NMT Final Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

TEACHER-STUDENT

INTRODUCTION

Guro: At doon nagtatapos ang huling kabanata ng Noli Me Tangere. Mayroon ba


kayong mga katanungan?

Mga Estudyante: Wala po!

Guro: Okey, dahil walang mga katanungan, ibibigay ko ang inyong aktibidad para sa
araw na ito.

Mga Estudyante: Grabe meron ulit? **Nagrereklamo sila sa isa't-isa**

Guro: Op op! ‘Wag kayong mag-alala sapagkat isa lang ito. Napakadali! Kayang-kaya
niyo. Ang gagawin ninyo ay ang monologo ng isang karakter sa NMT. Pipili lamang
kayo ng isang karakter sa nobela upang gawan ng monologo. Maari kayong
magsaliksik sa internet o maghanap ng libro sa silid-aklatan. Klaro ba?

Mga Estuyante: Opo!

Guro: Okey, tayo ay tumayo at magdasal na.

**Recess**

Estudyante: Bakit walang link?! Wala akong mahanap. Grabe ang hirap pala neto.
Mukhang nagbibiro si ma’am sa "madali lang yan". Katamad din manghiram sa library.
Ayaw kong magbasa.

**hiniga nya ulo nya sa arm rest**

**tumabi sa kanya bff nya**

Estudyante 1: Pstt! Alam ko na ang sagot sa iyong problema. Ibabahagi ko lang ah,
yung ate ko kasi ginawa niya yan noong nakaraang taon. Nakakuha siya ng perpektong
marka dahil sa link na nahanap niya.

**nagising si student**

Estudyante: Hoy weh?! Maaari mo ba itong ibahagi sa akin?

Estudyante 1: Syempre, pwedeng-pwede! Ayan sinend ko na. Kaya mo yan!

Estudyante: Salamat, salamat! Libre kita mamaya, ah!


**clinick na ni ate girl yung link tas nagstart na presscon**

TRANSITION SA TRAILER

PRESSCON OPENING (EMCEE)

Cortez: Magandang umaga mga ginoo't binibini! Iyong pinapanood ngayon ang noli me
tangere: más allá de las páginas, Ang pagpupulong ukol sa isang natatanging nobela
sa ating bansa.

Aguilar: Walang iba kung hindi ang Noli Me Tangere o Huwag mo akong salingin sa
wikang Tagalog! Ako si Breanna Aguilar.

Cortez: Ako naman si Shaina Cortez!

Ramos: At ako naman si Jawaharlal Ramos! Ang mga Emcee niyo para sa araw na ito!

Aguilar: Ano ba ang makikita at mapaguusapan natin ngayon partner?

Ramos: Ang makikita natin ngayon ay ang mga iba’t ibang personalidad ng bawat
karakter at ang kanilang mga kasagutan sa mga katanungan na hinanda ng ating mga
makakasamang mga reporters ngayong araw.

Aguilar: Nakakapanabik naman ang kaganapan ngayon, partner!

Cortez: Oo nga partner, ito ang unang pagkakataon ko na makasalamuha ang mga
karakter na ito! Mukhang mga bibigatin!

Ramos: Tama ka riyan, kaya naman hinihikayat ko ang lahat na kilalanin at pakinggan
ang ating mga karakter sa kanilang pagpupulong ngayon.

Crisostomo Ibarra

Buenos Dias! Ako po si Crisostomo Ibarra ang unico hijo ng namayapang Don Rafael
Ibarra at ang kasintahan ni Maria Clara.

MARIA CLARA: Ako’y kilala sa lipunan, hinahangaan ng marami dahil sa taglay ng


aking kagandahan at isang simbolo ng tunay na Pilipina. Kilala rin bilang kasintahan ni
Crisostomo Ibarra. Magandang araw sa inyo. Ako si Maria Clara delos Santos
ZAMORA: Sino nga ba ang pinakamayamang negosyante sa bayan ng Binondo? Ating
kilalanin ang natatanging Kapitan Tiago.

KAPITAN TIAGO: Como está, mga padre, gayundin sa inyo mga ginoo at binibini? Ang
pinakamayanang negosyante sa bayan ng Binondo at ang kinikilalang ama ni Maria
Clara, ako ho si Kapitan Tiago.

ZAMORA: Ating kilalanin naman ang hipag ni Kapitan Tiago, ang nag-alaga at
nagsilbing pangalawang ina ng dalagita na si Maria Clara. Tiya Isabel: Aba, Clarita!
Asan ka?

*Tingin sa Camera*

Tiya Isabel: Ay! Buenos Dias, ako nga pala si Isabel Alba. Tawagin niyo na lamang
akong “Tiya Isabel”.

ZAMORA: Atin namang kilalanin ang natatanging mga prayle sa nobelang ito.

DAMASO: Ang nag-iisang sugo ng Diyos. Reverencia, Sagrado, at Destacado. Ako ang
nagiisang Padre Damaso at huwag na huwag mo akong hahamunin, Indio.

SIBYLA: Buenos días! Ako si Hernando dela Sibyla o mas kilala bilang Padre Sibyla.

SALVI: Padre Bernardo Salvi, ang kasalakuyang kura ng San Diego. Kahati at kaaway
ko sa kapangyarihan ang alperes ngunit may mayroong hindi pagkakasundo sa amin.
Masakitin, payat, at mukhang mahina man ako, binabala ko kayo at huwag na huwag
nyo ako kakalabanin.

ZAMORA: Ngayon naman ay ating kilalanin ang mga taong magpapatibok din ng ating
puso at damdamin, walang iba kundi sina Elias at ang irog nitong si Salome.

ELIAS: Ang matalik at misteryosong kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Siya’y aking iniligtas
at tinulungang makatakas mula sa kulungan. Maaari niyo akong tawaging Elias.
Ikinagagalak kong makilala kayo!

SALOME: Magandang umaga, ako ang natatanging iniirog ni Elias. Ako si Salome,
isang simple at magandang dilag.

ZAMORA : Tayo naman ay dumako sa isang kastila ngunit sinasabing naiiba sa


kanyang mga kalahi.

TINYENTE GUEVARRA: Ako ay matapat na tinyente ng mga guwardiya sibi. Ang


nagsabi kay Crisostomo Ibarra ang nagging kalagayan ng kanyang ama.
ALPERES: Ano nanaman ito? Sin Valor! Tss, ako si Alperes, ang pinuno ng Gwardiya
Sibil. May asawang nangangalang Doña Concolacion. Magkaribal sila ni Padre Salvi sa
kalangyarihan ng kura.

ZAMORA: Paumanhin po Alperes, ngayon naman ay ating kilalanin ang pamilyang


aantig sa ating puso’t damdamin.

SISA: Crispin? Basilio? Mga anak ko, halina’t umuwi na tayo sa ating tahanan.
Paumanhin, nakita niyo ba ang aking mga anak? Ang ngalan ko ay Sisa, ang ina ng
mga sakristang tagatugtog ng kampana.

BASILIO: Ako si Basilio at aking minimithi ang magandang buhay para sa aking ina’t
kapatid.

CRISPIN: Ako si Crispin. Hindi ako kailanman nagkasala sapagkat ako ay inakusahan
lamang. Dinggin niyo ako.

Salvador: Iresponsable, sabungero at sugarol. Mapang-abuso na asawa ni Sisa. Ating


kilalanin si Pedro!

PEDRO: Oy! Sisa! Nasaan na pera ko?!

*Tingin sa Camera”

PEDRO: Aba! wala akong panahon sa inyo ha! Kilalan niyo ba ko?! Ako si Pedro, ang
asawa ni Sisa at ama ni Basilio at Crispin.

ZAMORA: Baliw o Pilosopo? Ating saliksikin ang buhay ni Pilosopo Tasyo.

Pilosopong Tasyo:“Walang nagmamahal sa kahubdan ng hubad na katotohanan.” Ang


payo ko kay Crisostomo. Buenos días, ako si Don Anastacio, ngunit mas kilala ako bilang
“Pilosopong Tasyo” o kaya “Mang Tasyo”. Ngunit ako’y natatawag ding “Baliw Tasyo”, sa
kadahilanan na hindi nila maintindihan ang aking mga kaisipan. Ako’y dating nag-aaral
ng pilosopiya, ngunit natigil sa kagustuhan ng aking ina. Ngayon ako’y nagsisilbing taga
payo sa mga marurunong na mamamayan. Gusto ko ring makilala niyo ang aking
kaibigan na si Don Filipo Lino.
DON FILIPO LINO: Buenos días a todos! Ako si Don Filipo Lino, isang tenyente mayor
na asawa ni Donya Tedora Vina at kaibigan ni Pilosopong Tasyo.

