Daily Lesson Plan Filipino 9 Elehiya Pagbibigay Puna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Palo, Leyte

San Joaquin National High School


San Joaquin Palo, Leyte

DAILY LESSON LOG ( Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo)

Guro Ma. Darlene M. de Paz Baitang/Antas Grade 9


Petsa February 27, 2023 Asignatura Filipino
Oras 7:45-8:45 (Aquamarine) 10:00-11:00 (Diamond) Markahan Ikatlo
8:45-9:45 (Garnet) 11:00-12:00 (Pearl)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling
akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng
elehiya o awit. (F9PD-IIIb-c-50)

a. Nabibigyang-puna ang inihandang paraan ng


pagbigkas; dula, pantomime, paglalapat ng
himig, at sabayang bigkas.
II. NILALAMAN Elehiya
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian “Filipino Modyul: Learning Package Baitang 9”
1. Mga pahina sa gabay ng guro
2. Mga pahina sa kagamitang pang
mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, TV, chalk, powerpoint, modyul

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at / o Paghahanda
pagsisimula ng bagong aralin 1. Panalangin (maaring tumawag ng mag-aaral para sa gawain
ito)
2. Paghahanay/pag-aayos sa mga upuan.
3. Paglalahad ng mga alituntunin.
4. Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
5. Pagbalik-aral sa nakaraang talakayan.

B. Paghahabi sa Layunin ng aralin Ipagawa ang mag-aaral ng isang maliit na tula na may tatlong
taludtod na maaari niyang ialay sa isang Nawala na mahal sa
buhay.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipabasa ang isang elehiya na pinamagatang “Elehiya para sa Mahal
bagong-aralin. Kong Kaibigan” in April Joy Bagaybagayan.

Napakabilis nang takbo ng oras


Para sa paglalakbay na ngayon ay lumipas
Para sa aking kaibigang tunay
na ngayon nga’y nasa hukay
Pamilya’t kaibigan mo’y labis ang lumbay.

Ang naiwang alaala ng iyong matamis na ngiti


Na sa akin ngayon ay nagbibigay ng hikbi
Ang dating pagsasamang walang kasingsaya
at ang mga payo na magsisilbing paalala
Na mabuhay nang masaya sa gitna ng sakuna

Hanggang dito na nga lang ba?


Pagsasama nating dalawa
Minsan naitanong sa Diyos kung bakit ikaw pa?
Kung bakit sa libo-libong tao ay ikaw pa ang napili Niya
Wala mang makuhang kasagutan batid kong may dahilan Siya.

Tila ba gumuho ang sanlibutan


Nang ikaw ay inihatid na sa iyong hantungan
Huling pagkakataong ika’y masisilayan
Pangakong kailanma’y hindi malilimutan
Paalam sa’yo mahal kong kaibigan
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipasagot ang mga katanungan sa ibaba:
paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Gabay na Tanong:
1. Ano ang tema ng akdang binasa?
2. Paano ipinadama ng may-akda ang kaniyang
pagdadalamhati sa tula?
3. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ipadarama ang
pagmamahal mo sa isang tao?
4. Ano ang kaibahan ng pagbigkas ng elehiya sa iba pang uri
ng tula?
5. Paano nakatutulong ang mga pang-uring nagpapasidhi ng
damdamin sa pagsulat ng elehiya?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipabigay ang kanilang nararamdaman tungkol sa akdang
paglalahad ng bagong kasanayan # 2 binasa sa pamamagitan ng pag-pantomine o paggalaw nang
hindi nagsasalita.
F. Paglinang sa Kabihasaan GROUPINGS:
Hatiin ang klase sa apat na grupo. Ipa-presenta sa grupo ang
naatasang saknong sat ula sa pamamagitan ng pagpili sa
sumusunod:
- Dula
- Pantomime
- Paglalapat ng himig
- Sabayang Bigkas
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Gabay na Tanong:
na buhay 1. Kung ikaw ay gagawa ng isang elehiya, sa anong
pagkakataon ng buhay mo ang nais mong isulat?
Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Magtawag ng mag-aaral at ipabuod sa klase ang tinalakay sa
araw na ito.
Panuto: Sa isang kalahating papel at bigyang-puna ang mga
V. Pagtataya ng Aralin paraan ng pagbigkas batay sa mga sumusunod na pamantayan.
Kopyahin ang pamantayan sa ibaba.
I. Karagdagang gawain para sa takdang Gawain:
aralin at remediation Panuto: Bigyang-puna ang nabasa o napakinggang, “Ang mga
Dalit kay Maria” batay sa paraan ng pagbigkas at ang ginamit na
mga pang-uring nagpapasidhi ng damdamin. Gamitin ang
grapikong pantulong at gawin ito sa hiwalay na papel.

VI. Mga tala


VII. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy pa sa remediation
E. Alin sa istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
aking kapwa guro.

DepEd Order no. 42, s. 2016

Inihanda ni:
Iwinasto ni:
MA. DARLENE M. DE PAZ
Guro sa Filipino GEMMA P. OTIVAR
Master Teacher

Pinagtibay at Sinang-ayunan ni:

FLORDELIZA R. VERUNQUE
School Head

You might also like