Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

GLOBALISASYON

ANO ANG GLOBALISASYON-

Ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

PERSPEKTIBO O PANANAW TUNGKOL SA PINAGMULAN NG GLOBALISASYON

-Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa-NAYAN CHANDA (2007)

-Ang globalisasyon ay isang mahalagang siklo (cycle) ng pagbabago-JAN AART SCHOLTE (2005)

-Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na “wave” o epoch o panahon -THERBORN (2005)

PANAHON KATANGIAN
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at
Kristiyanismo
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century)Pananakop ng mga Europeo
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na
bahagi ng ika-19 na siglo (late 18th-early 19th nagbigay-daan sa globalisasyon
century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang
ideolohikal partikular ang komunismo at
kapitalismo.
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang
pangekonomiya. Nagbigay-daan sa mabilis na
pagdaloy ng mga produkto,serbisyo, ideya,
teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United
States
PERSPEKTIBO O PANANAW TUNGKOL SA PINAGMULAN NG GLOBALISASYON

Ang globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan – ito ay hawig ng


ikatlong perspektibo kung saan marami itong pinagmulan.

➢ PANANAKOP NG ROMANO BAGO PA MAN MAIPANGANAK SI KRISTO (Gibbon 1998

➢ PAG-USBONG AT PAGLAGANAP NG KRISTYANISMO MATAPOS ANG PAGBAGSAK NG IMPERYONG


ROMAN

➢ PAGLAGANAP NG ISLAM NOONG IKAPITONG SIGLO.

➢ PAGLALAKBAY NG MGA VIKINGS MULA EUROPE PATUNGONG ICELAND, GREENLAND AT HILAGANG


AMERIKA

➢ KALAKALAN SA MEDITTERANEAN NOONG GITNANG PANAHON

PAGSISIMULA NG PAGBABANGKO SA MGA SIYUDAD-ESTADO SA ITALYA NOONG IKA-12 SIGLO.


Ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo

➢ PAG-USBONG NG ESTADOS UNIDOS BILANG GLOBAL POWER MATAPOS ANG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG.

➢ PAGLITAW NG MGA MULTINATIONAL AT TRANSNATIONAL CORPORATIONS (MNCS AND TNCS)

➢ PAGBAGSAK NG SOVIET UNION AT ANG PAGTATAPOS NG COLD WAR

GLOBALISASYONG EKONOMIKO – Sentro ang ekonomiya sa kalakalan ng mga produkto at


serbisyo.

MULTINATIONAL COMPANIES (MNC) –Tumutukoy sa namumuhunang kompanya sa ibang bansa


ngunit ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan. Halimbawa ng mga ito ay Coca-Cola, McDonalds, Toyota, Google at Uniliver.
TRANSNATIONAL COMPANIES (TNC) – Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng
pasilidad sa ibang bansa at ang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Halimbawa ng
mga ito ay Shell, Glaxo Smith Kline at Accenture

MAGANDANG EPEKTO NG PAG-USBONG NG MULTINATIONAL AT TRANSNATIONAL COMPANIES

• Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipiliian

• Kompetisyon sa pamilihan

• Pagpapababa ng halaga ng mga produkto

• Nakalilikha rin ito ng mga trabaho

HINDI MAGANDANG EPEKTO NG PAG-USBONG NG MULTINATIONAL AT TRANSNATIONAL COMPANIES

• Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan

• Di-patas na kompetisyong dala ng mga MNC at TNC na may malaking puhunan

• Pag-impluwensya sa polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagpapababa ng halaga ng


buwis, pagbibigay tulong pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas sa paggawa at isyung
pangkapaligiran

• Higit na pagyaman at paglakas ng MNC at TNC

OUTSOURCING – Pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad.

1. BUSINESS PROCESS OUTSOURCING (BPO) – Tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang


kompanya
2. KNOWLEDGE PROCESS OUTSOURCING (KPO)--Nakatuon sa mga sa gawaing nangangailangan ng
mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at
serbisyong legal.
3. OFFSHORING – Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng
mas mababang bayad.
4. NEARSHORING -- Pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
5. ONSHORING – Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugang pagkuha ng serbisyo
sa isang kompanya mula din sa loob ng bansa.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

• Nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapabilis at pagpapagaan ng pamumuhay ng tao.

