Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

SALAYSAY NG MGA BIKTIMA

(Condensed Statements of the Complainants)

1. Ang dokumentong ito ay buod ng pinagsama-samang salaysay ng mga biktima na


may layuning bigyang linaw ang modus operandi ng isang grupong tinaguriang “Team
Payaman”, magbigay ng kinumpalyang mga ebidensya, at maging instrumento sa
pagsampa ng kaukulang kaso laban sa miyembro ng grupong nasabi;

2. Ang mga biktima ay pawang mga nasa hustong gulang, mga negosyante, mga
propesyunal, at/o, Overseas Filipino Workers (OFWs), na marami ay naninirahan sa
munisipalidad ng Real, Infanta at General Nakar sa probinsya ng Quezon;

3. Ang sumusunod ay listahan, kasama ang lagda, ng mga kaukulang biktima,


naninindigan at nagbigay salaysay, at nagpapatunay sa katotohanan ng dokumentong
ito:

Buong Pangalan ng mga Biktima Lagda


4. Ang salaysay ng mga nasabing biktima ay laban sa lahat ng kasapi ng tinaguriang
“Team Payaman” na binubuo ng mga sumusunod:

Buong Pangalan ng Inirereklamo Alyas, Address o Anumang


Pagkakakilanlan
5. Ang mga lumagdang biktima, kasama ang iba pang hindi pa handang magpakilala at
lumantad, dahil sa mga personal na kadahilanan, ay hinikayat ng mga inirereklamo na
maglabas ng iba’t ibang halaga sa pangakong halaga ng tubo o interes;

6. Ang nalikom na salapi diumano ay gagamitin o “i-invest” ng mga inirereklamong


indibidwal upang makalahok sa iba’t ibang “Paluwagan” sa loob ng Real, Infanta at
General Nakar;

7. Ang mga naglaan ng pera sa mga inirereklamo ay tinaguriang mga “Financers”, at ang
mga inirereklamo naman, na naglikom at humawak ng mga salapi ng mga “financers”,
at nagrepresenta sa mga “Paluwagan” ay tinaguriang mga “Admins”;

8. Upang madaling maunawaan, ang nasabing mga “Paluwagan” ay halintulad sa


konsepto ng normal na paluwagan. Ang mga miyembro nito ay nagbibigay ng
kontribusyong salapi. Ang nalikom na pondo mula sa mga miyembro ay iaalok sa mga
miyembro bilang pautang na may karampatang tubo o interes. Ang tubo o interes ay
paghahatian ng lahat ng miyembro;

9. Ang bawat “Paluwagan” ay binubuo ng kaukulang bilang ng “slots”, upang


makumpleto ang napagkasunduang pondo. Maaaring magkaroon ng mas marami pa
sa isang “slot” ang isang miyembro, depende sa kanyang kakayanang magbigay ng
kontribusyon;

10. Ang mga miyembro ng paluwagan ay may obligasyon na magbigay ng regular na


kontribusyon. upang mapunuan ang pondo ng grupo at may maipautang sa mga
miyembro;

11. Sa bawat pagpuno ng pondo ng “Paluwagan”, ang lahat ng mga miyembro ay


maaaring humiram sa nalikom, sa karampatang interes. Ang normal na praktis ay
pataasan ng alok na tubo. Mistulang “bidding”, kung saan ang sino man na may
pinakamataas na alok na interes ang mag-uuwi ng nalikom na kontribusyon;

12. Sa mga paluwagang ito, diumano, dinala o dadalhin o i-invest ng mga nasasangkot
ang perang nilikom sa mga biktima;

13. Ang mga biktima ay hinikayat sa konsepto ng paluwagan at pinangakuan ng malaking


halaga ng interes;

14. Nakasapi sa mga iba’t ibang paluwagan ang mga nasasangkot na miyembro ng “Team
Payaman”, gamit ang mga nalikom na salapi mula sa kani-kanilang financers;

15. Tumakbo ang iba’t-ibang paluwagan kung saan sila mga miyembro. Dito nagkaroon
ng pagkakataon ang mga miyembro ng “Team Payaman” na mag-bid ng malaking
interes sa mga paluwagan upang makuha ang pinapaikot na kontribusyon;
16. Matapos makuha ang kontribusyon ng mga paluwagan, sila ay isa-isang kumalas,
bitbit na ang nakuhang buong kontribusyon ng ibang mga miyembro, kabilang na ang
mga nalikom nilang mga salapi mula sa kanilang mga “financers”;

17. Bawat miyembro ng “Team Payaman” ay may kanya-kanyang grupo ng hinikayat at


nabiktimang “financers”. Malaki ang posibilidad na ang kanilang mga nalikom na salapi
ay hindi buong nai-invest sa mga paluwagan na ito dahil sa laki ng halaga;

Pangalan ng mga Biktima Halaga ng Investment (Php)

Kabuuang Halaga (Php)

18. Katunayan ang iba’t ibang paraan ng paglustay ng mga miyembro ng “Team Payaman”
sa mga perang nakolekta nila sa mga “financers”- Pagpapagawa ng mga bahay,
pagbili ng mga ari-arian, pagbili ng mga sasakyan, pagsusugal ng malalaking halaga,
pagbili ng mga lupa at alahas, at iba pa. - Mga bagay na hindi ukma sa kanilang
kapasidad na kumita;
19. Matapos ang ilang panahon nang paghihintay sa mga ipinangakong tubo at interes
kasama na ang pagbabalik ng principal na investment, ang mga biktima ay isa-isa
nang nagduda at hinagilap ang kani-kanilang financers;

20. Dito na napagtanto ng lahat ng biktima ang pagtalikod at pagtanggi ng mga miyembro
ng “Team Payaman” sa mga salaping nalikom nila sa kanilang mga “financers”;

21. Sa kadahilanang ito, ang mga biktima ay humihingi ng tulong sa kinauukulan, upang
maibalik ang mga salaping nakamkam sa kanila ng grupong “Team Payaman”,
maaaring kasama ang ipinangako at karampatang interes base sa indibidwal na
desisyon ng mga biktima;

22. Kung hindi maisasakatuparan sa itinakdang madaling panahon ang pagbabalik ng


buong halaga, ang mga biktima ay handa at sama-samang magsasampa ng kasong
syndicated estafa/swindling ukol sa Article 315 ng Revised Penal Code;

23. Hinahangad din ng mga biktima ang pagpigil sa anumang uri ng ari-arian ng mga
nasasangkot (Freezing of Assets and Properties up to third degree of consanguinity)
upang maiwasan ang kanilang pagtakas sa responsibilidad pinansyal;

24. Hangad din ng mga biktima ang agarang pag-issue ng Department of Justice (DOJ)
kasama ang Bureau of Immigration ng Hold Departure Order sa lahat ng mga
nasasangkot sa parehong kadahilanan.

Sinang-ayunan at nilagdaan ng mga Biktima, ngayong ika-labing anim na araw ng


Pebrero, taong 2023:

Pangalan ng mga Biktima Lagda


Inendorso:

Filipina Grace R. America


Punong Bayan
Infanta, Quezon

You might also like