Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan:_______________________________ Petsa:____________
Antas at Seksyon:________________ Iskor: ____________

Pauna at Panapos na Pagsusulit (Unang Semestre)


FILIPINO 10

I. Maramihang Pagpili
Panuto: Basahing mabuti ang halaw na akda sa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Pillin ang titik ng tamang sagot.

(1 )Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus. Nag-alala ang


anak at kinalma ang kalooban ni Venus. Naunawaan ng ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na lang
siya magpapagaling.
(2) Nagpasya si Venus na pumunta sa daigdig upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating
niya roon ay isang ubod ng kisig na lalaki ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso.
(3) Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli, naging
hilig na rin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. At tuluyan silang naging magkatipan.
(4) Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpus upang
dalawin ang anak at ang iba pang diyos at diyosa. “Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sa
pangangaso habang ako’y wala,” paalala ni Venus.
(5) Palibhasa’y hilig at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na
pumunta sa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at
siya ay nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.
(6) Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niyang
naghihingalo ang kasintahan. Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng katipan.Ginamit niya
ang kanyang kapangyarihan at ginawa niyang napakagandang bulaklak ang dugong tumapon sa
kanyang kasintahan. Mula noon, ang mga rosas ay sinasabing ang dugo ni Adonis na simbolo
ng pagmamahal.
Halaw mula sa Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis (internet)

1. Batay sa akda, si Venus bilang isang tauhan ay:


A. Hindi marunong magtiwala C. Sobrang magmahal
B. Makasarili D. Taksil
2. Ano ang pangunahing suliranin ng pangunahing tauhan?
A. Ang pagbabalik ni Venus sa bundok Olimpus
B. Ang pagkakasugat kay Venus ng anak na si Kupido
C. Ang pagkahulog ng damdamin ni Venus kay Adonis
D. Ang pagkahilig ni Adonis sa pangangaso at ang kapahamakang sinapit nito.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pinakamaigting na pangyayari sa akda?
A. Nang aksidenteng mapana si Venus ng kanyang anak na si Cupid
B. Nang magpasya si Venus na bumaba sa daigdig upang magpagaling ng sugat
C.Nang maabutan ni Venus na naghihingalo na ang kanyang kasintahan na si Adonis
D. Nang ginamit ni Venus ang kanyang kapangyarihan upang gawing napakagandang
bulaklak ang dugong tumapon kay Adonis
4. Ang wakas ng kuwento ay__________
A. May napipinto pang kasunod o sequel.
B. Nag-iwan ng katanungan sa isip ng mambabasa
C. Nasa mambabasa kung paano nila ito gustong wakasan
D. Nagpapakita ng kalutasan sa suliranin ng pangunahing tauhan

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang Alibughang Anak


Luke 15:11-32

5. Ang kaisipan o mensahe na nais ipaabot ng parabula sa bumabasa ay__________.


A. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
B. Walang bagay na ibinigay ang Diyos na hindi natin kaya.
C. Ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao ay pagsubok lamang Niya
D. Walang magulang na nakakatiis sa kanyang anak ngunit may anak na nakakatiis sa
kanyang magulang
6. Ang binasang akda ay nagbibigay mensahe ng isang namamayaning relasyon. Ito ang
relasyong:
A. Ama at anak C. May-ari ng lupa at mga bisita
B. Katulong at mga bisita D. Magsasaka at may-ari ng lupa
7. Sumagot nang marahan ang ama, “Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay
iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay, nakita
nating muli ang nawala.” Anong kaisipan ang masasalamin sa pahayag na maaaring iugnay sa
ama ng isang pamilya?
A. Ama na kayang ipagbili ang ari-arian para sa anak
B. Ama na kayang kalimutan ang isang anak kapag nagkamali ito
C. Ama na kayang ibigay sa anak ang lahat ng karangyaan sa mundo
D. Ama na marunong magpatawad sa anak sa kabila ng kamaliang nagawa nito

Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay na nagpapaalala sa kanya
sa mga tunog na naririnig niyang ingay ng gabing iyon at antimanong sumayad sa takipsilim
niyang aabutin ang bote para uminom hanggang sa makatulog.
Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal iyon
na lamang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman,
walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawang pagkalagas ng mga ngipin ni
Fak. Ni walang nag-aabalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong
sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng
gabing iyon.
Mula sa Akdang “Ang Paghuhukom”
Isinalin sa Filipino ni Lualhati Bautista

