Pamahayagang Pangkampus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pamahayagang Pangkampus

Ang bibiyang diin at pokus ng ulat na ito ay tungkol sa Pamahayagang


Pangkampus. Dito ay bibigyan tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa mga kodigong
dapat ipatupad, mga tungkulin sa mag-aaral, paaralan at pamayanan, at mga bahagi
at halimbawa ng isang pangkampus na pamahayagan. Sa umuunlad na bansa tulad
ng Pilipinas, ang pampaaralang pamamahayag ay tulad din ng sa komersyal na
pamamahayag na nagkakaloob ng kahalagahan sa mga mambabasa. Ang
pahayagan ay isang inilimbag na publikasyon ng mga balita na inilathala at
ibinebenta. Ang pangunahing layunin ay upang makapaghatid ng balita sa mga
mambabasa. Pinipilit na ipaliwanag ang laman ng balita, ang pamamaraang ginamit
gayon din ang mga puna at opinyon. Ang iba pang layunin ay upang manlibang at
magturo. Ito ay may mga larawan, karikatura at iba pang mahalagang lathala.

Dagdag pa rito, may dalawang uri ng pahayagan, ang pahayagang inilathala


sa araw-araw ay tinatawag na pang-araw-araw na pahayagan. Ang pahayagang
inilathala minsan sa isang lingo ay tinatawag na lingguhang pahayagan. Ang
pambansang pahayagan ay madaling mabili kahit na saang panig ng ating bansa.
Ang pahayagang inilathala sa mga paaralan at pinamatnugutan ng mga mag-aaral
ay tinatawag na Pahayagang Pampaaralan o Pangkampus. May dalawang
kategorya rin ng pambansang pahayagan. Una ay ang Popular o tanyag na
pahayagan. Ang mga inilalathala rito ay mga balita hinggil sa mga tanyag na isyu,
madalig basahin ang mga artikulo at maraming mga larawan. Pangalawa ay ang
Mabigat o may katangiang pahayagan. Ang mga binibigyag diin dito ay ang
maraming mga seryosong paksa at marami ring larawan.

Bago tayo dumako sa mga kodigong dapat ipatupad sa pampaaralang


pamahayagan ay alamin muna natin ang pagkakaiba ng "Pangkampus at
Pambansang Pamahayagan”. Unahin natin ang pangkampus, ito ay isang
pahayagan na isinulat at nai-publish ng mga mag-aaral sa isang paaralan. Ito ay
may layunin na magbigay ng pagkakataon sa pagsasanay sa nakawiwiling
panunulat at magpasigla sa mga mag-aaral na magkaroon ng hilig at panlasa at
lugod sa pagbabasa. Pati na rin ang luminang ng kakayahan sa pagmamasid at sa
wastong pagpapahalaga sa mga babasahin at Mapasigla sa lalong maningning at
mabungad na pag-aaral. Isunod naman natin ang pambansa. Ito ay ang isang pang-
araw-araw na pahayagan na inilunsad na may layunin ng intermediate na pag-edit
ng malaking pahayagan at ng maliit na pahayagan. Lahat ng mga pahayagang
pangmag-aaral sa buong mundo ay kinakailangang igalang dahilan sa pangunahing
paniniwala sa karapatang pantao. Kinakailangang manatili ang mabuting katangian
sa pagsulat gayundin ang mataas na pamantayan sa pag-uugali. Narito ang mga
mga Kodigong dapat ipatupad sa pampaaralang pamahayagan. Una, isulat nang
wasto at walang pagkiling ang mga balita sa pamamagitan ng mga katibayan. Ang
lahat ng ipahahayag ay may kalakip naresponsibilidad. Pangalawa, ilahad ang
pagkakakilanlan bilang kinatawanng mga mag-aaral bago isakatuparan ang
pakikipanayam. Pangatlo, huwag pigilin ng editor ang malayang pananaw ng mga
mag-aaral sapagkat dito ay taliwas sa patakarang pang-editoryal. Pang-apat, dapat
ilathala ang paghingi ng paumanhin sa sandaling may nagawang pagkakamali o
pagkukulang. Panglima, itaguyod ang kalayaan ng pamamahayag sa pamamagitan
ng matapat na pangangalap ng mga balita batay sa katotohanan. Pang-anim,
igalang ang sikretiong pinagmuln ng impormasyon gayundin ang pribadong
pinagmulan ng katibayan. Panghuli at pangpito ay maging pamilyar sa mga batas ng
libelo at mga patakarang ipinatutupad sa pamamahayag ng bansa gayundin ang
kasunduang internasyunal hanggat hindi nagiging sagabal sa malayang
pamamahayag o ang pangangailangang mapabatid sa publiko ang mga mahalagang
pangyayari. Sa bawat pagsisikap, kailangang ganap na manatili ang kalayaan,
makatwirang pakikitungo sa bayan at mabuting panlasa sa pamamahayag. Ang
pamahayang opisyal ng mga mag-aaral ay may kaakibat na responsibilidad.