ZAMORA: Atin ring makakasama ngayong ang dalawang Donya sa ating nobelang
tatalakayin at isang don na mapagkunwari.

DONYA VICTORINA: Está muy frío aquí, (Ang lamig naman dito) (dapat mainit) Ay!
¿Cómo estás? (Kamusta kayo?) Ako nga pala si Donya Victorina. Asawa ni Don
Tiburcio, isang babaeng puno ng kolorete sa mukha, dahil sa aking pagpanggap bilang
isang mestisang Espanyol. Aking din hilig magsalita ng Espanyol, ngunit kadalasan ito’y
mali.

DON TIBURCIO: Buenos días! Ako’ y isang Kastila na nakarating sa Pilipinas. Aking
asawa naman ay si Donya Victorina na punong-puno ng kolorete sa mukha. Marami ang
nagsasabi na ako’y considerado un símbolo ng taong walang paninindigan at prinsipyo.

DONYA CONSOLACION: ¡Descerebrado! ¡El ruido que haces! (Mga walang utak! Ang
iingay niyo!) Hays, Hola ako nga pala ang naging asawa ng alperes. Ako’y dating
labandera na kung sabihin ng mga tao ay malaswa kung magsalita. Ako si Donya
Consolacion.

ZAMORA : At panghuli, iyong kilalanin ang isa sa mga naging kaaway ng namayapang
si Don Rafael Ibarra.

KAPITAN BASILLIO: Hola a todos! Ako nga pala Kapitan Basillio na isa sa naging
kapitan ng San Diego. Naging kalaban ko rin si Don Rafael tungkol sa isang isyu. At
meron akong anak na ngangalang Sinang.

DAMASO: Bakit ba kami narito? Sino kayo para gawin ‘to sa amin? Para saan ba ang
pagpupulong na ito?

ZAMORA: Hinay hinay lang po padre, masasagot din ang iyong mga katanungan sa
pagpupulong nito kaya naman maaari na kayong magbato ng katanungan sa ating mga
karakter.

Mallari: Ang unico hijo ni Don Rafael Ibarra na namaligi sa Europa ng pitong taon.
Crisostomo, kamusta ang iyong pagbabalik sa Inang Bayan?

Crisostomo: Ako ay tunay na nagagalak at sa wakas ako’y nakauwi sa aking bayan.


Buong puso akong nagpapasalamat kay Kapitan Tiago dahil sakanyang mainit na
pagbati sa aking pagbabalik. Tunay na masarap sa pakiramdam na makauwi sa Inang
bayan sapagkat lubusan kong iniibig ito.

Salvador: Ano ang iyong masasabi sa paglipat ng Kura sa labi ng iyong ama na
binagsag bilang erehe?
Crisostomo: Lubos akong nagalit sa pagbastos ng kura sa labi ng aking ama. Ang
aking ama na buong pusong tumulong at nagmahal sa San Diego. Hindi karapat-dapat
na paslangin muli ang namayapa dahil ito ay isang krimen at kasalanan sa mahal na
Diyos. Marahil ay naging insensate ang dating kaibigan ng aking ama na si Padre
Damaso. Ako’y nakikiusap sa mahal na Reverencia na huwag niya bastusin ang aking
makatarungan na ama.

Patubo: Papayag kaba sa utos ni Padre Damaso na ipakasal sa iba si Maria Clara?

Crisostomo: Por supuesto que no. Buong buhay ko, minahal ko ng buong puso ang
aking irog na si Maria Clara. Hindi ako papayag na mawalay siya sa akin matapos ang
maraming taon naming paghihintay sa isa’t-isa. Kailangan muna akong patayin ng Kura
upang makuha nila sa akin ang aking sinta. Hindi ko babawiin and aking pangako na
ginawa ko sa harap ng puntod ng aking ina na mamahalin ko ng lubos si Maria Clara.

Lacson: Sa iyong palagay, bakit tutol ang Kura sa pagpapa-aral ng mga Indio?

Crisostomo: Ako’y naniniwala na lahat ng tao ay may karapatang matuto. Nagtayo ako
ng eskuwelahan para sa aking mga kababayan na kupos palad. Sa aking palagay,
ayaw ng Kura na matuto ang mga Indio dahil ayaw nilang magkaroon sila ng pag-iisip at
boses. Ang maging masaya ay hindi nangangahulugang magpakasawa sa
kamangmangan! Kapag natuto ang mga Pilipino, maalisan ng kapangyarihan ang hindi
banal na Reverencia kaya tutol ang mga ito.

Balingit: Sa halip na makipagmabuti ka sa Kura, bakit mo sila nilabag kahit na alam


mong maari kang mabawian ng buhay?

Crisostomo: Marami akong dapat paniwalaan sa Diyos sapagkat nawalan ako ng


pananalig sa tao. Napansin ko na ang kaunlaran o pagdurusa ng bawat tao ay nasa
direktang proporsyon sa mga kalayaan nito o sa mga pagkiling nito at, nang naaayon,
sa mga sakripisyo o pagkamakasarili ng mga ninuno nito. Patuloy na tinatangalan ng
boses ang mga Pilipino at ako ay nagpasyang tumulong sa pagbabago ng ating Inang
Bayan.

Pamintuan: Bakit hindi ka sumulat o nagpakita kay Maria Clara noong mga panahon
na akala nila ay patay kana?

Crisostomo: Labag man sa aking puso’t isipan, ngunit kailangan kong gawin iyon para
sakanyang kaligtasan. Ayaw kong mapahamak si Maria Clara dahil sa aking mga
nagawa. Maari siyang paslangin dahil ako ay isang erehe at filibustero. Mi vida, mi
palabra, mi amor, kaya kong ialay ang aking buhay para lamang sakanya. Handa akong
isugal at ibigay ang lahat sa Diyos upang mabigyan kami ng magandang buhay puno
ng kasiyahan at pagmamahalan. Te prometo que la amare hasta mi ultimo aliento.

Mallari: O binibining Maria Clara, totoo ba na iniirog mo si Ginoong Crisostomo Ibarra?

Maria Clara: Kung iyan ang iyong tatanungin, ang aking maisasagot ay si.

Salvador: Kung gayon mahal mo si Ibarra, bakit ka pumayag na pakasalan si


Linares?

Maria Clara: Ako lamang ay napilitan na magpakasal kay Linares sapagkat pumayag si
Padre Damaso na aking ninong maikasal ako sa kaniya sa kadahilanang ayaw niya
kaming magkakatuluyan ng aking irog na si Crisostomo Ibarra.

Lacson: Ikaw ba ay natatakot na baka may mangyaring masama sa iyo?

Maria Clara: Si, natatakot ako dahil sa kakaibang ikinikilos ni Padre Salvi. Kakaiba ang
kaniyang mga tingin sa akin, ito’y nakakapangilabot.

Patubo: Ano ang iyong masasabi sa malalagkit na tingin ni Padre Salvi?

Maria Clara: Hindi ako komportable sa kaniyang mga tingin sa akin. Tila ba’y
pinagnanasaan niya ako. Kaya hinihiling ko kay Ibarra na huwag na lamang isama si
Padre Salvi sa aming lakad dahil may nararamdaman akong iba sa kaniya.

Balingit: Bakit hindi mo kinilalang ama si Padre Damaso nang malaman mo na ika’y
ang kaniyang anak at hindi mo ama si Kapitan Tiago?

Kapitan Tiago: ANO?! Anong pinagsasabi mo riyan? HINDI YAN TOTOO!

Pamintuan: Mapait mang tanggapin ngunit ito ang katotohanan, Kapitan Tiago.

Kapitan Tiago: HINDI! HINDI ITO MAAARI!

Maria Clara: Anong, anong ibig mong sabihin binibini? Anong, anong ama ko ang aking
ninong?

Mallari: Tulad nga ng aking sinabi, ito ang katotohanan ngunit ako’y nabigla dahila
akala ko’y alam mo na.

