Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mgaPaaralangPanlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate
I. KAALAMAN
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
____10. Sa huling bahagi ng dula, anong kultura ng bansang England ang ipinakita?
a. Paniniwala sa wagas na pag-ibig c. Pagiging mapagmahal
b. Pagiging matapat sa sinisinta d. Mapagpangako sa minamahal
____11. Ano ang sukat ng tulang “Ang Pamana”?
a. 16 b.14 c. 12 d. 10
____12. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa pagtaas, pagbaba, pagbagal at pagbilis ng tinig?
a. indayog b. sukat c. simbolismo d. tugma
____13. Ano ang paksa sa akdang “Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rouseff sa kanyang Inagurasyon.”
a. Pagsugpo ng kahirapan c. Pagpapanatili ng kaayusan sa pamayanan
b. Edukasyon at kultura d. kalusugan at kalinisan
____14. “Nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan.” Ano ang naging basehan ng pahayag na
ito ni Dilma Rouseff
a. Resulta ng panunungkulan ni Pangulong Lula
b. Madalas na pag-aklas ng mga tao
c. Katiwalian at korapsyon ng mga nanunungkulan
d. Kawalan ng determinasyon ng mga tao para sa pag-unlad
____15. Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Anong kahusayang gramatikal ang ginamit sa tula upang mabuo ang taludtod?
a. gramatika b. pagbaybay c. palaugnayan d.semantika
II. KOMPREHENSIYON
Para sa bilang 16-17. Tukuyin ang kahulugan ng salitang kolokasyon na may salungguhit sa bawat talata.
____16. Ang bukang liwayway ay pinaniniwalaan ng mga Pilipino na simbolo ng panibagong pag-asa.
Higit lalo ngayong humaharap tayo sa pandemya ang lahat ay humihiling na sana’y matapos na itong
pagsubok.
ang Prinsesa ng Kastilyo Miramonte ay natatangi para sa kanya! siya ang araw sa kanyang bawat
umaga.
a. Paggamit ng tamang bantas at malaking titik sa simula ng pangungusap.
b. Paggamit ng baybay at angkop na pandiwa.
c. Paggamit ng tamang bokabolaryo.
d. Pagkaklasipika ng mga tunog sa pangungusap.
III. APLIKASYON
Para sa Bilang 28. Tukuyin ang kolokasyong angkop ipampuno sa pahayag.
____28. Dahil sa hirap ng buhay karamihan ay _____ upang matustusan ang mga pangangailangan.
a.Kapit-patalim b. kapitbahay c. kapit-tuko d. kapit-bisig
____29. Ang ligaya’y hindi bunga ng ginhawa
Ang tunay na lugod galing sa pagsinta
Kung walang pag-ibig libo mang pag-asa
Ang dusa sa puso at luha sa mata
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mgaPaaralangPanlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate
“Nag-alay ako ng sariwang karne ng tupa para kay Haldur. Dinalhan ko rin siya ng mga bulaklak at nagsindi
rin ako ng insenso. Nais kong makarating sa kaniya ang matagal ko nang dinadalangin,” wika ni Helbuld.
Ang kulturang Pilipino na maihahambing sa kultura ng ibang bansa na makikita sa pangyayaring nakasaad
sa loob ng kahon ay_________
a. Mapagbigay galang c. Maibigin sa kapwa
b. Pagiging Relihiyoso d. Mapagpasalamat
Ang angkop na salita na bubuo sa tula ayon sa angkop na sukat at tugma ay ____.
a. magtalaga b. ipagtalaga c. nagtalaga d. italaga
____34. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng opinyon patungkol sa kahirapan?
a. Pagtutulungan natin ang suliraning kinakaharap ng bansa.
b. Ipagpapatuloy ko ang naumpisahang ng naunang namuno.
c. Patatatagin ko ang ekonomiya ng ating bansa sa loob man o labas.
d. Papalakasin natin ang panlabas na pondo upang balanse.
____35. Piliin ang angkop na salitang ipampuno upang mabuo ang tula.
Ang buhay kong ito’y sa inyo ______
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga
a. nagmula b. umikot c. nagtapos d. nagwakas
IV. ANALISIS
____36. Alin sa sumusunod ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan?
a. tuwa, halakhak, ngiwi
b. humagibis, humarurot, tumulin
c. halungkatin, siyasatin, kilatisin
d. napuwing, tumangis, lumuha
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mgaPaaralangPanlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate
____37. Suriin mula sa mga pahayag ang hindi naglalahad ng paksang “Kalakasan ng tauhan?”
a. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa
pagkain.”
b. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama?”
c. “Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anomang paraan upang
hindi manaig ang iyong kapangyarihan.”
d. “Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kat Utgaro Loki.”