Dumako naman tayo ngayon sa mga Tungkulin ng Pamahayagang


Pangkampus. Ang pamahayagang pangkampus ay may maraming tungkulin. Sa
mag-aaral, maging sa paaralan at pamayanan. Ang tungkulin sa mag-aaral ay una,
paglalaan ng panahon para sa nagnanais na sumulat. Binibigyan ang mga mag-
aaral ng pagkakataon na matuto ng tamang paraan sa pagbasa ng pahayagan.
Sunod ay kumilos ng may kasiglahan tungo sa lalong mabuting paggawa. Paglinang
sa lakas ng mga mag-aaral sa pagmamasid hinggil sa diskriminasyon na kaugnay sa
kapakipakinabangan ng artikulo sa balita at magsilbing lunsaran sa pagsusulat ng
pamamahayag. Kasunod pa ang pagbigay ng pagsasanay sa organisasyon. Pati
narin ang paglinang ng katangian sa pagtutulungan, pakikiharap, katumpakan,
pagpapasensiya, liderato at resposibilidad. Isunod natin ang tungkulin sa paaralan at
pamayanan. Nararapat na ipabatid sa pamayanan ang hinggil sa mga gawain ng
paaralan. Ilathala ang mga pampaaralang balita. Lumikha at ipahayag rin ang
pampaaralang opinyon. Ipabatid ang mga nagawa ng paaralan at tumulong na pag-
isahin ang paaralan. Pasiglahin at pukawin tungo sa kapakipakinabang na gawain.
Linangin ang tamang pamantayan sa pag-uugali. Maglaan ng lunsaran para sa mga
mungkahing mag-aaral tungo sa kagalingan ng paaralaan at linangin ang mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapwa paaralan. Sunod ay linangin ang pampaaralang
kasiglahan at linangin ang pagtutulungan sa pagitan ng paaralan at magulang.

