Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

8

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan –
Modyul 6:
Ang Daigdig sa Klasikal at
Transisyonal na Panahon
Araling Panlipunan-Grade 8
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lynnie G. Sollesta
Editors: Jewel P. Depacto & Kathy A. Garcia
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Antonio V. Amparado Jr. Rolex H. Lotilla, and Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Raiza M. Salvaloza
Pabalat na may Malikhaing Disenyo:
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE V- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Subject Area Supervisor
Nida Pastor - OIC CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD-Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano-Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan –
Modyul 6:
Ang Daigdaig sa Klasikal at
Transisyonal na Panahon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Self –


Learning Module (SLM) para sa araling Impluwensya ng mga Kaisipang
Lumaganap sa Gitnang Panahon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Ang Daigdaig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay
ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

3
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kasanayan, kaalaman at konsepto


tungkol sa Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon. Naglalayon itong
mahasa ang mga mag-aaral sa kaisipan na ang heograpiya ay isa sa mga salik
na nakakaapekto sa daloy ng ating kasaysayan. Naglalaman din ito ng mga
nakatakdang pagkakasunod-sunod ng leksyon para lubusang maunawaan at
maintindihan ng mga mag-aaral.

Ang modyul ay mayroong isang aralin;

• Aralin 1 – Impluwensya ng mga Kisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang
Panahon.

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog
ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakububuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Pamantayan sa Pagkatuto
Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa
Europa sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan. AP8DKT-IIj-13.

6
Subukin

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong
sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa
sagutang papel.

1. Mahalagang pangyayari sa Gitnang Panahon ang paglakas ng Simbahang


Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?
A. Itinuring ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag
hanggang sa kasalukuyan.
B. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.
C. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang
katoliko noong Gitnang Panahon.
D. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan tungkol sa Simbahan


sa Gitnang Panahon?
A. Ang Simbahan ay hindi nakikialam sa pagpapasiya ng pamahalaan.
B. Ang Simbahan ay naging pangunahing institusyon sa Gitnang
Panahon.
C. Hindi niyakap ng mga Aleman ang Kristiyanismo.
D. Mahina at di kinikilala ang simbahan sa Gitnang Panahon.

3. Ano ang nagsisilbing pangkalahatang pinuno ng Simbahan?


A. Arsobispo C. Pari
B. Obispo D. Santo papa

4. Ang tawag sa miyembro ng Arsobispo na may karapatang maghalal ng Papa.


A. Arsobispo C. Pari
B. Obispo D. Santo papa

5. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng mga monghe noong Gitnang Panahon na


naging malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao.
A. Ang pagtratrabaho at pagdarasal
B. Pagkain ng ipinagbabawal
C. Pagpapakain ng libre sa mga nangangailangan
D. Pagsasakripisyo ng buhay

6. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ay ang _______.


A. kastila C. palasyo
B. manor D. simbahan

7
7. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang
Asya ay nasimula sa__________.
A. Guild C. Krusada
B. Kristiyano D. Piyudalismo

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng pag-unlad ng mga bayan?


A. Bagong pamamaraan sa pagtatanim
B. Bagong teknolohiya sa pagtatanim
C. Paglakas ng kalakalan
D. Pagtatayo ng “guild”

9. Ang basaylo ay kinabibilangan ng mga_____________.


A. nabigyan ng lupa C. nagongolekta ng buwis
B. nagbibigay ng lupa D. naninilbihan sa taong may

10. Ang manor ay pag-aari ng ________________.


A. magsasaka C. panginoon
B.mangangalakal D. simbahan

11. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sila ang
gumaganap ng gawaing_____________.
A. pangekonomiya panlipunan C. pangekonomiya
B. pangmilitar D. panrelihiyon

12. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa_________.


A. bangko C. perya
B. manor D. pistahan

13. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,


kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
B. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
D. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

14. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Papa Urban II Noong 1095. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
B. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
C. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe.
D. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.

15. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.
Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short

8
Aralin Impluwensya ng mga
Kaisipang Lumaganap sa
6 Gitnang Panahon
Naging mahirap ba sa iyo ang pagsagot sa paunang pagtataya? Nais mo bang
matuto at malinang ang iyong kaalaman tungkol sa paksa? Handa ka ba?

Balikan

Sa nagdaang aralin, tinalakay Pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang


Panahon sa larangan ng politika, ekonomiya, at sosyo-kultural. Sa bahaging ito
ng Modyul pagtutuunan naman ng pansin ang mga impluwensya ng mga
kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon. Subalit bago mo tuluyang alamin ito,
gawin mo muna ang sumusunod upang malaman ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa paksa. Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga aralin, gawain, at mga estratihiyang
makakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring
gumamit ng mapa o globo at atlas.