Maria Clara: Da-dahil itinago sa akin ng kay tagal ang katotohanan. Nabuhay ako na
iba ang kinikilalang ama. Nabuhay ako sa kasinungalingan. Hindi ko matanggap ang
katotohanan, dumagdag pa ito sa sakit na aking nararamdaman. Para bagang madumi
ang aking pagkatao. Por favor, maaari bang hindi na pag-usapan pa ang sensitibong
paksang ito?

Salvador: Si, ngunit Ikaw nga ba ay isang dalagang pilipina? Sinasabi ng iba na
maraming kalalakihan ang iyong nabihag mula sa iyong kagandahan
Maria Clara: Ganoon ba ang sinasabi ng iba? Kung gayon ay, hindi ko naman
maikakaila ang aking kagandahan kaya naman marami ang humahanga sa akin, hindi
lamang sa gandang aking tinataglay. Nakikita ako ng mga tao bilang isang modelo sa
pagiging isang dalagang Pilipina dahil sa busilak kong puso at iba pang katangian.

Lacson: Maraming salamat, Binibing Maria Clara.

KAPITAN TIAGO

Patubo: Ating balikan naman si Kapitan Tiago. Kumusta po kayo ngayong alam
niyo na ang katotohanan?

Kapitan Tiago: Hindi ko ito matanggap at satingin ko’y hinding hindi ko ito
matatanggap. Lubos akong nasaktan noong narinig ko ang sinabi ng binibini kanina.
May halong galit at sakit ang aking nadarama.

Balingit: Ano ang iyong gagawin ngayong alam mo na ang katotohanan?

Kapitan Tiago: Wala na akong magagawa. Gusto kong humingi ng tawad sa aking
anak ngunit aking iniisip na ako’y hindi nito mapapatawad at ito’y galit sa akin.
Natatakot rin ako kung ano ang mangyayari ngayon lalo na kay Padre Damaso.

Maria Clara: Hinding hindi ako magagalit sa iyo, ama (maiyak iyak na sagot ni maria
clara). Maski ako, natatakot rin sa aking ninong ngunit nabago ang lahat noong
nalaman ko ang katotohanan. Naiintindihan kita sapagkat inilalagay ko ang aking sarili
sa iyong sitwasyon. Gracias, papa. Gracias dahil ika’y naging responsable at mabuting
ama sa akin kahit sa madaling panahon lamang.

Pamintuan: Bakit naging ika’y naging alipin ni Padre Damaso kahit na mas may
karapatan kang magdesisyon para sa iyong anak?

Kapitan Tiago: Mahal na mahal ko ang aking unica hija, at alam ng aking mga amigo
iyan. Marahil mas may karapatan ako, mas makapangyarihan pa rin ang mga kura.
Walang kwenta ang aking mga kayamanan at mga opinyon kung sila naman ang aking
kalaban. Buhay ang kapalit sa oras na sila ang iyong katapat. Kaya't kahit hindi ko nais
gawin, wala akong nagawa kung hindi sundin na lamang siya.

Mallari: Panghuling katanungan kapitan, bilang pinakamayaman sa bayan ng Binondo,


ano ang satingin mong mangyayari sa iyo kapag ika’y nahuli tungkol sa mga negosyo
mo na illegal?

Kapitan Tiago:: Alam mo binibini, satingin ko’y hinding hindi yan mangyayari dahil
malakas ako sa gobyerno at may koneksyon sa mga rito.
Salvador: Sa dami mong negosyo, nagkakaroon ka pa ba ng pagkakataong sumamba
o dumalo man sa simbahan para magdasal?

Kapitan Tiago: Bakit naman ako magsasayang ng oras sa pagdalo sa simbahan


gayong maaari naman akong magbayad upang ipagdasal ako ng ibang tao.
Binabayaran ko ang mga dukha upang ipagdasal ako ng labing anim na misteryo at
ipagbasa ng lahat ng aklat dasalin.

Salvador: *awkward movements* kung gayon ay, maraming salamat Kapitan Tiyago.

TIYA ISABEL

Patubo: Aking nais naman tanungin si Tiya Isabel, maaari po ba iyon?

Tiya Isabel: por supuesto! Ano iyon iha/iho?

Balingit: Gaano niyo po kamahal ang inyong anak-anakan na si Maria Clara?

Tiya Isabel: Aba! Aking mahal na mahal ‘yang si Clarita. Noong sanggol pa lamang
siya, inalagaan ko na ‘yan na parang tunay kong anak. Sa lahat ng masasayang araw
ng batang iyon, lagi akong nandoon para sa kanya.

Maria Clara: Nagagalak na marinig ko po sa inyo iyon, Tiya Isabel.

Tiya Isabel: Aba dapat lang, Clarita.

Pamintuan: Tiya Isabel, bakit anak ang turing niyo kay Maria Clara kahit hindi kayo ang
tunay nitong ina?

Tiya Isabel: Hay! Kung alam niyo lang talaga, lahat ng pasensya at pagmamahal ko ay
ibinigay ko kay Clarita. Kailanman ay hindi ko nais na masaktan o mapahiwalay sa akin
ang batang iyon. Sa tagal na naming magkasama, tama lang naituring ko na siyang
anak!

Mallari: Aking nais marinig ang inyong sagot sa katanungan na ito, Tiya Isabel. Sa
relasyon ni Maria Clara at Ibarra, ano ang iyong masasabi?

Tiya Isabel: Hay! Hindi ko maipapahiwatig sa inyo kung gaano ako kasaya para sa
kanila, lalo na kay Clarita. Matinong binata ‘yang si Ibarra at alam ko na hindi niya
sasaktan ang dalaga. Sapagkat, sa kanilang mga mata pa lamang, Ay! Kita na ang
kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Kaya naman ay suportado ako sa kanilang relasyon.

Salvador: Sa tingin niyo ba, sila’y karapat-dapat sa isa’t isa?


Tiya Isabel: Aba! Oo naman. Si Clarita pa ba at si Ibarra. Hindi mo sila
mapaghihiwalay. Noong nasa azotea nga sila’y puro suyuan ang kanilang ginawa. Sa
katangian pa lamang ni Ibarra at ganda ng aking anak-anakan, makikita na tunay ang
kanilang pag-ibig.

*Scene of maria clara doing paypaying and kenekeleg while ibarra smiling, witwiw.*

Padre Damaso: Mga walang hiya, hanggang anong oras ba ito matatapos? Inip na inip
na ako!

Pamintuan: Padre..Damaso, nais ko pong magtanong sainyo kung hindi niyo ito
mamasamain. bakit sumama ang iyong pagkaibigan kay Don Rafael Ibarra?

Padre Damaso: Don Rafael Ibarra…. Ang erehe at filibustero? Siya ba ang iyong
tinutukoy? Kinaibigan ko lamang siya dahil sakanyang yaman at kapangyarihan. Siya
ang pinakamayaman sa San Diego, kaya nararapat lamang na maging magkaibigan
kami. Mabuti ang relasyon namin noon, ngunit nung sinuway niya ako at pinag-aral sa
Europa ang kanyang anak…. Nagsimula ang aming away. ¿Cómo se atreve a
desobedecerme? Ako ay ang Kura! Ang sugo ng Diyos! Ang lakas ng loob niyang
suwayin ako.

Lacson: Nilapastangan niyo ang labi ng isang marangyang ginoo. Bakit?

Padre Damaso: Nararapat lamang na gawin ko iyon. Isang erehe at filibustero, ang
kaawa-awang Don Rafael, walang nagawa sa pagkakabilanggo sa kanya hanggang sa
siya ay mamatay! Pagpalain nawa siya ni Satanas sa impiyerno at magdusa sa mga
apoy nito! Si Don Rafael Ibarra ay hindi sumunod sa aking kagustuhan at tumigil sa
pagsimba. Ito lamang ang kagustuhan ng Diyos para sakanya! At paalalahanin lang kita
mujer, Di ako magpapalupig, ako si Padre Damaso! Magpapatalo, hindi puwede dahil
ako ang sugo ng Diyos!

Patubo: Bakit kayo hindi sang-ayon sa pagmamahalan nina Maria Clara at Crisostomo
Ibarra?

Padre Damaso: Paano ako hindi sasang-ayon?? Anak ng erehe at filibustero yang si
Crisostomo Ibarra!! Hindi ako papayag na dumihan niya ang napakabanal na si Maria
Clara. Este es el deber que dios me dio. Nais ng Diyos na mapunta sa mas karapat-
dapat na ginoo si Maria Clara at hind sa isang el tonto.