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

8. Anong bahagi ng talata ang nagpapakahulugan na walang pakialam ang lipunan kay Fak?
A. Nag-ipun-ipon ang mga tao upang mag-usap
B. Agad-agad na kumalat ang balitang pambubugbog kay Fak
C. Walang bumabanggit tungkol sa mga may kagagawan ng pambubugbog.
D. Walang nag-abalang magreklamo laban sa mga taong nambugbog sa kanya
9. Aling ideya ang sumasalamin sa pagtingin ng tauhan sa kanyang sarili.
A. Matatakutin sa dilim C. Walang pangarap sa buhay
B. Kawalan ng pag-asa D. Maling ang pagtanggap sa buhay

Pagkasugpo ng pag-aalsa. Matagal ng walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Sari-sari
ang kuwento tungkol sa kung saan siya nagkamal ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa
isang grupo ng mga dating rebelde na nagtago sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan.
Ayon pa sa isa’y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho
upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon.
Apat ang naging asawa ni Pak Hitam. Ang sabi ng mga ito, sa buong buhay niya’y
mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at isang donselya sa bawat pagkakataon.
Nagkalat ang kanyang mga anak. Sa mga kalapit nayon, at ayon sa usap-usapan, di niya
mabilang o matandaan kung sino ang mga iyon.
10. Ano ang nais ng may-akda na gawin ng pamahalaan?
A. Pagsugpo ng terorismo sa bansa
B. Ang magkaroon ng ngipin ang batas
C. Pag-aralan ang “peacetalk agreement”
D. Rebisahin ang parusang ipinapataw sa mga tulisan
11. Ano naman ang nais sabihin ng may-akda na gawin ng mamamayan?
A. Magkaroon ng dangal sa sarili
B. Sikaping maging mapagpakumbaba
C. Igalang ang karapatan ng bawat isa
D. Bigyang-halaga ang pinairal na batas ng pamahalaan
12. Aling pangyayari sa akda ang nagpapakita ng pakikipagsapalaran ng tao sa mabangis na
mundo?
A. Pagkamkam niya ng salapi
B. Pagkakaroon ni Pak ng asawa
C. Pagsama ni Pak Hitam sa mga tulisan
D. Pagpapatayo niya ng lihim na minahan ng ginto
13. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya`t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahulugang ____________
A. Kakinisan B. Kayamanan C. Kagandahan D. Pinag
–aralan
14. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na “ Hindi mabubuhay ang pag
ibig kung walang tiwala”
A. Walang pag ibig kung walang tiwala
B. Titibay ang pag ibig kung may pagtitiwala
C. Hindi wagas ang pag ibig na ipinagkakatiwala
D. Ang pag ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
15. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang Panginoon . Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang ____________
A. Amo B. Bathala C. Diyos D. Siga
Punungkahoy
Salin ni Rufino Alejandro mula sa “The Trees” ni Joyce Kilmer (1886–1918)

Sa aking palagay ay hindi na ako makakakita pa


Ng tulang sindikit nitong punungkahoy na kaaya-aya

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bibig na dayukdok di ibig alisin sa pagkakadikit


fxSa dibdib ng lupang ang daloy ng buhay, walang kasingtamis

Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin


Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin

Kung nagtatag-init, ang malagong buhok ay nahihiyasan


Ng pugad ng ibong pugad din ng tuwa at kaligayahan

Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip 


Sa buhos ng ulan ay magkaramayang nakikipagtalik

Tula’y nagagawa ng mga gaya kong tulala at hangal,


Mga punungkahoy, ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang.
16. Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin
Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin.

Ang kahulugang tumutukoy sa punungkahoy sa taludtod na ito ay isang______.


A. Buhay C. Tao
B. Mundo D. Tula
17. Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa loob ng talata?
A. Kalinisan ng budhi C. Kagandahang-asal
B. Kadalisayan ng puso D. Katiwasayaan sa sarili
18. Ang kahulugan ng salitang hangal sa loob ng taludtod ay_______________.
A. Kahinaan sa pag-iisip C. Mangmang
B. Kakulangan sa pag-iisip D. Walang kakayahan mag-isip

Panuto: Ayusin ang sumusunod na salita ayon sa pormalidad nito at pagkatapos ay piliin sa
kahon ang kahulugan/ mga salitang may kaugnayan dito.

A. Libro
B. Mababa
C. Dulot ng kalungkutan
D. Ginagamit upang makabili
E. Makakamtan kung ikaw ay nag-aaral
Kahulugan

20. Pera, salapi, datung 21. __________________


22. Kaalaman, talino, dunong 23. __________________
24.Nguyngoy, iyak, panaghoy 25. __________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang akda at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.Pillin ang
titik ng tamang sagot.
KATARUNGAN
NI Babylyn V. Bautista

Tunay ngang mapait ang kapalaran


Dahil sa kahirapang pinagmulan
Akoy nasasadlak sa kasalanan

Bakit nga kaya, ang batas ay hindi pantay-pantay?