9
Tuklasin

Sa bahaging ito ay susuriin mo ang comic strip sa ibaba at tutukuyin ang


ipinahihiwatig tungkol sa Piyudalismo.

Gawain 1: COMIC STRIP


https://www.slideshare.net/jaredram55/ap8-lm-q2-48484387

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang mga uring panlipunan ang nakikita sa comic strip?


2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga tinutukoy ng mga nasa larawan tungkol sa
piyudalismo?
3. Paano napanatili ng piyudalismo ang katahimikan sa lipunan sa unang
bahagi ng Gitnang Panahon o Medieval?
4. Anong salita ang laging nababanggit sa lahat ng bahagi ng comic strip ?
Ipaliwanag kung ano ang ipinahihiwatig nito?

10
Suriin

Gawain 2: Daloy ng mga Pangyayari sa Gitnang Panahon sa Europe

Sa pagsapit ng Gitnang Panahon o Medieval, maraming mga pagbabago ang


naganap sa Europe lalo na sa larangan ng politika, ekonomiya at sosyo-kultural.
Batay sa iyong natutunan sa nakaraang aralin, isa isahin ang mga
mahahalagang nangyari sa Gitnang Panahon. Gamitin ang diagram sa pagsagot.

Panuto: Punan ang kahon ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong


ng Europe sa Gitnang Panahon.

Mga
Mahahalagang
Pangyayari sa
Gitnang
Panahon sa
Europe

Batay sa iyong natutunan ukol sa mga mahahalagang pangyayaring naganap


sa Gitnang Panahon sa Europe. Subukin naman natin ang iyong natutunan
sa tungkol sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe.

11
Gawain 3: Diyagram ng Aking Natutuhan

Narito ang isang krus. Itala sa loob ng krus ang iba’t ibang bagay na maaari
mong maisip na ipahihiwatig ng krus na ito. Sumulat ng kahit ilan at pagkatapos
ay saguting ang mga katanungan.

1. Bakit sinisimbolo ng 2. Ano ang nagawa ng krus


krus ang mga nailista mo? sa iyong buhay?

3. Ano ang naiisip mong insititusyon kapag nakakakita ng krus?

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang naging papel ng simbahan upang magkaisa ang mga tao sa
Gitnang Panahon?
2. Bakit mahalaga ang mga monesteryo sa Gitnang Panahon?

Mahusay! Nalampasan mo ang iyong pagsubok. Mas higit nating pagyayamanin


. ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain.

12
Gawain 4: Paghahambing

Sa tulong ng venn diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


piyudalismo at manoryalismo.

Piyudalismo Manoryalismo

Pagkakatula
d

Sa susunod na gawain ay pagyayamanin mo ang iyong kaisipan sa mga


kaalamang nakuha sa iyong mga natutunan sa dalawang uri ng Guild
system sa Gitnang Panahon.

Gawain 5: Pagpapakahulugan

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na konsepto batay sa iyong kalaaman


tungkol sa dalawang uri ng sistemang guild.

1. Ang Merchant Guild


______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ang Craft Guild


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Binabati kita dahil matagumpay mong nasagutan at naisagawa ang mga
gawaing inihanda para sa iyo. Malugod ang aking pagbati husay mo.

13
Magpatuloy ka!

Gawain 6: Dahilan – Epekto

Batay sa mga kaalamang iyong nakalap patungkol sa mahahalagang


pangayayari sa Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon, punan ang
talahanayan ng wastong sagot

Dahilan Pangyayari Epekto

Pag-unlad ng kalakalan

Ang paggamit ng salapi

Ang pagkakaroon ng
sistemang guild

Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga


gawain. Binabati kita sa iyong galing at husay sa pagsagot ng modyul.
Taglay mo na ngayon ang mga kaalaman na magagamit mo sa susunod
na modyul na iyong sasagutan.

14
Pagyamanin

Ang mga gawaing nakapaloob dito ay lilinang at hahasa sa iyong isipan.


Handa ka na ba?

Gawain 7: Bumuo at Matuto


Batay sa bawat gawain naihanda ukol sa mga impluwensya ng mga kaisipang
nabuo sa Gitnang Panahon, ano-ano ang mga kontribusyon ng sumusunod na
pangyayari sa pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.

Punan ang talahanayan sa pagsagot ng gawain.

