipiknik
o Nagtutuksuhan
o Nagkukwentuhan
o Naghaharutan
o Nagtatakutan
- Pagtungtong sa highschool
- Pagkwento ni Gen tungkol sa mga bituin at bulalakaw
- “Maaaring saglit lang siyang magbigay ng liwanag pero katumbas naman iyon ng
kanyang buhay. At bigla-bigla na lamang siyang maglalaho, na para bang nahihiyang
mapasalamatan. Maaaring sa isang dulo ng kalawakan siya hihimlay ngunit
makakaasa kang siya’y babalik. Bukas? Sa isang taon? O sa iba pang panahon.
Babalik siya habang nabubuhay ang daigdig sa dilim ng mga bituin”.

Pataas na Aksyon

- Pagtatapos ng Highschool nina Aya at Gen


o Regalong sombrero ni Aya kay Gen
o Handog na kard ni Gen kay Aya
- Kasunduan na parehong unibersidad ang papasukan
- Pagkikita sa kanto sa may abangan ng sasakyan
- Pagbabago ni Gen
o Manigarilyo
o Maglasing
o Pagkalulong sa droga
- Nakipag-ugnayan si Aya sa ibang lalaki
o Ron
o Emil
o Pete

Kasukdulan

- Isang gabi’y bumuhos ang napakalakas na ulan. Naalimpungatan si Aya sa langitngit


ng nabuksang bintana.
- May humaltak kay Aya at may itinapal sa kanyang ilong at bibig. Hindi nagawang
manlaban ni Aya ngunit buhay parin ang kanyang diwa’t kamalayan

Pababang Aksyon

- Kinaumagahan ay pinuntahan niya si Gen ngunit may balitang gumimbal sa kanya.

Wakas

- Tatlong buwan ang nakalipas at nasa bubungan si Aya, sinapinan niya ng sombrero
ni Gen ang kanyang inuupuan
- May nagsasabing nababaliw na daw si Aya.
- Ang nasa isip ni Aya “Si Prinsesa Aya baliw? Bakit Gen, baliw ba ang tawag nila sa
isang buntis na gabi-gabi’y nasa bubungan at naghihintay sa pagbagsak ng
bulalakaw?”

You might also like