• Ang impluwensya ng kulturang koreano dala ng Korean novela, K-pop culture ay laganap sa mga
kabataang Pilipino.

GLOBALISASYONG POLITIKA

• Mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa,samahang rehiyunal at pandaigdigang organisasyon

GUARDED GLOBALISASYON – Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong


hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa mga malalaking negosyante.

PATAS o PANTAY na KALAKALAN (Fair Trade) – Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito
ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit
na namumuhunan.

PAGTULONG SA ‘BOTTOM BILLION’-Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat
bigyang pansin sa suliraning pang-ekonomiya kinakaharap ang daigdig, ito ay ang bilyong
pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.

MABUTING EPEKTO-Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na nakapagbibigay ng


trabaho sa mga mamamayan na makatutugon sa pangangailangan ng tao.

HINDI MABUTING EPEKTO-Pagbaba ng sahod ng mga manggagawa.

Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, “job mismatch” bunga
ng mga “job skills mismatch,” Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at ang
flexible labor.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:

➢ Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng globally standard;
➢ Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang
pamilihan;

➢ Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs,complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa; at
➢ Pang-apat, dahil sa mura ang labor cost, madali para sa mga mamumuhunan na magtakda ng
mababang presyo sa parehong kalidad ng produktong lokal.

Apat na Haligi para sa Disente at Marangal na Paggawa ( DOLE 2016)

Employment Pillar-Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, Malaya at pantay na oportunidad
sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

Worker’s Rights Pillar-Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapat na pagpapatupad ng mga Karapatan ng mga manggagawa

Social Protection Pillar-Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at nga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at
oportunidad.

Social Dialogue Pillar-Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit

KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR

1.SEKTOR NG AGRIKULTURA-Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng


mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga imported na produkto sa
pamilihan.

2.SEKTOR NG INDUSTRIYA-Ang Sektor ng Industriya ay lubusan ding naapektuhan ng bunga ng mga


naging kasunduan ng Pilipinas sa iba't pandaigdigang institusyong pangpinansyal.

3.SEKTOR NG SERBISYO/ PAGLILINGKOD-Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa


sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilipino.Saklaw ng sektor na ito ang pananalapi,
komersyo,seguro(insurance), kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak,
komunikasyon, libangan, medikal, turismo, BPO at edukasyon.

Iskemang Subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan kung saan ang kumpanya (principal) ay


kumukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang traabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting at ito ay ang:

• Ang Labor-Only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay direktang may kinalaman sa mga
Gawain ng kumpanya.

• Ang Job Contracting naman ay ang subcontracting na may sapat na puhunan para maisagawa ang
trabaho at mga Gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala siyang direktang
kinalaman sa mga gawain ng kumpanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil
maapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa na nag tatrabaho

Ang Mura At Flexible Labor: Isang matinding hamon and kinakaharap ng mga manggagagawa mula ng
ipatupad ang patuloy na paglala ng Mura at Flexible labor sa bansa (IBON,2006).
UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT

. Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho. Naging patakaran ng gobyerno ang


pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang mga bilang ng mga Pilipinong
nangingibang bayan para magtrabaho. Ang OFW ngayon ang tinuturing na “bagong bayani” dahil sa
kitang pinapasok nito sa bansa, dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit dumaan sa
matinding krisis sa pulitika at ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang indicator ng papalaking pag-
asang bansa sa panlabas na salik.

SULIRANIN SA UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT

Ang kawalang trabaho o unemployment ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit
aktibong naghahanap ng trabaho. Ang antas ng kawalang trabaho ay isang panukat ng pagiging laganap
ng kawalang trabaho at kinukwenta bilang isang bahagdan na hinahati ng bilang ng mga indibidwal na
walang trabaho at ng lahat ng indibidwal na kabilang sa lakas paggawa.

KONTRAKTUWALISASYON AT JOB MISMATCH

Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa
pandaigdigang pamilihan.Dahil dito,nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa
produksyon.Malayang naipatupad ng mga kapitalista ang iskemang Kontraktuwalisasyon para ibaba ang
gastos sa paggawa,alisin ang anumang proteksyon at ang tuwirang responsibilidad sa
manggagawa.Naging laganap ang kalakaran ng manggagawang kontraktuwal o naempleyo sa
pamamagitan ng ahensya.