Pangyayari Kontribusyon Katibayan

Ang Paglunsad ng mga


Krusada
https://englishhistoryfactandfiction.com/2018/07/22/episode-
32-the-2nd-crusade/

Ang paglakas ng
Simbahang Katoliko Bilang
isang Institusyon sa
Gitnang Panahon
https://www.alamy.com/stock-photo-pope-saint-leo-i-or-saint-leo-the-great-c-400-461-
pope-from-29-september-171917178.html

Ang Holy Roman Empire

https://docplayer.net/65664552-Modyul-3-pag-usbong-ng-makabagong-daigdig-
transpormasyon-tungo-sa-pagbuo-ng-pandaigdigang-kamalayan.html

Ang Buhay sa Europe


Noong Gitnang Panahon

https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/10/aralin-20-
paglakas-ng-kalakalan-at-ang-pag-usbong-ng-mga-bayan-at-
lungsod/

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong


Panahong Medieval sa kasalukuyan?

15
Isaisip

Ngayong napagyaman mo na ang iyong kaisipan sa aralin, subukan mong punan


ang mga pahayag na nasa ibaba.

1. Paano nakatulong ang mga impluwensya ng mga kaisipang umusbong sa


Gitnang Panahon upang mapalaganap ang pandaigdigang kamalayan?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Para sa iyo, paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman batay sa impluwensya


ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Nadagdagan ba ang iyong kaalaman? Ngayon ay higit mong natutunan


na ang impluwensya ng mga kaisipang umusbong sa Gitnang Panahon.
Nakakabilib ang iyong ipinakitang tiyaga at pagsusumikap sa pagsagot
sa gawain. Pagyayamanin natin ang iyong kaisipan ng mga kaalaman na
makatutulong sa pag-abot ng iyong tagumpay.

Isagawa

Gawain 8: Collage Making


Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangyayaring naging dahilan
ng pag-usbong ng Europe noong Gitnang Panahon. Gumawa ng isang
makabuhulang collage.
Rubric sa Pagmamarka ng Collage
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Angkop at malinaw na naipapakita ang mensahe ng larawan sa collage. 12

Pagkamalikhain Napakaganda at napakalinaw ng pagkakasulat ng mga titik at mga larawang 8


napili sa collage.

Anyo at Desenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng malilikhaing bagay at 5


simbolo; angkop ang kulay ng disenyo sa collage na ginawa.

Kabuuan 25

16
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula
sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng mga monghe noong Gitnang Panahon na


naging malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao.
A. Ang pagtratrabaho at pagdarasal
B. Pagkain ng ipinagbabawal
C. Pagpapakain ng libre sa mga nangangailangan
D. Pagsasakripisyo ng buhay

2. Ano ang nagsisilbing pangkalahatang pinuno ng Simbahan?


A. Arsobispo C. Pari
B. Obispo D. Santo papa
3. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa_________.
A. bangko C. perya
B. manor D. pistahan

4. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
B. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
C. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
D. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng pag-unlad ng mga bayan?


A. Bagong pamamaraan sa pagtatanim C. Paglakas ng kalakalan
B. Bagong teknolohiya sa pagtatanim D. Pagtatayo ng “guild”

6. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang


Asya ay nasimula sa__________.
A. Guild C. Krusada
B. Kristiyano D. Piyudalismo

7. Ang basaylo ay kinabibilangan ng mga_____________.


A. nabigyan ng lupa C. nagongolekta ng buwis
B. nagbibigay ng lupa D. naninilbihan sa taong may

17
8. Mahalagang pangyayari sa Gitnang Panahon ang paglakas ng Simbahang
Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?
A. Itinuring ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag
hanggang sa kasalukuyan.
B. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.
C. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang
katoliko noong Gitnang Panahon.
D. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan tungkol sa Simbahan


sa Gitnang Panahon?
A. Ang Simbahan ay hindi nakikialam sa pagpapasiya ng pamahalaan.
B.Ang Simbahan ay naging pangunahing institusyon sa Gitnang
Panahon.
C. Hindi niyakap ng mga Aleman ang Kristiyanismo.
D. Mahina at di kinikilala ang simbahan sa Gitnang Panahon.

10. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ay ang _______.


A. kastila C. palasyo
B. manor D. simbahan

11. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sila ang
gumaganap ng gawaing_____________.
A. pangekonomiya panlipunan C. pangekonomiya
B. pangmilitar D. panrelihiyon

12. Ang manor ay pag-aari ng ________________.


A. magsasaka C. panginoon
B.mangangalakal D. simbahan

13. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,


kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
B. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
C. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
D. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

14. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.
Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short

15. Ano ang tawag sa miyembro ng Arsobispo na may karapatang maghalal ng


Papa?
A. Arsobispo C. Pari
B. Obispo D. Santo papa

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang awitin o tula na nagpapakita ng pagmamalaki at


pagpapahalaga sa mga pamana ng Klasikal at Transisyonal na panahon.