Balingit: Linabag mo ang batas ng pagkakaroon ng abstinencia bilang pari. Hinubaran


mo rin ng karapatan si Donya Pia Alba. Bakit mo iyon nagawa?

Padre Damaso: Ako ang kura at ano ba ang magagawa ng mga tao?? Takot silang
lahat sakin kaya wala na akong pake sa mga Indio na yan! Que frustrante! Pati alam
naman nating lahat na anim na taon na at di pa rin nagkakaanak sina Kapitan Tiago at
Pia Alba. “Kung mamanata ka kaya sa Obando, Pia? Magsayaw kasa kapiyestahan ni
San Pascual Bailon para magkaanak ka!” Utos este payo ko kay Pia at siyempre,
nagbunga ang kaniyang ginawa. Ito ay isang pruweba na ialay niyo lamang sa Diyos at
ibabalik niya ang iyong mga kahilingan. Sa kasamaang palad ay siya ay nabawian ng
buhay ngunit nagkaroon naman sila ng supling hindi ba? Pati anong hinubaran ng
karapatan?? Sadyang tinulungan ko lamang ang mag-asawa sa pagbubuo ng anak.
Wag ka mag-isip ng kung ano-ano mujer! Hindi ba dapat ay magsaya sila dahil banal si
Maria Clara? Ellas deberían agradecerme por ayudarlas.

Mallari: Ngunit padre, alam mo naman na masama ang panggagahasa

Padre Damaso: Kasalanan na niya iyon, maganda siya kaya ako’y natukso.

Lacson: Hindi po ba dapat kayo ang sisihin?

Padre Damaso: Desvergonzado! Sino ka para ako’y iyong pagbintangan? Isa ka


lamang indio at hinding hindi mo ako magiging katulad. Lapastangan!

Salvador: *sigh*. “Ninong Damaso” Ang tawag saiyo ng iyong anak. Bakit ka pumayag
doon?

Padre Damaso: Bakit hindi ako papayag? Alam ng lahat na anak ni Tiago si Maria
Clara. Ayaw kong masira ang aking reputasyon bilang Kura. Kahit papano ay
nababantayan ko ang aking anak bilang ang kanyang “Ninong” kaya hindi ako tumutol
doon. Sinisigurado ko din na mapapalaki ko ang aking mahal na anak sa aking
kagustuhan kaya wag ka masyado magtanong mujer. Wala kang karapatan!

Patubo: Pagpasensyahan niyo na po pero maraming salamat pa din sa pagdalo.

Pamintuan: Ang susunod na katanungan naman ay kay Padre Salvi. Bilang Kura ng
San Diego, mainit ba ang pagtanggap ng mga tao saiyo?

Padre Salvi: Sugo ng Diyos, Reverencia, Padre, Kura. Mga salita palang ay
nagdedemanda na ng respeto hindi ba? At sino sila para hind ako tanggapin? Marahil
ay mga Indio lamang sila? At bakit mo ba ito natanong Indio? Halata naman na mahal
na mahal ako ng Bayan ng San Diego. Sandali, Indio ka nga pala kaya wala kang alam.
La gente tonta siempre sera tonta.

Balingit: Alam nyo naman na bawal kayo magnais ng kababaihan bilang banal na kura.
Bakit nyo padin pinagnanasahan si Maria Clara?

Padre Salvi: Masama ba kung hahangaan ko ang isang binibini? Alam ng marami na si
Maria Cara ay may lubos na kagandahan. Tinatanaw ko lamang ang kanyang regalo
mula sa Diyos. Inosente ako at walang masama sa aking ginagawa indio. At paalala
lang, wala rin naman silang magagawa hindi ba? Prinoprotektahan ko lang ang binibini
kay Ibarra upang hindi malason ang kanyang banal na utak. Ako ang kura, kaya kong
gawin ang lahat.

Mallari: Pagpatay. Isa sa sampung utos ng Diyos. Padre, bakit mo iyon nais gawin kay
Crisostomo Ibarra?

Padre Salvi: Isang erehe at filibustero ang ama ni Crisostomo Ibarra. Maari ring kasapi
siya roon. Liniligtas ko lamang ang San Diego sa kapahamakan dahil sa Ibarra na yan.
Sinusunod ko lang ang utos ng Diyos na alisin ang mga demonyo at walang takot sa
Panginoon. Masisisi mo ba ang isang prayle na gusto lamang ng maayos na bayan?
Mas makakabuti sa Bayan ng San Diego lalo na kay Maria Clara kapag wala na si
Crisostomo Ibarra, ang delubyo. El mundo estara mejor sin el!

Salvador: Hindi sikreto na hindi kayo magkasundo ng alperes. Ngunit, bakit


nagbabaitan kayo sa harap ng madaming tao?

Padre Salvi: Bilang Kura, inuuna ko palagi ang kabutihan ng aking nasasakupan.
Kagustuhan ng Diyos na maayos ang relasyon naming ng alperes sa harap ng marami.
Mas masaya din na magkalat na lamang ako ng mga noticias falsas sakanya ng
patalikod. Hindi ako si Padre Damaso at hindi ako lumalaban ng paharap. Recuerda
siempre no pelear conmigo.

Lacson: Crispin ang isa sa iyong mga sakristan, bakit siya nawawala? May kinalaman
kaba doon Padre?

Padre Salvi: Crispin? Ang Indiong tumutugtog ng kampana? Wala akong kinalaman
sakanyang pagkawala. Wag mo ako pagbigtangan Indio. Maari kang makulong dahil
diyan. Kasalanan ng kanyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ang kanyang anak.
Por favor, mga Indio kailan kayo matututo? Pati yang Crispin na iyan ay magnanakaw!
Nawawala ang aking ginto kaya pinarusahan lamang namin at inalis sa simbahan. Nasa
sampung utos ng Diyos na wag magnakaw at tinuruan ko lamang ng leksyon ang bata.

Patubo: Kung ganoon ay, salamat pa rin sa pagtugon sa aking mga katanungan.

Balingit: Tayo’y tumungo naman sa panghuling prayle. Padre Sibyla, ang balita ko'y
matagal monang sinusunaybayan si ginoong Crisostomo Ibarra. Ngunit bakit patago mo
itong ginagawa?

Padre Sibyla: Eso es verdad (tama iyan) matagal ko nang sinusubaybayan si ginoong
Ibarra. Kaya ako nananahimik at patago ko siyang sinusubaybayan ay dahil sa aking
ikabubuti. Dahil alam kong kakila-kilabot ang haharapin ko kung ipapakita ko sa kanila
kung sino ang sinusuportahan ko.

Pamintuan: Kung ganoon hindi kaba nakokonsensya kahit alam mo ang mga
nangyayari sa paligid mo?
Padre Sibyla: Claro que soy yo! Ngunit nangibabaw ang aking takot. Kahit alam ko at
bukas ang aking mga mata sa masama at maling ginagawa ng mga Kastila pinili ko
paring manahimik.

Mallari: Paano si Crisostomo Ibarra noong siya ay iyong estudyante? Siya ba ay


matalino? Pasaway? Magaling?

Padre Sibyla: Siya ay isang mahusay na estudyante. Excelente! Siya ang aking naging
paboritong estudyante.

Crisostomo: Ang iyong sinabi ay aking ginagalak.

Mallari: Maraming salamat, padre.


Salvador: Isang katanungan naman para kay Elias. Hindi ba ay matagal mo nang
hinahanap ang pamilyang Eimbarramendia o kahit sino man ang natitira sa kanilang
angkan upang maghiganti? Ngayong nasa harap mo na si Ibarra, bakit hindi mo man
lang magawa ang matagal mo nang ninanais?

Elias: Hindi ako naghiganti sa kaniya. Marahil si Crisostomo ay ibang iba sa kaniyang
mga ninuno. At isa pa ay dahil hindi ko kagustuhang pumaslang ng taong walang
kalaban laban.

Lacson: Nagkataon lamang ba na nalaman mo ang dating nangyari sa buhay ni


Crisostomo Ibarra?

Elias: Sa katunayan ay oo dahil hindi ko naman inaasahan ang mga nangyari sa buhay
ni Crisostomo. Ngunit kahit ganoon pa man ay handa akong tulungan siya dahil may
utang na loob ako sa kanya sa pagligtas niya sa akin.