Idagdag pa natin ang makabagong pamahayagang pangkampus. Una ay ang


impormasyong Tungkulin, ipinababatid sa mga mambabasa ang mga panyayaring
naganap na, nagaganap o maaring maganap. Ang mga impormasyon ay maaring
magmula sa mga lathalain, editoryal, at iba pang mga seksyon ng pampaaralang
pangkampus. Pangalawa ang Opinyong Tungkulin, Sa pamagitan ng mga editorial at
kolum ng editorial, binibigyang kahulugan ng editor ang balita, at ibinibigay rin ang
kanyang opinyon sa mahalagang bagay o ang kabuluhan ng mga pangyayari sa
araw-araw. Pangatlo, ang Edukasyong Tungkulin, isa sa mga pinakamahahalagang
tungkulin ng pamahayagang pangkampus ay maturuan hindi lamang ang mag-aaral
kundi pati na ang mga mamamayan sa komunidad. Noon, ang pagtalakay sa paksa
hinggil sa edukasyong panseks at pagpaplano ng pamilya ay ipinagbabawal sa mga
silid- aralan. Ngunit sa ngayon, nagiging paksa na ng mga mag-aaral namanunulat
sa kanilang pampaaralang pahayagan. Pang-apat, ang Tagapagbantay na
Tungkulin, ang pamahayagang pangkampus ay gumaganap bilang tagapamatnubay
sa karapatan ng mga mag-aaral. Ito ay nagsisilbing mata ng mga mambabasa.
Panglima, ang laboratoryong Tungkulin, Ito ay nagsisilbi bilang kagamitan sa
pagtuturo tungo sa pag-unlad ng isa ng mamamahayag. Matapos matutunan ang
wastong paraan sa pagsulat ng tuwirang balita, tinatalakay rin ang mga gawaing
pampaaralan at ang pagsulat ng balita para sa publikasyon. Pang-anim, ay ang
Dokumentaryong Tungkulin, mahalagang mabatid ang mga pangyayari sa paaralan
at ang mga kapaki-pakinabang na nagawa ng mga mag-aaral. Ang mga natapos na
gawain ay kailangang mailatlaha sa pampaaralang pahayagan para sa kaunlaran.
Ang pinakamainan na kasaysayan na nasaliksik mula sa lumang tinipong pahayagan
ay kabilang din. Pangpito, ay and Panlibangang Tungkulin, ang pampaaralang
publikasyon ay tulad din ng mahalagang aklat, tinuturing na kasama ang mga
mambabasa lalo na kung siya ay nag-iisa. Pangwalo, ay ang Pangkalinangang
Tungkulin, ang pampaaralang pahayagan ay katulad din ng komersiyal na
pamamahayag na nagkakaloob ng kahalagahan.

Ngayon naman ay tunguhin natin ang mga bahagi ng pamahayagan. Ang una
sa bahagi ay Pangmukhang Pahina, naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at
ang mga pangunahin o mahahalagang balita. Pangulong Tudling o Editoryal, ang
komentaryo ay isinulat ng sinuman sa mga patnugot na nagpapahayag ng mga puna
o opinyon ng buong pamunuan ng pahayagan hinggil sa iba’t ibang paksa. Ito'y
paninindigan na rin ng pahayagan. Liham sa Editor, ang liham ay ipinadadala ng
mambabasa sa editor. Ang sariling pananaw ng sumulat ay ibinibigay sa tiyak na
aspeto. Pahinang Pampalakasan (Isports), ang pampalakasang balita aynahahati
tulad ng mga pangkaraniwang balita. Ang anumang matatagpuan sa pahina ng mga
balita ay maaaring matatagpuan din sa mga pampalakasang seksyon. Ang iba pang
mga bagay na maaaring matagpuan sa pampalakasang seksyon ay ang
komentaryong pampalakasan at lathalaing pampalakasan. Piling Lathalain ay isang
sanaysay na batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag,
sanligan at impresyon ng sumulat. Tanging Lathalain, itinatampok dito ang katangi-
tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang
paniniwala o panuntunan sa buhay. Pahinang Pampanitikan, nakalaan ang pahinang
ito upang magtanghal ng ating mga salaysay, mapanlikhang sanaysay at tula ukol sa
kasaysayan, pagsasanib-lakas at kabuuang kadakilaan ng Pilipino. Nakapaloob dito
ang mga tula, maikling kuwento, sanaysay, dula, pabula at mga suri. Panghuli ay
ang Pahinang Panlibangan, nakalaan ang pahinang ito upang magtanghal ng ating
mga salaysay, mapanlikhang sanaysay at tula ukol sa kasaysayan, pagsasanib-
lakas at kabuuang kadakilaan ng Pilipino. Nakapaloob dito ang mga tula, maikling
kuwento, sanaysay, dula, pabula at mga suri.