Rubrics sa Gawain

Pamantayan Paglalarawan Puntos


Nilalaman Angkop at malinaw na naipapakita ang mensahe 12
ng awitin o tula.

Pagkamalikhain Napakaganda at napakalinaw ng pagkakasulat 8


ng mga titik at mensahi ng awit o tula.

Anyo at Desenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; Malinaw 5


ang paglalahad o presentasyon.

Kabuuan 25

19
20
Subukin Tuklasin
1. B Ipatsek sa gurong
2. B tagapamahala ang iyong
3. D paliwanag sa comic strip
4. B at sa daloy ng mga
5. C pangyayari sa Gitnang
6. B Panahon
7. A
8. B
9. A
10. C
11. B
12. C
13. D
14. A
15. A
Pagyamanin at Isagaw Tayahin
Ipatsek sa gurong 1. C
tagapamahala ang iyong 2. B
paliwanag sa Gawain 7: 3. B
bumuo at matutuo at sa 4. A
paggawa ng collage. 5. B
6. A
7. A
8. C
9. B
10. A
11. B
12. A
13. D
14. A
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat
Soriano,et al..., (2017). Kayamanan (Kasaysayan Ng Daigdig). Sampaloc, Manila: Rex
Book Store, p.Various Pages.
Blando, et.al..., (2014). Kasaysayan Ng Daigdig: Araling Panlipunan - Modyul Ng Mag-
Aaral. 1st ed. Pasig City: Vibal Group, Inc., p.Various pages.
Soriano,et.al..., (1999). Pana-Panahon III (Kasaysayan Ng Mundo). 1st ed. Sampaloc,
Manila: Rex Book Store, p.Various pages.
Cruz, M., Fietas, M. and Mercado, M., (2015). Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Quezon
City: Vibal Group, Inc., p.Various pages.

Larawan
Juezan, J., 2015. Ap8 Lm Q2. [online] www.slideshare.net. Available at:
<https://www.slideshare.net/jaredram55/ap8-lm-q2-48484387> [Accessed 15
September 2020].

englishhistoryfactandfiction.com. 2018. Episode 32 – The 2Nd Crusade. [online] Available


at: <https://englishhistoryfactandfiction.com/2018/07/22/episode-32-the-2nd-
crusade/> [Accessed 20 September 2020].

www.alamy.com. 2018. Pope Saint Leo I Or Saint Leo The Great, C. 400 – 461, Pope From
29 September 440 To His Death In 461. [online] Available at:
<https://www.alamy.com/stock-photo-pope-saint-leo-i-or-saint-leo-the-great-c-400-
461-pope-from-29-september-171917178.html> [Accessed 8 September 2020].

docplayer.net. 2018. Modyul 3: Pag-Usbong Ng Makabangong Daigdig: Transpormasyon


Tungo Sa Pagbuo Ng Pandaigdigang Kamalayan. [online] Available at:
<https://docplayer.net/65664552-Modyul-3-pag-usbong-ng-makabagong-daigdig-
transpormasyon-tungo-sa-pagbuo-ng-pandaigdigang-kamalayan.html> [Accessed 20
September 2020].

esepmeyer.wordpress.com. 2020. Aralin-20: Paglakas Ng Kalakalan At Ang Pag-Usbong


Ng Mga Bayan At Lungsod. [online] Available at:
https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/10/aralin-20-paglakas-ng-kalakalan-at-
ang-pag-usbong-ng-mga-bayan-at-lungsod/> [Accessed 20 September 2020].

Website
“LR Portal”. (2014). DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6051

21
EDITOR’S NOTE
This Self-Learning Module (SLM) was developed by DepEd
SOCCSKSARGEN with the primary objective of preparing for and
addressing the new normal. Contents of this module were based on
DepEd’s Most Essential Competencies (MELC). This is a
supplementary material to be used by all learners of
SOCCSKSARGEN Region in all public schools beginning SY 2020-
2021. The process of LR development was observed in the
production of this module. This is Version 1.0. We highly encourage
feedback, comments, and recommendations.

For
Parainquiries or feedback,
sa mga katanungan please
o puna, write oortumawag
sumulat call: sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center,Brgy.
Regional Center, Brgy. Carpenter
Carpenter Hill,Hill,
CityCity of Koronadal
of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like