Pamintuan: Kung ikaw ay may pagkakataon para baguhin ang desisyon mo na hindi
gumanti kay Crisostomo, anong parusa ang iyong ipapatol sa kaniya?

Elias: Ipaparanas ko sa kaniya ang aking karanasan noong kami ay naghihirap.


Ipaparamdam ko sa kaniya ang mga iyak, pighati, at kasakitan noong kami ay pobre.
Ipararanas ko kung paano mamuhay sa impiyerno at ang pakiramdam ng minamaliit
ang kapwa Pilipino. Makikita niya ang ganti ng isang api.

Patubo: Paano kung nangyari kay Salome ang mga nangyari kay Maria Clara?
Ipaglalaban mo rin ba siya katulad ng ginawa ni Crisostomo?

Elias: Labis pa ang aking paglaban para kay Salome kaysa sa ginawa ni Crisostomo.
Hindi ko kayang makitang naghihirap ang pinakamamahal ko. Kung pwede lamang na
ako ang sumalo ng mga sakit at paghihirap na kaniyang dinanas ay sasaluhin ko. No
seas solo mi amado.
Balingit: Pipiliin mo pa rin ba si Salome kung mabibigyan ka ng pangalawang
pagkakataon?

Elias: Oo, pipiliin ko siya ngunit uunahin ko muna ang aking bayan dahil alam kong
maraming makikinabang at babalikan ko si Salome sa oras na nakamit na ng aking
bayan ang aming kalayaan.

Mallari: Ang aking susunod katanungan ay para naman kay Salome. Ano ang nasa
iyong kaisipan sa kaalaman na hindi maipaglalaban ni Elias ang inyong
pagmamahalan? Sinasabi ng lahat na isa siyang matapang na ginoo, ngunit pagdating
sa pag-ibig ay isa siyang duwag.

Salome: Sa nais ko man na kami ay mamuhay nang mapayapa, wala akong


magagawa kundi lumuha na lamang. Sa kaalaman na iyon, mahal ko pa rin siya kahit
hindi niya kaya ipaglaban ang relasyon naming dalawa. Naisip ko na lamang tumira sa
Mindoro kahit alam kong hindi sasama ang aking sinta.

Elias: Patawad aking sinta. Hindi ko kayang ipaglaban ang ating pagmamahalan. Nais
ko lamang na ika’y mabuhay ng payapa upang hindi ka madamay sa aking kapalaran.

Lacson: Salome, kaya mo bang limutin ang iyong kasintahan na si Elias at maghanap
ng iba?

Salome: Aking pinakamamahal na si Elias ay ‘d ko kayang limutin. Ako man ay


mapadpad saan-saan, sa kadulu-duluhan man ito ng mundo, si Elias pa rin ang aking
mamahalin, ang tunay na natatangi sa puso kong nais maramdaman ang bawat halik at
yakap niya.

Pamintuan: Salome, kung ikaw ay mabibigyan ng isang kahilingan, ano ang iyong
gugustuhin?

Salome: Isa lang ang ninanais ng aking puso at isipan. Ito ay ang makapiling ko ang
aking sinta sa bawat araw at gabi. Hindi lamang sa bawat hapon nang kanyang
pagbabalik. Nais kong mabuhay kami ng payapa at makabuo ng pamilya na kahit kami
ay mahirap laman.

Salome: …Ngunit, alam ko’y hindi ito magkakatotoo.

Elias: Pangako ko sa’yo, aking mahal na sinta. Sa susunod na buhay, hahanapin kita
nang sa gayoon ay hindi na tayo mawalay pa.

Pamintuan: *smiling* salamat sa inyong dalawa, ako’y masaya na kayo’y aking


nakasama.

Patubo: Nasabing malapit na kaibigan mo si Rafael Ibarra, Tenyente Guevarra. Ano


ang naramdaman mo noong nalaman mong wala na siya?

Tinyente Guevarra: Labis akong nalungkot. Ang aking malapit na kaibigan ay iniwan
na ako. Ngunit wala na akong magagawa kung hindi ay ipagpanalangin ko nalang siya
nawa’y nasa magandang lugar na siya ngayon. Habang kinekwento ko kay Crisostomo
Ibarra ang sinapit ng kanyang ama parang bumalik saakin lahat ng nangyari. Masakit
pa rin sa aking damdamin hanggang ngayon. Para ba’y paulit ulit na sinasaksak ang
aking damdamin kapag lagi kong naaalala ang mga pangyayaring iyon.

Lacson: May panahon bang nainggit ka sa kayamanan ng iyong kaibigan?

Tinyente Guevarra: May panahong nainggit ako ngunit nangibabaw ang aking respeto
at pagmamahal sakanya bilang kaibigan at para naring kapatid. Kahit ano pa man yan
hinding hindi masisira ang aming pagkakaibigan.
Mallari: Dapat bang tularan ng mga kabataan ang mga katangian mo? At ang
pagkakaibigan ninyo ni Don Raphael Ibarra?

Tinyente Guevarra: Si debería ser, importante sa isang tao ang tumatayo sa kung ano
ang tama. Ang pagiging matapang, tapat, at may dignidad. Dapat rin ay hindi
tinatalikuran ang mga mahal natin sa buhay. Ang totoong kaibigan ay hindi ka iniiwan.

Alperes: Manahimik ang lahat! Pwede bang pakibilis-bilisan??

Salvador: Ginoong Alperes. Kaya mo bang gawin ang lahat para lamang maging
makapangyarihan?

Alperes: Sì, kaya kong gawin ang lahat upang makuha ko ang dapat ay saakin, kahit
patumbahin ko pa ang nasa dinadaan ko ay gagawin ko.

Salvi: Hinding hindi mo ako matatalo!

Alperes: Aba ay huwag mo akong hamunin!

Balingit: Kumalma muna po tayo dahil may susunod pa akong katanungan para sa
Alperes. Ano ang masasabi mo patungkol sa buhay may asawa?

Doña Concolacion: Siguraduhin mo lang na maayos ang iyong sagot.

Alperes: Es horrible! Wala ng ibang nangyari kung hindi konsumisyon ang natatanggap
ko. Away dito, away doon! Kahihiyan ang aking natatanggap pag kasama ko ang
babaeng yan!

Patubo: Sabihin na nating hindi mo mahal ang iyong asawa. Ngunit bakit pinili mong
manakit ng asawa at mga kawal?

Alperes: Ehhh sa hindi ko mapigilan? Wala kayong pake kung mag paka lasing ako,
manakit, at kung ano pa dahil buhay koi to, at katawan ko ito, gagawin ko ang gusto
kong gawin!

Doña Concolacion: Irog ko,,,


Alperes: Huwag mo nga akong tawaging ganyan! Mahiya ka man lang!

Mallari: Atin muna ikalma ang ating mga damdamin…

PILOSOPONG TASYO

Pamintuan: Tayo’y tumungo naman kay Don Anastacio o mas kilalang Pilosopong
Tasyo. Nais ko lang po itanong sainyo kung ano po ang dahilan kung bakit ayaw po ng
iyong ina makatapos po kayo sa pag-aaral?

Pilosopong Tasyo: Ang aking ina ay nagkaroon ng takot na baka kung may dunong na
ako ay malimutan ko ang Diyos.

Salvador: Ang aking sunod na tanong po sainyo ay kilala po ang iyong ina bilang isang
mayaman na mamamayan, ngunit kayo’y mahirap ano po ba ang nangyari?

Pilosopong Tasyo: Matapos matigil ako sa pag-aaral ay ako’y nabiyudo at namatay


din ang aking ina. Bilang panlibangan ay ipinagbili ko ng iba’t ibang libro ang aming
pera at dahil sa aking pagkalulong dito ay tuluyan ng Nawala ang aming pera at ari-
arian.

Patubo: Nakakalungkot naman po iyon. Aking nais naman po itanong sainyo, ano po
ang masasabi niyo po tungkol kay Don Rafael Ibarra?

Pilosopong Tasyo: Don Rafael Ibarra? Ay.. siya ay ilan sa mga taong humihingi ng
aking mga payo, siya din ay masasabi kong isa sa mga marurunong na mamamayan

Pamintuan: Para po sa aking huling katanungan ay tungkol po sa ipinayo niyo kay Don
Filipo Lino. "Higit pa ang galit sa inyo ng inyong mga kalaban kaysa mga panukala
ninyo. Ibig ninyong huwag mangyari ang isang bagay? Kayo ang magpanukala, at kahit
na may kabuluhan pa ng higit sa isang mitra ay hindi sasang-ayunan.” Ano po ang ibig
sabihin niyo dito?