MIGRASYON - Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

INFLOW / ENTRIES / IMMIGRATION – Dami o bilang ng taong pumapasok sa isang bansa sa loob ng
isang taon

OUTFLOWS / DEPARTURES / EMIGRATION – Dami o bilang ng taong umaalis sa bansa sa loob ng isang
taon

NET MIGRATION – Nakukuha kapag ibinawas ang bilang ng taong umalis sa bilang ng taong pumasok sa
bansa

STOCK – Bilang ng taong umalis na nanirahan o nanatili na sa bansang nilipatan

DAHILAN NG MIGRASYON
1. Masaganang buhay
2. 2. Paghahanap ng ligtas na tirahan
3. Hanapbuhay na may malaking kita
4. Pag-aaral o pagkuha ng teknikal na kaalaman lalo na sa mga industriyalisadong mga bansa
5. Paghikayat ng mga kamag-anak na matagal ng nasa ibang bansa upang magkaroon ng
pagsasama-sama ang pamilya
EPEKTO NG MIGRASYON
-GLOBALISASYON NG MIGRASYON
-MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON
-PAGLAGANAP NG MIGRATION TRANSITION
-PAGKAKAIBA NG URI NG MIGRASYON
-PAGTURING SA MIGRASYON BILANG ISYUNG POLITIKAL
-PEMINISASYON NG MIGRASYON
FORCE LABOR BILANG ISANG ISYU NG MIGRASYON
Ang forced labor ay isang anyo ng human trafficking. Ayon sa International Labour Organization (ILO)
ang forced labor ay konektado sa mga “sitwasyon kung saan ang mga tao ay puwersadong
pinagtatrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakot o kaya’y sa mas tagong pamamaraan tulad ng
pagbabaon sa utang.

7 Kategorya ng Forced Labor


1. Slavery and abductions

2. Domestic workers in involuntary labor situations

3. Compulsory participation in public works projects

4. Mandatory forced labor in remote areas

5. Involuntary labor resulting from trafficking in persons

6. Prison labor and rehabilitation through work

7. Bonded Labor

Human Trafficking - ay ang kalakalan na nagaganap na kung saan ang pangunahing produkto o kalakal
ay mga tao. Ito ay isinasagawa ng lihim sa batas. Ang kahahantungan ng mga taong dumadaan dito ay
ang Forced labor at Slavery.

Slavery - ay ang pagtingin sa tao bilang isang pag-aari. Ang slave o alipin ay maaaring ibenta o ipagpalit
ng kanyang pinagsisilbihan. Maaari siyang gamitin sa anumang paraan na nais ng kanyang amo ng
walang katumbas na kabayaran.

R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Person Act of 2003 – ay isang batas na ipinasa para wakasan ang
trafficking in person, lalo na sa mga babae’t mga bata. Layon ng batas na magpatupad ng mga patakaran
at paraan para protektahan at suportahan ang mga biktima ng trafficking at maparusahan ang mga
lumalabag sa batas na ito.

PAANO MAIWASAN MAGING BIKTIMA NG TRAFFICKING? Mahalagang alamin at tiyakin ang status at
lisensiya ng placement agency at tiyakin kung ito ay lehitimo.

SLAVERY/ PANG-AALIPIN-Ang pang-aalipin ay sukdulang uri ng pagsasamantala ng tao. Ang pang-aalipin


ay unang binigyang-kahulugan sa 1926 Convention to Supress the Slave Trade and Slavery (kilala bilang
Slavery Convention) bilang – ang estado o kondisyon ng isang tao kung saan ginagamitan siya ng
anuman o lahat ng kapangyarihang nakakabit sa karapatang pagmamay-ari.
Bologna Accord

• Ito ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan
nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe.

K-12 Kurikulum

• Ang programang ito ay sinimulang ipatupad ng pamahalaan noong school year 2012. Ito ay ang
pagkakaroon ng karagdagang dalawang taon sa senior high school (Grade 11 at 12).

• Naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo.

You might also like