Paikot Na Daloy NG Ekonomiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ESTOESTA, Anjel Rhada Mae F.

AP PT: Reflective Journal

Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay isang mahalagang bagay na dapat matutunan ng isang tao, lalong lalo
na kapag ikaw ay interesado sa pagiging politiko balang araw. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay ang pagproseso
ng ating ekonomiya na kung saan ay makikita mo rito kung ito pa ba ay gumagana pa o bumabagsak ba ito o di
naman kaya ay umaasenso. Mahirap itong patakbuhin sapagkat ito ay may iba’t ibang sektor na nilalaman nito. Ito
ang magsisilbing mga paa ng ekonomiya upang ito ay makatayo at gumana. Mahalaga ang bawat isang sektor
sapagkat ito ay babagsak at hindi gagana kapag kulang ito ng sektor. Ang bawat sektor ay may kani-kaniyang parte sa
pagpapatakbo ng ekonomiya. Kagaya ng isang tao, hindi ka makakatayo kapag wala ang mga paa mo.

Kapag ekonomiya ang pinag-uusapan, isipin mong marami ang kasali dito kagaya ng sambahayan, bahay-
kalakal, pamahalaan, bangko at marami pang iba. Sa unang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay papasok dito
ang unang dalawang bahagi ng ekonomiya, si SAMBAHAYAN at BAHAY-KALAKAL. Kung saan ang mga produktong
kanilang pino-prodyus ay sila rin ang kokonsumo sa mga ito. Para naman sa PANGALAWANG MODELO ay makikita
mo dito kung ano ang mga gawain ng Sambahayan at Bahay-Kalakal. Kung saan bumibili ang dalawa ng mga
produktong kanilang kinokonsumo, dito papasok ang Factor Market at Commodity Market. Dapat ay magkaroon sila
ng pantay na kita sapagkat ang isa’t isa ay ibinibigay ang mga kinakailangan sa pagprodyus para sa isa’t isa. Hindi sila
makakapagprodyus kung wala ang isa sa kanila. Hindi mapapagana ang ekonomiya. Sa IKATLONG MODELO ay
papasok ang FINACIAL MARKET sa sirkulasyon. Kung saan ay nagkakaroon ng di pantay na kita ng Sambahayan at
Bahay-Kalakal sapagkat si Sambahayan ay mag-iimpok ng salapi para sa “emergency” o gastusin ng mga tao. Upang
maging pantay ang bayad nilang dalawa, mamumuhunan o hihiram si Bahay-Kalakal ng salapi sa Financial Market.

Ang IKAAPAT NA MODELO. Dito papasok ang PAMAHALAAN, ito ay nangungulekta ng buwis para sa
pagpapaunlad ng bansa. Kinukolekta ng pamahalaan ang buwis ng Sambahayan at Bahay-Kalakal. Upang maibalik
ang kinuha ng pamahalaan sa dalawa, ang mga ito ay magiging tulong pinansyal na nagmumula sa pamahalaan. Ito
ay magiging Transfer Payment para sa Sambahayan gaya ng 4Ps, scholarship at iba pa. Gayun din sa Bahay-Kalakal,
ito ay magiging Subsidy gaya ng murang pautang, pagbili ng kagamitan at iba pa. Sa IKALIMANG MODELO ay papasok
ang Panlabas na Sektor kagaya ng KALAKALAN at Pakikipag-Ugnayang natin sa Ekonomiya ng ibang bansa. Papasok
dito ang IMPORT at EXPORT. Ang ating bansa ay bumibili ng mga sangkap at kagamitan na mula o galing sa ibang
bansa at ang Sambahayan ang nagbabayad sa pag-angkat ng mga ito. Tayo ay nagluluwas din ng ating sariling
produkto o kagamitan upang mapalitan ang lumabas na salapi sa pag-angkat o pag-iimport, ang Bahay-Kalakal
naman ang nagluluwas ng mga ito. Upang mas umangat ang ating ekonomiya, dapat ay mas marami ang kita sa
export kaysa sa import dahil tayo mismo ang tumatanggap ng kita sa pag-eexport.

Mahalaga ang bawat isang sektor sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Hindi ito gagana kapag kulang kulang ang
kasangkapan sa pagpapatakbo ng ating ekonomiya. Hindi ito magiging madali ngunit ang resulta nito ay papasayahin
ka. Sabi nga nila, kung may tiyaga, may nilaga. Mahabang pasensiya ang kinakailangan sa pagpapatakbo ng sistema
ng isang ekonomiya.

You might also like