Pilosopong Tasyo: Ang aking sinasabi ay anuman ang maging mungkahi ng pangkat
ni Don Filipo, maganda man o hindi, ay lubos na tatanggihan ng kabilang pangkat. Ito
ay dahil sa may galit sa kanila ang mga matatanda. Aking lang isinabi sakanya ang
maari nilang gawin upang malamangan nila ang mga ideya ng kabilang pangkat.

BREAK TIME

PAGKILALA KAY JOSE P. RIZAL

Cortez: Bago pa tayo magpatuloy sa pagtanong o kaya sa pagkilala sa ating mga


tauhan. atin munang alamin ang kasaysayan ng Noli Me Tangere. Ano ang mga naging
epekto nito? At sino ang tao sa likod ng nobelang ito.
Aguilar: Atin munang kilananin ang tao sa likod ng Noli Me Tangere, ang ating
pangbansang bayani, si Dr. Jose P. Rizal.

Ramos: Ang kanyang buong pangalan ay José Protasio Rizal Mercado y Alonso
Realonda. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Pilipinas at
namatay noong Disyembre 30, 1896 sa Maynila. Siya ay anak nina Francisco Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos. Mayroon siyang siyam na
kapatid na babae at isang kapatid na lalaki, siya ang ikapitong anak sa pamilya.

Cortez: Atin namang alamin ang background na pang-edukasyon ni Rizal

Aguilar: Sa murang edad na tatlo, natutunan na niya ang alpabetong Ingles, at sa edad
na lima, marunong na siyang bumasa at sumulat. Unang nag-aral si Rizal sa ilalim ni
Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna, bago siya ipinadala sa Maynila. Kumuha siya
ng entrance exam sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit pumasok sa Ateneo
Municipal de Manila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Ateneo Municipal de
Manila upang makakuha ng land surveyor at assessor's degree, at kasabay nito sa
Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan nag-aral siya ng kursong paghahanda sa
abogasya at nagtapos. Tinapos niya ang kurso ng Pilosopiya bilang pre-law. Noong
malaman niya na nabubulag na ang kanyang ina, nagpasya siyang lumipat sa medisina
sa medikal na paaralan ng Santo Tomas, na nag-specialize sa ophthalmology. Mag-isa
siyang naglakbay patungong Madrid noong Mayo 1882 at nag-aral ng medisina sa
Universidad Central de Madrid. Dumalo rin siya sa mga medikal na lektura sa
Unibersidad ng Paris at Unibersidad ng Heidelberg.

KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE

Ramos: Ngayong nakilala na natin ang tao sa likod ng nobelang ito, ating talakayin ang
kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.

Cortez: Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal. Ito ay
orihinal na nakasulat sa wikang Kastila. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang
“Noli Me Tangere”? Ang katagang ito ay nanggaling sa Ebanghelyo ni San Juan 20:13-
17 na nangangahulugang “Huwag mo akong salingin” o “Touch me not.”
Aguilar: Ito ay inumpisahang isulat taong 1884 sa Madrid, Spain kung saan kalahati ng
nobela ay natapos. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat sa Paris noong 1885. Pebrero
21, 1887, sa Alemanya, nabuo niya ang huling ikaapat na bahagi ng nobela. Matapos
isagawa ang huling rebisyon ng manuskrito ng nobela ay handa na itong ma-isapubliko.
Gayunpaman, may mga pagsubok ang dumating na kamuntikan na itong hindi mailahad
sa publiko.

Ramos: Ano nga ba ang pagsubok na iyon?

Cortez: Nahirapan si Rizal sa pinansyal upang maipalimbag nito ang akda. Bagaman
natapos ang nobela ay wala siyang sapat na salapi para ilathala ito. Pero sa tulong ng
kaibigan na si Maximo Viola ay nakapagpalimbag ito ng 2,000 sipi sa Imprenta Lette sa
Berlin, Germany noong Marso 29, 1887.

Aguilar: Alam niyo ba na may isang kabanata ang wala sa aklat ng Noli Me Tangere?
Ito ay ang kabanatang pinamagatang “Sina Elias at Salome.”

Ramos: Sa kabila ng lahat nang ito, ano nga ba ang rason ni Jose Rizal sa pagsulat ng
Noli Me Tangere?

Cortez: Isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere dahil sa dalawang kadahilanan. Una,
upang isiwalat sa publiko ang tunay na lagay ng bansang Pilipinas sa ilalim ng
pamamahala ng mga mananakop na Kastila at ikalawa, upang gisingin ang natutulog
na isipan at puso ng mga mamamayang Pilipino. Ang aklat ay naglalaman ng mga
maselan na tema na kung saan walang sinuman ang nangahas na banggitin ang mga
ito. Nais ilahad ni Rizal ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas na kaniyang
nasaksihan.

Aguilar: Ano-ano ng aba ang mga nasaksihan ni Rizal upang masabi ang mga itong
kadahilanan?

Ramos: Musmos pa lamang siya ay nasaksihan niya ang kalunos-lunos na kondisyon


ng Pilipinas dahil sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Unti-uting namulat ang kanyang
mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino mismo sa kanyang bayan, sa
Calamba. Isa sa mga nasaksihan niya ay ang paghahagupit ng mga guardia civil sa
mga matatandang lalaki na hindi wasto ang naging saludo sa kanila. Ang kanyang ina,
si Donya Teodora ay nagging biktima ng kalupitan ng mga Espanyol, sa walang
katarungan na pagbilanggo.

Cortez: Nang dahil sa kaniyang nakita, nagising siya sa katotohanan patungkol sa


kalagayan ng Inang Bayan. Kaya naman, ang nobelang ito ang kaniyang naging daan
upang imulat ang kapwa niya sa mga hindi karapat-dapat na nararanasan nila.

MGA EPEKTO NG NOLI ME TANGERE


Aguilar: Matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere ano kaya ang mga epekto nito
sa mga Pilipino noon?

Ramos: Sa paglimbag ng akda na ito, marami ang nagalit at natakot na umusbong sa


mga Pilipino. Ang galit ay bunga ng pagkakabunyag nito sa hilig ng mga Pilipino sa
masasamang bisyo (pagsabong, pagsugal, at iba pa). Kaya naman, imbis na tangkilikin
ng mga Pilipino ang akda ni Rizal, ito ay pinagtabuyan ng iba. Sa huli ay nagbunga ito
ng kontrabersyon na naging sanhi sa pagpapatawag ng Gobernador Heneral kay Jose
Rizal.

Cortez: Ang Noli Me Tangere din ang naging rason kung bakit inakusahan ang ating
Pambansang Bayani na isang espiya, mason, salamangkero, at iba pa. Naging bunga
ito ng pagkakaramdam ng takot ng bawat Pilipino. Sa paglimbag nito nagsimula ang
kalbaryo kung saan sino man ang may kaugnayan dito o kay Rizal ay mapaparusahan
ng kamatayan.

Aguilar: Malipas ng madaming taon, ay bakit itinuturo sa mga kabataan ang Noli Me
Tangere sa kasalukuyan?

Ramos: Ang Noli Me Tangere ay isa sa pinaka mahalagang sulatin sa kasaysayan ng


Pilipinas. Ito ay puspos sa tema kagaya ng pagbabago, pagsasama at pagiging
makabayan ng ating mga ninuno. Labis na pinahahalagahan ang akdang ito sapagkat
marami itong naibubunyag. Kaya naman, ito ang mga rason kung bakit ito
pinagaaralan:

Cortez: Itinuturo ang Noli Me Tangere sa mga kabataan upang ipamahagi ang mga aral
na nais ipahiwatig ng ating Pambansang Bayani. Ito ay para maibagay ng kabataan ang
mga aral na ito sa kanilang buhay at mapatalas ang pagiging makabayan nila.

Aguilar: Ayon sa RA 1425, pinapatibay nito na dapat ituro ang mga akda ni Jose Rizal
sa bawat paaralan o pamantasan, ito man ay pampubliko o pribado. Kaya, hindi
maaaring hindi ito pag-aralan ng mga kababata ng Pilipinas. Sapagkat, nagsisilbing
paraan ito upang hindi malimutan ng mga mamamayan ang ating kasaysayan.