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Hindi ba dapat walang mayaman at walang mahirap?


Ngunit nandito ako ngayon sa kulungang matamlay.
http://www.scibd.com/document/35199501/
26. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?
A. Walang magandang kapalaran ang mga mahihirap.
B. Mayayaman lamang ang nagkakamit ng katarungan.
C. Ang kahirapan ang sanhi ng kawalan ng katarungan.
D. Walang pagkakapantay-pantay sa lipunang ating ginagalawan.
27. Ang tulang binasa ay mauuri bilang tulang ______________.
A. Malaya C. Tradisyunal
B. Tanaga D. May sukat at tugma
28. Nandito ako ngayon sakulungang matamlay. Anong uri ng tayutay ang salitang may
salungguhit?
A. Simili B. metapora C. pagmamalabis D.Personipikasyon

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig.


29. Akoý nasasadlak sa kasalanan
A. nababaon B. nalululong C. nalulugmok D. nakahandusay
30. Nandito ako ngayon sa kulungang matamlay
A. mahina B. tahimik C. malungkot D. walang sigla
31. Tunay ngang mapait ang kapalaran
A. maasim B. mapakla C. masaklap D. Hindi matamis

Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang
kahulugan.
32. Bahay Nabuong salita

-Taong ang bahay ay malapit sa inyo

33. Yaman
- Taong tagapangasiwa ng salapi o
yaman ng isang kumpanya o
organisasyon

34. Puso
-Taong may mabuting kalooban

B. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pandiwa upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

A. Inialay D. Nagdala
B. Ipinanguha E. Naipaghanda
C. Ipinansulat F. Pangalagaan

35._____________ ng mga bayani ang kanilang buhay sa ating Inang-bayan.


36._____________ naming ng magandang buhay ang aming kapatid.
37. _____________ni Rizal ang kanyang panitik sa paglaban sa mapang-aping Espanyol.
38. _____________ ng kani-kanilang tent ang mga batang iskawt.

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

39. _____________ ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.


40. _____________ niya ng mga rosas sa hardin ang Mahal na Birhen

41.Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?”


A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
C. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
D. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig.

42. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _______.


A. Marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. Pagsaway sa utos ng kanilang angkan
C. Pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. Lahat ng nabanggit

43. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. Pag-ibig sa ama/ina C. Pag-ibig sa kaibigan
B. Pag-ibig sa kapatid D. Pag-ibig sa kasintahan/asawa

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi
siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang
masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at
malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya.
Siguro’y mas armado lang ako.
-Ang Matanda at ang Dagat

44. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _______.
A. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.

45.Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?


A. Mabait B. Maalalahanin C. Mapagpahalaga D. Mabuti

Para sa bilang 46 – 47
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ang Aking Pag-ibig

45. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?


A. Mapagtiis C. Masayahin
B. Mapagpakumbaba D. Mapagmalasakit

46. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang
iniibig sa pamamagitan ng ________________.

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL

A. Pagpapahiwatig ng nararamdaman
B. Pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
C. Paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
D. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila

48. Uri ng tula na naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at


karanasang maaaring sarili ng may-akda o ng ibang tao.
A. Pasalaysay B. Padula C. Pandamdamin D. Patnigan

49. “Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan


Pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang kapantay”.
Ang may salungguhit nagpapakita ng ___________.
A. Pagsisisi C. Pagkaawa
B. Pagmamahal ng anak sa ina D. Kabaitan

50. Naging masining ang tula sa tulong ng paggamit ng ___________.


A. Talinghaga B. Tugma C. Sukat D. Malayang taludturan

“Palawakin ang iyong anino sa ilalim ng sikat ng araw batay sa iyong sariling kakayahan”

Inihanda nina:

ARIEL C. CARCABUSO

CORNELIO B. CENIZAL

MARY GRACE B. MEDINA

Sinuri ni:

CORNELIO B. CENIZAL
Dalubguro I, Filipino

Pinatunayan:

NERI M. ZARA, PhD


Ulongguro III, Filipino

Pinagtibay:

BABY JANET U. DIMAILIG


Punongguro IV

Address: Lucsuhin, Calatagan, Batangas 4215


(043) 419- 0075
301111@deped.gov.ph

You might also like