Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pangalan:___________________________________Lebel:

______________________________
Seksiyon:___________________________________Petsa: ______________________________
KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS
1. Naisusulat na muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari at
mga katangian ng sinuman sa mga tauahan: ang sariling wakas sa naunang alamat na
binasa. (F9PU-IIId-e-54)
2. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng
alamat (F9WG-IIId-e-54)
PANIMULANG KONSEPTO
Ang mga Pilipino ay kilala bilang malawak na mambabasa, masasalamin ito sa
mayaman na panitikan ng ating bansa. Karamihan sa mga ito ay hindi na natin alam kung saan at
ano ang pinagmulan ngunit patuloy na tinatangkilik dahil sa aral, tradisyon at kulturang
nakalimbag kasama nito.
Bawat rehiyon sa ating bansa ay may mayamang panitikan na nagsaad ng mga
pinagmulan ng mga bagay- bagay. Mga bagay na nagdulot ng pagkakabuo ng bagay, halaman,
hayop, lugar at iba pa.
Alam ko sabik na kayong tuklasin ang mga ito, kasabay ang mga pang-abay na ginamit sa
pagbuo nito.
Halika! Samahan ninyo ako.

PANIMULANG GAWAIN
Panuto: Basahin ang mga parirala. Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na
Panlunan, Pamanahon, o Pamaraan.
1. Tumakbo sa parke- ___________________________
2. sa kusina kinuha- _____________________________
3. sa Cebu pupunta - ____________________________
4. magaling sumayaw - __________________________
5. galit na nagsalita - ____________________________
PAGSUSURI AT ABSTRAKSIYON
ANO NGA BA ANG ALAMAT?
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ang alamat ay legend sa
wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa"
Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa
mundo.  Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao,
pook o bagay sa mundo.  Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.  Ang mga
alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat,
mapagmahal, at iba pa.

1|Page
ALAMAT NG SAMPAGUITA
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging
kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway.
Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit
nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya.
Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako.
Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.


Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…”

Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.

Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na
wala na ang babaing pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni


Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng
kasintahan.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang
halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango.

Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay.
Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.

2|Page
Aral:

 Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi


totoong kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot kaninuman.
 Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga,
siguradong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.

ANO NAMAN ANG PANG-ABAY


PANG-ABAY
Ang Pang-abay ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan o
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-abay.
Sa Ingles, ito ay tinatawag na adverb.
Mayroong siyam (9) na uri ng pang-abay ngunit sa modyul na iyo ay
pagtutuonan natin ang tatlo lamang sa mga ito ang. Pang-abay na
Pamanahon, Pang-abay na Panglunan at Pang-abay na pamaraan.
1. PANG-ABAY NA PAMANAHON
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad
kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.  Mayroon itong tatlong uri: may
pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

a. May pananda:
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
 
Halimbawa:
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

b. Nagsasaad ng dalas
araw- araw, tuwing umaga,taun-taon atb

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyangkalusugan
C. Walang pananda:
kahapon, kanina, ngayon, ma maya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang
ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika-40 na kaarawan.

2. PANG-ABAY NA PANGLUNAN
tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay sumasagot sa tanong SAAN.
sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
3|Page
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap ng mamon para sa iyong kaarawan.
Tumira siya sa gubat ng libimpitong taon.
3. PANG-ABAY NA PAMARAAN
naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag
ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.Ito ay sumasagot satanong na
PAANO.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit. Bakit siya umalis na umiiyak?

PAGSASANAY 1
Panuto: Tukuyin ang uri ng Pang-abay sa bawat salitang may salungguhit.
Isulat ang PL kung Panlunan, PH kung Pamanahon at PM – Pamaraan.
___________1. Sumasayaw ang mga guro sa entablado tuwing araw ng
mga guro.
___________2. Si Maria ay magaling sumayaw at kumanta.
___________3. Lumipat ang mag-anak na Reyes sa probinsya dahil sa pandemya.
___________4. Ang mga guro ay pumapasok sa paaralan sa nakatakdang araw ng
kanilang pagpunta.
___________5. Magiting na lumaban ang mga kababaihan para sa kanilang mga
karapatan.
___________ 6. Nagtatago sa ilalim ng sofa ang ahas na pumasok sa tahanan ng mga
Caballero.
___________ 7. Tayo ay pupunta sa bahay ng mga mag-aaral upang sila ay kumustahin
at tulungan sa kanilang mga modyuls.
___________ 8. Gising na agad ang nanay tuwing madaling araw upang ipaghanda ng
umagahan ang tatay bago pumunta sa tumana.
___________9. Mabilis na tinakbo ni Roman ang batang napabayaan ng magulang sa
kalsada bago ito masagasaan.
___________10. Maingat na pinagplanuhan ng pamahalaan ang gagawing pagharap sa
pandemyang nararanasan ng bansa.

PAGSASANAY 2

Panuto: Basahing muli ang “Alamat ng Sampaguita” sa inyong activity sheet.


Pagkatapos basahin ay subukang isulat na muli ang alamat at palitan ang ilang pangyayari
sa akda at maging ang wakas nito. Gamitin ang mga pang-abay na pamanaho, panlunan at
pamaraan sa inyong muling pagsulat . Gumamit ng hiwalay na piraso ng papel sa
pagsagot.

Pamantayan sa Pagmamarka
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Naisusulat na muli ang nabasang alamat na may 10
binago sa ilang pangyayari at wakas nito.
2. Nagagamit ng tama ang pang-abay na pamanahon, 10
panlunan, at pamamaraan sa pagsulat ng alamat.
3. Mahusay at magkaka-uganay ang mga pangyayari 10
4|Page
sa ginawang alamat sa naunang binasang alamat.
KABUUAN 30

SANGGUNIAN
ano ang kahulugan ng alamat - Brainly.ph
Pang abay (slideshare.net)
ANO ANG PANG-ABAY: Kahulugan Ng Pang-abay, Mga Halimbawa Nito (philnews.ph)
Alamat Halimbawa: 10 Pinakasikat na Alamat sa Pilipinas (pinoycollection.com)

MANUNULAT: TAGASURI NG NILALAMAN:


JAYSON A. LAMADRID CHERRY P. PITOY
TEACHER I MASTER TEACHER I

NABATID NI: PINAGTIBAY NI:


OLIVIA M. LAMADRID TERESITA A. ORENDAIN Ed D
HEAD TEACHER II PRINCIPAL IV

5|Page

You might also like