Ramos: Sa huli, ito ay pinag-aaralan upang maibunyag sa bawat estudyante ang mga
problemang panlipunan noon na kasalukuyang pumapalibot sa ating bansa. Ito ay para
mabuksan ang mga mata ng bawat kabataan sapagkat sila ay nagsisilbing pag-asa ng
Pilipinas upang lalo pang umunlad.

Cortez: Ano-ano kaya ang mga epekto ng pagturo o pag-aral nito sa mga Pilipino?

Aguilar: Ang pagturo ng Noli Me Tangere ay nakapagdudulot ng maraming epekto sa


ating mga Pilipino. Sa pag-aral nito, naibubunyag ang mga isyu ng ating bansa, lalo na
sa pamahalaan. Kaya naman, marami ang nagtutulungan upang baguhin ito pati na
mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga simpleng pamamaraan. Isa din sa
epekto ng pagturo nito ay ang pagpapatuloy ng mga tradisyon nating Pilipino.
Umuunlad man ang bansang Pilipinas ng paunti-unti, ang ating mga tradisyon ay na
nanatiling buhay dahil sa pagturo ng bawat pamantasan ng Noli. Sa bawat pag-
papaaral din nito, higit na umuusbong ang pagiging makabayan ng bawat Pilipino dahil
sa mga nakatagong mensahe ng Noli Me Tangere.

Ramos: Sa kasalukuyan, umuusbong ng labis ang modernisasyon sa mundo. Kasama


na dito ang ating bansang Pilipinas. Sa panahon na ito, nawawalan na ng impluwensiya
ang mga akda ni Jose Rizal. Kaya naman, wala na ito masyadong epekto sa mga
Pilipino, lalo na sa mga kabataan.

Aguilar: Tama, atin namang balikan ang tanungang nagaganap sa ating noli me
tangere: más allá de las páginas.

Q AND A (MINOR CHARACTERS)

Mallari: Ginang Sisa, sa kabila ng iyong paghihirap sa puder ng iyong kinakasama, ano
ang iyong rason kaya’t nagawa mong manatili?

Sisa: Bakit nga ba ako nanatili? Hangad ko lamang ang magkaroon ng kumpletong
pamilya. Tila nag-uumapaw ang aking pag-ibig para sa asawa kung kaya't tuluyan akong
naabuso't hindi na nakalaya pa sa kulungang hindi ko nakikita.

Salvador: Ang iyo pong mga anak ay nakapagtrabaho sa murang edad. Mayroon bang
pagkakataon na sumagi sa iyong isipan ang patigilin ang mga ito sa pagiging sakristan?

Sisa: Si Basilio. Noong gabing umuwi siya at inihayag sa akin ang sitwasyon ni Crispin,
nasabi rin niya ang nais nitong pag-alis sa kumbento. Ang aking anak. Siya ang tumulong
sa akin na mapagtanto ang bagay na iyon.

Patubo: Hindi ka ba kailan man nahiya noong ika’y pinag-uusapan ng masa tungkol sa
nangyari sa iyong mga anak

Sisa: Hindi! Hinding hindi ko ikakahiya dahil alam ko naman hindi ito totoo. Mali ang
ibinibintang nila sa mga anak ko, hinding hindi nila gagawin ang bagay na iyon.

Lacson: Para sa iyo, handa mo bang gawin ang lahat para sa mga anak mo?

Sisa: Oo, kahit mawala man ang respeto ng mga tao sa akin, ay gagawin ko ang lahat
para sa mga anak ko. Kahit sakit, aking titiisin para lamang sa mga anak.

Balingit: Sa iyong palagay, kung naging mabuting asawa at responsableng ama si Pedro
ay papasok pa rin ng sakristan ang iyong mga anak?

Sisa: Kung naging responsableng padre de pamilya ang aking asawa, alam kong hindi
niya hahayaang magtrabaho ng murang edad ang aking mga anak.
Pamintuan: Ginoong Basilio, maaari ba naming malaman ang iyong nasaksihan sa
kalagayan ni Crispin?

Basilio: Pinagbintangan niya ang kapatid ko. Sinabi niya sa kura na kumuha si Crispin
ng dalawang onsa. Hindi iyon totoo!

Lacson: Sino itong nag-akusa kay Crispin?

Basilio: Ang sakristan mayor! Isa siyang sinungaling.

Mallari: Paano kung natuloy nga ang inyong paglisan sa simbahan, itutuloy mo ba talaga
ang iyong layunin na bigyan ng magandang buhay ang ina’t kapatid?

Basilio: Pursigido akong ibangon sa kahirapan ang aking pamilya. Kung patuloy
kaming magbubulag-bulagan sa mga pangyayaring ikinahaharap namin, hindi kami
mamumulat sa mga maling gawain ng nakatataas.

Salvador: Basilio, bilang isang nakakatandang kapatid. Gaano mo kamahal si Crispin?

Basilio: Mahal na mahal ko ang kapatid ko, siya ang naging kaibigan at karamay ko sa
buhay kaya naman tuwing ito ay sinasaktan ay para na rin akong sinasaktan.

Pamintuan: Ginoong Crispin, batid naming gusto mong dinggin ka ng mga tao. Kaya
naman, ito na ang iyong tiyansang ibahagi ang iyong panig tungkol sa pagsisi nila sa iyo.

Crispin: Bagaman hindi ko man ito isinagawa, pinaniwalaan agad ng kura ang sakristan
mayor, sapagkat ang aking ama ay kilala bilang magnanakaw. Bilang parusa ay pinalo
nila ako. Hindi ko mawari kung ilang beses nila akong sinaktan dahil kusa ng bumigay
ang aking katawan. Kinikilala ang sarili bilang sugo ng Diyos, ngunit walang awa.

Patubo: Noong mga panahong iyon na wala ang Kuya Basilio mo sa iyong tabi, nagtanim
ka ba ng galit sa kanya?

Crispin: Aaminin ko na nalungkot ako ng bahagya dahil naiwan niya ako.


Gayunpaman, hindi ako nagalit pagka’t biktima rin siya ng pang-aabuso ng kura.
Maliban doon ay hindi niya kasalanan kung may mga taong kanser sa lipunan.

Balingit: Nais kong itanong kay Pedro ang katanungan na ito: Bakit hindi mo tinirhan
ng masasarap na pagkain ang iyong pamilya?

Pedro: Ha?! Aba! Bakit ko sila titirhan. Wala akong paki kung magutom sila. Marami pa
akong gagawin kaysa sa tumambay sa bahay na iyon! Tandaan lang nila na ipagtira
ako ng piso, kailangan ko pa iyon. Humanda si Sisa sa akin kapag wala akong
pangsabong bukas.

Sisa: Huminahon ka mahal, may mga bata na maaaring makarinig sayo…

Pedro: hayaan mo nga ako! Huwag kang pumatol sa pinag-uusapan.


Mallari: Pedro, sa lahat ng ginagawa ng iyong pamilya para sa’yo, mahal mo ba sila?

Pedro: Hindi ko kailanman nanaisin na mahalin sila! Anong pake ko sa kanilang


ginagawa para sa akin. Tama lang na pagsilbihan nila ako! Bahala sila sa bisyo nila sa
buhay basta’t bigyan nila ako ng pera pagbalik ko sa bahay. Saka pwede ba? Huwag
mo na akong tanungin tungkol sa mga jan!

Mallari: Pasensya na..

Salvador: Atin namang talakayin ang dalawang donya. Buenos días po! Nais ko pong
muna tanungin si Donya Victorina. Ano po ang iyong masasabi na ang malayong
pamangkin ni Don Tiburcio ang napili ni Padre Damaso bilang magiging asawa ni Maria
Clara?

Donya Victorina: Aking ikinagalak ang balitang iyan! Mas Mabuti din ito para kay Maria
Clara dahil si Alfonso ang aming itinuturing pinakamatalino sa angkan ng Espadana. Isa
pa ay, halata naman na aming lahi ay puno ng ganda, na mamanahin ng kanialng
magiging mga anak. Ay.. ang kanilang kasal ay masasabi nating llena de odio y tristeza.
(Puno ng galit at lungkot) (dapat Puno ng pag-ibig at saya) (Tawa ng mahinhin).

Donya Consolacion: Hay.. sus mali nanaman ang nasabi neto (Mahinang sinabi)

Donya Victorina: Ano ang iyong sinasabi? Maari mo itong sabihin sakin.

