Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangako

Ang pagtuturo ay ang pinakamarangal na propesyon dahil ang isang guro ay may payak na
layunin na mapabuti ang isang mag aaral dahil ang guro ang siyang nag bibigay ng kaalaman
sa bawat studyante. Ang guro ay ang pangalawang ina ng isang studyante na kung saan ang
guro ay siyang gumagabay o nag tuturo ng kaalaman at mabuting asal para sa mga mag aaral.

Kalapit nito ako si Charmaine Deus Pinto ay nangangako na magiging isang mabuting guro
balang araw at magiging instrumento upang makamtan ng isang mag aaral ang kanyang mga
pangarap o mithiin sa buhay. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang gampanan ang
aking mga responsibilidad bilang isang mabuting guro sa hinaharap.

Bilang isang mabuting guro sa hinaharap, hindi ako gagawa ng ikakasira ng kumpiyansa sa
sarili ng isang mag aaral, hindi ko kukunsintihin ang mga maling gawain ng isang mag aaral sa
halip, itatama ko ito at hindi ako mananakit ng pisikal at damdamin ng isang studyante.
Sapagkat alam ko na ang mga ito ay pwedeng makasira ng pangarap ng isang studyante.
Habang ako'y nag aaral, naranasan ko na mawalan ng kumpiyansa sa aking sarili ngunit hindi
ito hadlang upang ako ay maging guro sa hinaharap. Ako ang magiging dahilan upang
lumakas ang loob ng isang studyante na maniwala sa kanyang sariling kakayahan. Ako ay
magiging inspirasyon sa mga mag aaral at sisiguraduhin ko na ako ay magiging isang
mabuting guro balang araw.

Pinapangako ko rin na bilang isang mabuting guro sa hinaharap, gagawin ko ang lahat upang
mag bigay ng kaalaman sa mga mag aaral, walang maiiwan lahat sila matututo dahil habang
ako ay nag aaral sinisigurado ko na ako ay may nakalap na kaalaman para sa mga mag aaral
sa hinaharap.

Gabayan nawa ako ng Panginoon

CHARMAINE DEUS PINTO

English Major

You might also like