Professional Documents
Culture Documents
AP 1st Quarter
AP 1st Quarter
AP 1st Quarter
2/8
SEGMENT 1: INTRODUCTION
Kaya mga bata dali magtungo na sa isang lugar kung saan ay pakiramdam niyo
kayo ay magiging komportable at makinig ng mabuti sa ating talakayan. Ihanda
na natin ang ating ikaapat na modyul sa araling panlipunan ng ikalawang
markhan, higit sa lahat ihanda rin ang inyong papel at panulat.
PD 705 o Selective Logging. Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas
ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang
maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV- Edukasyon,
Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Sec.1)- “Pangalagaan
at itataguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mataas na
uri ng edukasyon sa lahat ng antas at magsasagawa ng mga kaukulang
hakbang upang ang nasabing mataas na uri ng edukasyon ay maging bukas
para sa lahat.”
Bilang sektor na may direktang ugnayan sa mga mamamayan lalo’t higit
sa mga kabataan, pananagutan ng paaralan na bigyan ng mataas na uri ng
edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa mga tamang
paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman nito.
Pananagutan ng Simbahan
Ang simbahan ay samahan ng mga taong may iisang paniniwala.
Bilang isang kasapi sa lipunan, ang simbahan ay may pananagutan na
manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng mataas
napagpapahalaga sa mga likas na yaman na siya nating pinagkukunan
ng yaman.
Pananagutan ng Pamilya
Ang pamilya o mag-anak ang tinaguriang pinakamaliit na sangay
ng lipunan, subalit may malaking tungkulin para sa bansa. Pananagutan
ng bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga
wastong paraan ng pangangalaga sa ating mga yaman.
Pananagutan ng Mamamayan
Sa pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman, nararapat na
kaagapay at katuwang ang mamamayan sa pagpapanatili ng kapaki-
pakinabang na likas na yaman ng bansa. Ang pag-aabuso sa mga likas
na yaman ay dapat nang matigil upang mapanatili ang timbang na
ekolohiya ng bansa.