Maging ito man ay pangkomunidad, pangmetropolitan o pangnasoyonal na


pahayagan, ang mga bahagi at seksyon ay halos magkatulad. Narito ang mga uri ng
balita. Balitang Pandaigdig, mga balitang may kaugnayan sa paaralan na kung saan
ginanap sa labas ng bansa o nilalahokan ng mga guro o mag-aaral galing sa iba't
ibang bansa. Binubuo ng bilang ang mga pahina, petsa ng pagkakalathala, pangalan
ng pahayagan na karaniwang isinulat sa itaas ng pahina, na matatagpuan din sa
ibang mga pahina. Balitang Pambansa, mga balitang may kaugnayan sa paaralan
na kung saan nilalahokan ng mga guro o mag-aaral na galing sa iba't ibang
pamantasan ng Pilipinas. Balitang Panlibangan, ang ganitong balita ay tumatalakay
sa libangan at naglalayong makapagbigay ng impluwensya o kasiyahan. Balitang
Pampalakasan, ang balitang ito ay tungkol sa isports tulad ng basketball, boksing,
bilyards, at marami pang iba at ang panghuli ang Balitang Pangkabuhayan, ang
balitang ito ay tungkol sa hanapbuhay na isinasagawa ng mga guro o mag-aaral sa
loob ng paaralan.

Ang huling bahagi ng ulat na ito ay mga pahina ng Editoryal. Unahin natin ang
ang Pahina, binubuo ng bilang ang mga pahina, petsa ng pagkakalathala, pangalan
ng pahayagan na karaniwang isinulat sa itaas ng pahina, na matatagpuan din sa
ibang mga pahina. Masthead, ang kahon ng editorial na may “logo", pangalan ng
pamunuan at ang katungkulan ng mga ito, halaga ng suskrisyon,/tagapaglathala, at
ibang mahalagang datos ukol sa pahayagan. Ang logo ay ang/bahagi ng pahayagan
na kung saan nakatala ang salita o mga salita, tulad ng pangalan ng pahayagan o
seksyon. Pangulong Tudling (Editoryal), ang komentaryo ay isinulat ng sinuman sa
mga patnugot na nagpapahayag ng mga puna o opinyon ng buong pamunuan ng
pahayagan hinggil sa iba’t ibang paksa. Ito ay paninindigan na rin ng pahayagan.
Tudling Pang-Editoryal, ito ay ang sariling paanaw ng sumulat na tumutuligsa,
nagtuturo, umaaliw o nananawagan batay sa layunin. Guhit Pangulong Tudling sa
Editoryal, ang maikling pahayag na siniping kasabihan na isinusulay sa hulihan ng
tudling pang-editoryal. Halimbawa, "Pagtalima sa mga patakaran ng karagatan,
kailangan nang magpatupad ng mas mahigpit nabatas laban sa illegal fishing.
Tudling Karikatura, ang karikatura ay nagbibgay diin sa mga payak na puntos.
Karaniwang nakapagpapatawa, at may tungkulin din tulad ng pangulong tudling. Ito’y
may paninindigan at hindi isang kaganapan ng pangulong tudling. Liham sa Editor
(patnugot), ang liham ay ipinadadala ng mambabasa sa editor. Ang sariling pananaw
ng sumulat ay ibinibigay sa tiyak na aspeto at ang Tanging Lathalain, ang
makabagong pahayagan ay may tanging lathalaing pampalakasan.

Kaya naman ang Pamahayang Pangkampus ay higit na nakakatulong sa mga


mag-aaral upang makialam sa mga nangyayari sa paligid. Mapanegosyo man,
palakasan, katanyagan at iba pa. Naihahanda rin sa pagtala ng mga importanteng
pangyayari na nangyayari sa loob ng paaralan na nakabase sa katotohan at may
mga maaasahang nauukolan at sumusunod sa etika ng pahayagan. Hindi gawa-
gawa dahil alam naman ang mga patakarang dapat sundin. Natutulungan ang mga
mag-aaral upang maging mapagmasid, mapanuri, at mapanaliksik. Upang maiulat
ang mga mahahalagang balita at matugunan ito sa lalong madaling panahon. Sa
mga estudyanteng mamamahayag, ang pahayagang pangkampus ang nagsisilbing
sanayan sa mabuting pamumuno o pagiging lider sa hinaharap. Sa kadahilanang
nahahasa na sa kahalagahan ng katarungan. Ang pagsisikap na mabilis maipaabot
ang mahahalaga at tamang impormasyon gaano man ito kahirap ay nagsasanay sa
mga manunulat sa pagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.
Samakatuwid, ang pagiging patas, makatarungan, ang pagkamapakumbaba at
pagsasakripisyo para sa nakararami ang layunin ng pahayagang pangkampus.

You might also like