Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CHAMPORADO

Ni: Dawn C. Obligacion

Nagmadaling umalis ng bahay si Jeremy, bagama‟t naramdaman niya kaninang

medyo mahapdi ang kaniyang tiyan. Ayaw niya kaseng ma-late para sa kanilang

pamanahunang pagsusulit. Papatapos na sana siya sa pagsagot ng pagsusulit nang

biglang nagalburuto ang tiyan niya. “Naku! Ang sakit ng tiyan ko. Ano bang masamang

nakain ko kanina?” pagtataka ni Jeremy, habang di na siya mapakali sa upuan. Ilang

sandali pa‟y nangyari na nga ang kinatatakutan ng bawat mag-aaral. Ayun! May

lumabas na nga sa bandang ibaba ni Jeremy. Hindi na niya nagawang magpaalam sa

guro para pumunta ng palikuran. Para siyang pinitpit na luya. Di na siya makagalaw at

di malaman ang gagawin. “Kapag tumayo ako para pumunta sa CR, tiyak makikita ng

mga kakalase ko ang pantalon ko. Buti nalang at hiwa-hiwalay ang aming upuan

ngayon. Wala pang nakakahalata.” Nagdesisyon siyang ipasa na lang ang kaniyang

papel sa pamamagitan ng kanyang kaklase sa unahan at iwasang tumayo ni gumalaw.

“Kaya lang, di magtatagal, siguradong maaamoy na nila ako. Dios ko po, ano po ba ang

gagawin ko?” halos magkulay labanos na sa si Jeremy, namumutla dahil sa sobrang

pag-aalala na baka siya‟y mapahiya at makantyawan. Habang ang lahat ay

nagmimeryenda na, pinili ni Jeremy na huwag kainin ang baon at manatili na lamang

sa upuan. Ngunit bigla na lamang natisod ang kaniyang kaklaseng si Cristie sa

kanyang harapan at nabitawan ang baong champorado.

“Ano ka ba? Wala ka bang mata?” Ani Jeremy. “Hindi mo tinitingnan ang

dinadaanan mo.” “Sorry. Di ko talaga sinasadya.” Pagpaumanhin ni Cristie, habang

sinusubukang punasan ang champoradong tumilapon sa damit ni Jeremy. “Teacher, si

Cristie nabuhusan po ng champorado si Jeremy.” Sumbong naman ng isa pang

kaklase. “Naku, Cristie!” tila inis na tinig ni Gng. Sanchez. “Di ba ang sabi ko sa inyo,

manatiling nakaupo kapag kayo ay kumakain. Paano ka naman nakarating dito sa

upuan ni Jeremy?” “Oo nga po teacher. Napakalampa talaga ni Cristie. Ang dumi na

tuloy ng damit at pantalon ko.” Inis man at nadumihan, laking pasasalamat ni Jeremy

dahil sa totoo lang tila pagpapala sa magkaila na siya‟y natapunan ng champorado.

“Hay, salamat Dios ko at natapunan ako!” pabulong na sabi ni Jeremy sa sarili.


“Sorry po talaga teacher, sorry Jeremy. Meron akong ekstrang damit, „yung PE

uniform ko. Malinis iyon. Maaari ko „yun ipahiram sa‟yo.” “Bakit ko naman gagamitin

„yung damit mo? Pambabae yun!” “Sige na Jeremy, pumayag ka na. PE uniform naman

yun. Pare-pareho lang naman ang disenyo ng pambabae at panlalake.” Pagkumbinse ni

Gng. Sanchez. Hindi naman napigilang tumawa at mangantiyaw ng iba nilang kaklase.

Pinagtawanan nila hindi si Jeremy, kundi si Cristie. “Ano ba yang baon mo, Cristie?

Panis na yata „yan eh. Ang baho!” “Oo nga. Ang sama ng amoy!” “Eh kaya mo pala

tinapon eh. Kase sira na yata. Yun nga lang kay Jeremy napunta!” “Quiet!” saway ni

Gng. Sanchez sa mga makukulit na mag-aaral ng VIDel Pilar. “Iyan ba ang ang

magandang asal na itinuturo ko sa inyo?” Nang sandaling iyon, napagtanto ni Jeremy

na naaamoy na siya ng mga kaklase kaya pumayag na siyang isuot ang damit na

pinapahiram ni Cristie. “Sige na nga. Pumapayag na kong gamitin ang PE uniform mo.

Pero linisin mo yang kalat mo at upuan ko ha. Ang baho eh!” Agad namang

nakapagpalit ng damit si Jeremy at talaga namang tuwang-tuwa sa kahihiyang

nalampasan niya. Kahit nga hindi na maipinta ang mukha, nilinis ni Christie ang kalat

ng champorado at ang dumi sa upuan ng kamag-aral.

Samantalang nang nagtanghalian na sa kantina, halatang iniiwasan ng lahat si

Cristie. Mag-isa siya sa mesa, walang nais tumabi sa kanya. “Naku, „wag kayong

lalapit diyan. Baka may baon pa yang lugaw, o kaya macaroni soup, o anumang sabaw,

baka matapunan din kayo.” Kantyaw ng ilan. Ngingiti-ngiti lamang si Jeremy,

bagama‟t binabagabag na ang kanyang kalooban dahil binu-bully na si Cristie.

Palibhasa‟y batid niya ang katotohanang nailigtas siya ni Cristie sa katakot-takot na

kahihiyan. Hanggang sa pag-uwian, makikitang mag-isa lamang si Cristie. Walang

gustong sumabay sakanya. “Cristie.” Lumingon si Cristie at nakita niyang sinusundan

siya ni Jeremy. “O, Jeremy, ikaw pala, ba‟t di mo kasabay yung mga kabagang mo?”

tanong niya habang mas binilisan pa ang paglalakad. “Cristie.” Pagtawag ni Jeremy,

habang hinahabol niya ang kaklase “Uy! sandali lang naman, sinadya mo „yun ano?”

Biglang tumigil sa paglalakad si Cristie. Lumingon. Tiningnan si Jeremy. “Sinadya mo

„yun, di ba?” muling tinanong ni Jeremy si Cristie. Alam ko ang pakiramdam ng

makantyawan, pagtawanan, at mapahiya. “Oo. Sinadya ko iyon dahil minsan napupo na

rin ako sa shorts. Iginuhit ko na sa tubig ang pangyayaring iyon ngunit matagal bago
iyon nakalimutan ng mga kakalase ko noon” Nagulat si Jeremy sa kanyang nalaman.

Hindi niya inaasahang may taong busilak ang puso at kayang gawin iyon para sa

kanya. “Maraming salamat ha. At Sorry. Di man lang kita ipinagtanggol kanina.

Patawad. Pwede ba tayong maging magkaibigan?” Ngumiti lamang si Cristie at

nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol at sinabayan pa rin siya ni Jeremy. “Wala na akong

magagawa. Suot mo na yang damit ko eh. Kaya magkaibigan na tayo.” Sabay silang

nagtawanan. Ang bagong magkaibigan ay masayang naglakad pauwi, habang

nagkukwentuhan.

You might also like