Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alona P.

Garner November 04, 2022

BSED-1F Ma’am Samantha Policarpio

PAGLALAHAD O EKSPOSITORI: “Pandemya”

Noong Enero 31, 2020, naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan na nag bunga ng
lubos na paghihirap ng mga pinoy sa ating bansa. Kinumpirma ang pagkalat ng pandemya, isang bagong
nakakahawang sakit na sanhi ng SARS-CoV-2 Theta variant na pinaniniwalaang nag mula sa Wuhan,
China noong Ika-18 ng Disyembre, taong 2019. Maraming Negosyo ang nalugi at marami rin ang mga
taong nawalan ng trabaho dahil sa ilang buwan na lockdown o pagbawal sa mga taong lumabas sa kani-
kanilang tahanan at makipag salamuha sa iba. Bukod pa rito, nagbago rin ang pamamaraan ng
edukasyon kung saan ang mga estudyante at mga guro ay nagkaklase gamit ang tinatawag na “new
normal” (online o modular na uri ng klase kung saan ang pag-aaral ay nagaganap sa loob ng kaniya-
kaniyang tahanan) kumpara noon na “Face-to Face” (uri ng klase kung saan pisikal na nagkikita ang guro
at mag-aaral). Ngunit, sa kabila ng halos tatlong taon na pag-hihirap dahil sa COVID-19, patuloy parin
ang pagiging positibo ng mga Pilipino, kaya naman unti-unti na nilang naibabalik ang kanilang dating
pamumuhay bago pa magkaroon ng pandemya.

PAGSASALAYSAY O NARATIBO: “Contento”

Si Lara ay nakatira sa bayan ng Salem. Siya ay sakit sa ulo ng kaniyang mga magulang dahil sa
labis na pag-dadamot nito sa kaniyang mga kapatid. Tuwing hihingi ang kaniyang kapatid na si Obri ng
pagkain, ito ay kaniyang tinatago kahit pa siya’y busog na. Dahil sa labis na kadamutan ni Lara, nalaman
ito ng diwata at nung gabi ay dinalaw siya nito sa panaginip. Nakita niya sa kaniyang panaginip ang
napaka daming pagkain at paborito niya ito lahat. Ayon sa diwata, kailangan maubos ni Lara ang lahat ng
pagkain bago pa maubos ang oras dahil pag siya’y nabigo, hindi na siya magigising. Nung una, ay panatag
si Lara na matatapos niya ang hamon ng diwata dahil paborito niya ang lahat ng pagkain. Ngunit, sa
kalagitnaan ng hamon, Si Lara ay nakaramdam nang pagka-busog at sobrang laki na rin ng kaniyang tiyan
na halos ito’y puputok na. Kaya naman, nag-makaawa siya sa diwata at pinangakong hindi na siya mag
dadamot kailanman. Naawa ang diwata, kaya naman ginising niya si Lara. Pag-gising ni Lara, kaniyang
inalabas ang mga nakatagong pagkain sa kaniyang silid at ibinahagi ito kay Obri. Si Lara ang
nagpapatunay, na masama sa atin ang sobra, kaya huwag maging madamot at matuto tayong mag
bahagi lalo na sa mga nangangailangan kung labis-labis na ang biyayang mayroon tayo.

PAGLALARAWAN O DISKRIPTIBO: “Ang Unang Tagpo “

Si Ana ay ang pinaka-magandang dilag sa kanilang baryo. Siya ay kutis porselana at ang kaniyang
labi ay kakulay ng pulang rosas. Bukod pa rito, ang kaniyang makintab, malambot, at mahabang itim na
buhok ay nagbibigay tingkad sa kaniyang mukha. Kinaiinggitan din ng mga kababaihan ang kaniyang
makapal na kilay at matangos na ilong. Marami ang nagkakagusto sakaniya at isa na rito si Caleb. Siya ay
moreno, matangkad, maganda ang katawan, at palaging may suot na salamin. Si Caleb ay mahiyain, kaya
naman hindi niya masabi kay Ana ang kaniyang nararamdaman. Ngunit isang araw, siya ay nagkaroon ng
lakas ng loob upang ayain si Ana sa Lireyo. Ito ay isang tahimik at magandang lugar kung saan ang
tanging maririnig lamang ay ang huni ng mga ibon at tunog ng mga dahon na sumasayaw sa ihip ng
hangin. Ito rin ay napaliligiran ng matataas na puno at iba’t-ibang matitingkad na kulay ng bulaklak na
nagbibigay buhay sa lugar. Si Ana ay pumayag na sumama kay Caleb dahil paborito niya puntahan ang
Lireyo. Kinilala nila ang isa’t-isa habang kumakain ng matamis na mansanas at halata sa kanilang abot
taingang ngiti na sila ay masaya sa kanilang unang tagpo.

PANGANGATWIRAN O ARGUMENTATIBO: “Legalisasyon ng Aborsyon sa Pilipinas”

Isa sa kinakaharap at hindi matapos-tapos na isyu sa Pilipinas ay ang kahirapan na pangunahing


bunga ng hindi planadong pamilya o hindi gustong pagbubuntis, lalo na sa mga kabataan. Dahil sa mga
iresponsableng magulang, maraming bata ang maagang nagtatrabaho o kaya naman ay namamalimos sa
kalsada imbes na sila ay nag-aaral. Ang masakit pa rito, may ibang tinatapos na lamang ang kanilang
buhay upang mawakasan na ang pag-hihirap na hindi dapat nila nararanasan.

Ang pagpapalaki ng isang bata ay hindi isang madaling gawain at nangangailangan ito ng sosyal at
emosyonal na dedikasyon kasama ng mga mapagkukunang pinansyal. Kung ang pakiramdam ng isang
tao ay hindi pa sila handa para sa isang bata, nangangahulugan ito na ang pagbubuntis ay hindi kanais-
nais. Ito ay maaaring maging resulta ng paglaki ng bata sa hindi kaaya-aya at mapanirang kapaligiran na
walang pagmamahal, pag-alaga at katatagan ng pamilya na higit na kinakailangan. Ang fetus ay hindi pa
kinikilalang legal o siyentipikong tao, kaya ang aborsyon ay hindi maitutumbas sa pagpatay o pagkitil ng
buhay dahil ito ay wala pang isip at hindi pa ito nakakaramdam ng kahit na ano. Bukod pa rito, ang
pagbabawal ng aborsyon ay maaaring maging resulta lamang ng hindi ligtas at illegal na pagpapalaglag,
kaya mas mabuting bigyan ang babae ng ligtas at legal na mga paraan upang maisagawa ito.

Ang aborsyon ay dapat na legal ngunit hindi ito dapat hinihikayat. Legal lamang dahil ito ay
maaaring pagpilian, at kung ano ang lumalaki sa loob ng iyong katawan ay sa iyo, kaya maaari kang mag
desisyon para rito. Ngunit ito ay hindi dapat hikayatin dahil may iba pang mas epektibong paraan upang
maiwasan ang pagbubuntis kaysa sa pagpapalaglag tulad ng paggamit ng mga kontraseptibs.

You might also like