Donya Consolacion: Ang aking sinasabi ay iwasan mo na ang pagsasalita ng


Espanyol, dahil ito’y wala ding silbi kung mali mali.

Donya Victorina: Oh Bueno, (Oh well,) mas Mabuti na iyon kesa sa pagsasalita ng
malaswa, hays nakakahiya naman. (Tinignan si Donya Consolacion in a judging way)

Donya Consolacion: Ay ba! Palibhasa ay puro kolorete lamang ang alam! Está lleno
de arte, nadie sabe español todavía. (Puno na nga ng kasinungalingan hindi pa
marunong mag Espanyol) (Nagpapaypay in aggressive way)

Alperes: Kayo’y magsitigil! Hindi ka ba nahihiya?! (nakatingin kay Donya Consolacion).


Ako’y humihingi ng pasensya sa kanilang mga nasabi (nakatingin kay Pamintuan).

Pamintuan: Ayos lang po. Ngunit gusto ko pong tanungin naman si Donya
Consolacion. Kayo po ay kilala bilang nagging asawa ng alperes, isa sa
pinakamakapangyarihan sa San Diego. Nais ko lang po kayo itanong kung ano po ang
nararamdaman niyo po bilang asawa.

Donya Consolacion: Ikaw na nga nagsabi na ang aking asawa ay isa sa


pinakamakapangyarihang tao sa San Diego, ay malamang ako’y nakakaramdam ng
saya. Syempre din, bilang asawa ay akin din nararamdaman ang kapangyarihan at
respeto sa iba.
Patubo: Maraming Salamat po. Gusto ko lang po muling tanongin si Donya Victorina.
Ano pong masasabi niyo sa mga taong sinasabi na kayo po ay isang panggap na
Espanyol?

Donya Victorina: Ahi esta! (Meron!) (dapat Wala) Wala wala ako masasabi tungkol
diyan. Hindi ba nila nakita ang aking mukha? Na kitang kita ang aking dugong
Espanyol? Hays.. wala lang sila magawa kaya’t gumagawa sila ng gulo.

Patubo: Salamat po sa pagtungon sa aming mga katanungan.

DON TIBURCIO

Lacson: Magdako naman tayo kay Don Tiburcio, bakit ka nagpasya na pumunta dito sa
Pilipinas?

Don Tiburcio: Ako ay nag pasya na pumunta dito sa pilipinas sa kadahilanang aking
paghahanap ng aking magandang kapalaran.

Balingit: Don Tiburcio, ano naman ang iyong masasabi tungkol sa iyong asawa na si
Donya Victorina?

Don Tiburcio: Siya ay isang babaeng nag papangap bilang isang mestisang Espanyol
kung kaya ganon na lamang siya mag lagay ng kolorete sa kanyang mukha.

Lacson: Mahal mo ba ito?

Don Tiburcio: Nagpakasal lamang kami dahil sa kahirapan at hindi dahil sa


pagmamahal namin sa isa’t isa.

Mallari: Bakit naisipan niyo naman ang maging albularyo at lokohin ang mga tao?

Don Tiburcio: Ito ay dulot lamang ng kahirapan dahil ako’y walang wala na.

Salvador: Alam niyo naman na ito ay mali, hindi ba?

Don Tiburcio: Alam ko, at wala akong magawa pero pwede bang wag na natin pag
usapan ang paksang ito?

Lacson: Si, don tiburcio. Maraming salamat.

KAPITAN BASILIO

Balingit: At ang tatanungin naman natin ay si Kapitan Basillio. Nabanggit mo kanina na


meron kayong naging alitan ni Don Rafael, tungkol saan ito?

Kapitan Basillio: Aking nakalaban si Don Rafael tungkol sa isang usapin sa lupa.
Patubo: Dahil dito ay inilalarawan ka ng mga tao bilang arogante at mayabang

Kapitan Basillio: Wala silang karapatan at ako’y isa namang mayaman kaya naman
kaya kong bilhin ang lahat.

Patubo: Maraming salamat po, Kapitan Basilio.

DON FILIPO LINO

Mallari: Nais kitang tanungin Don Filipo Lino.

Don Filipo Lino: Tungkol saan iyon?

Mallari: Ano-ano ang mga hilig mong gawin?

Don Filipo Lino: Ako ay mahilig magbasa ng Latin.

Pamintuan: Bilang isang Tenyente Mayor, ano-ano ang kondisyon ng Bayan ng San
Diego?

Don Filipo Lino: Napansin ko na ang mga makakapangyarihang tao lamang ang
namumuno sa bayang ito, at walang iba kundi si Aleperes at ang Kura.

Lacson: Sa paanong paraan mo ito nasabi?

Don Filipo Lino: Nasabi ko ito sa kadahilanang naganap noong pag pupulong ng mga
Partido para sa paparating na piesta.
Balingit: Para sa huling katanungan sa iyo Don Filipo Lino, ano ba ang naganap sa
pag pupulong na iyon?

Don Filipo Lino: Nagpulong ang dalawang Partido at nag bigay ng mga mungkahi
ngunit nawalan din ng saysay ang panukala ng mga ito sapagkat ipinahayag ng Kapitan
na nakapagpasya na ang Kura tungkol sa piesta.

END OF PRESSCON

Aguilar: Nakakamangha partner, kitang-kita naman ang iba’t ibang ugali ng mga
karakter sa nobelang Noli Me Tangere.

Ramos: Oo nga ehh partner, damangdama mo talaga ang galit, lungkot, saya na
dinarama ng bawat karakter.
Cortez: Ang dami kong natutunan sa tanungan na naganap, sana ang mga manonood
ay may natutunan din!

Aguilar: Syempre! Meron silang natutunan sa ganda ng mga sagot ng ating mga
karakter ngunit hindi nga lang lahat hehehe…..

Ramos: Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit dito na magtatapos ang ating presscon.
Ngunit wag malungkot dahil hindi pa rito nagtatapos ang nobelang ating narinig…

Cortez: Kaya sa susunod muli! Ako ulit si Cortez!

Aguilar: Ako naman si Aguilar!

Ramos: At ako naman si Ramos! Sa susunod muli!

Cortez: ito ang Noli me tangere: más allá de las páginas!

TEACHER-STUDENT

OUTRODUCTION

Estudyante: Grabe, totoo nga ang sabi sabing napakaganda ni Maria Clara at
matalino’t maginoo si Crisostomo Ibarra. Makapunta nga sa library para basahin ang
NMT.

**Pumunta na sa library**

Estudyante 1: Oh, natapos mo na bang panoorin ang sikretong link natin?

Estudyante: Oo, maraming salamat talaga ah. Iuuwi ko na muna itong libro ng Noli
para magkaroon pa ako ng maraming kaalaman.

Estudyante 1: Sige, mag-ingat ka pauwi!


**Pagkauwi ng estudyante, binasa niya na ang NMT at sinimulan na ang kanyang
aktibidad.**

**Pagkatapos niyang isumite ang kanyang aktibidad ay dumeretso na siya sa library.**

Guro: Magandang umaga sa inyong lahat. Ikinagagalak kong ibalita na ang may
pinakamataas na marka para sa aktibidad na ipinagawa ko sa inyo kahapon ay si
“Estudyante”! Isang masigabong palakpakan!

**Pagkatapos ng kanyang klase ay dumeretso na siya sa library upang ibalik niya na


ang hiniram niyang NMT book. Ilalagay niya na sana bookshelf ngunit may
nakabungguan siyang kapwa estudyante kaya nahulog ang librong kanilang hawak
hawak.**

Estudyante 2: Oh, pasensya.

**Natulala ang Estudyante sa kanya nang magkatinginan sila habang naka duck
position.**

Estudyante: May kahawig ka-

**Hindi na niya pinatapos pang magsalita ang Estudyante. Nagmamadaling kinuha ng


lalaki ang kanyang nahulog na libro at umalis na.**

**Pinulot niya ang nahulog na libro pagkaalis ng lalaki. Hindi niya napansin na hindi pala
ang NMT book ang nakuha niya. Napulot niya ang librong hawak ng lalaki kanina**

**Flashback sa sinabi ni Ramos na “Hindi pa rito nagtatapos ang nobelang ating


narinig..”**
Estudyante: (Shocked face) El… Filibusterismo?

**Lumalayo na ang camera, umupo at binuksan na ng estudyante ang librong El Fili


kung saan may mga sparkles na lumalabas sa book**

You might also like