____38. Mula sa dulang “Moses,Moses”, Alin sa mga pahayag ang sumasalamin sa kulturang Pilipino?
a. Ang hindi pag-urong ng demanda ni Regina sa kaso ng kanyang anak sa kabila na ang kanyang
makakalaban ay makapangyarihan.
b. Ang paglagay ni Tony ng batas sa sarili niyang mga kamay ayon na rin sa kawalan ng hustisyang
natamo mula sa pagkamatay ng kanyang ama.
c. Ang maayos na pagtanggap ni Regina sa Alkalde at Konsehal sa kanyang tahanan sa kabila ng kasong
nakahain.
d. Ang pag-ako ni Regina sa krimen na kanyang ginawa upang matapos na ang kaguluhan.
____39. Tukuyin ang pangungusap na naglalahad ng layunin para sa kabutihan ng mahihirap.
I. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa
ang mahihirap na pamilya.
II. Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming
bansa sa mundo.
III. Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng
pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon
IV. Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang malabanan ang hindi pantay na kita
at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.
a. I b. II c. III d. IV
____40. Alin sa sumusunod para sa kahusayang diskorsal ang kinakailangan ayusin sa bahagi ng anekdota?
Isang araw, pumunta ako sa UBelt para maghanap ng mga nagbebenta ng murang libro.
Hindi naman ako nahirapan maghanap ng mga libro…
a. I b. II c.III d.IV
____42. Suriin ang sumusunod na usapan pagkatapos,tukuyin ang nagsasaad ng kulturang Pilipino mula sa dulang “
Moses, Moses”
a. Regina: Kayong masasamang pulitiko!
Konsehal: Masasamang pulitiko! Pero ganyan ang buhay ngayon, Misis. May nakita na ba kayonganak ng kongresista
na kanilang nagalaw? Anak ng senador? Anak ng gobernador? Anak ng mayor?
Regina: Pumatay man kayo’y talagang hindi kayo nagagalaw?
Regina: (Sasampalin ang Alkalde) Akala ba ninyo’y mabibili ninyo ako? Layas! Layas! (Nababaghang tatayo ang Alkalde
at Konsehal. Dadamputin ng Konsehal ang sobre. Lalapit sinaTony.)
b. Alkalde: (Hindi makapaniwala ngunit ngani-nganing sampalin si Regina) Misis, dinadaan ko kayosa pakiusapan pero
gusto ninyong magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo!
Regina: Itutuloy ko!
Tony: ... At sa lahat ng libro’y sa Bibliya ko pa nakita ang sagot. Naglalakad ako, minsan – pagkaraan ng nangyari kay
Aida – nang maalaala ko ang sinabi ng amani Itay, noong araw na iyon ng libing, “Kapag buhay ang inutang, buhay din
ang magigingkabayaran,” na para bang may singil para sa kanya – o para sa atin – ng inutang na buhay ni Itay. Naisip
d. ko, ito’y isang pamahiin o isang kasabihan lamang: ito’y isang simpleng batas, isangkautusan o kahatulang inihabilin ng
Diyos kay Moses, doon sa itaas ng bundok, sa gitna ng kulog,ng kidlat, ng usok at ng ingay ng pakakak, sapagkat hindi
ba sinabi sa Exodus na “buhay sa buhay?”
____44.
“Nasa pagkakaisa ang ikauunlad ng isang bansa”
Suriin sa sumusunod na pahayag
ang may kaugnay sa kasabihang nasa itaas.
a.Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat gampanan
b. Pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pambribado at ang
lahat naghahangad ng kabutihan.
c. Ang pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad.
d. Ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga.
a. I b. II c. III d. IV
VI. PAGBUO
____46. Bumuo ng panibagong salita mula sa salitang-ugat na nasa kahon, sa pamamagitan ng pagsama nito sa iba pang
salita. Ibigay ang kahulugan ng bagong nabuong salita.
____47. Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakapaloob sa tula. Punan ang kahon ng mga nawawalang
titik.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
D NA PAG-IBIG
____48. Ka Ugong: “Ayoko ng maghugas ng pinggan”, buong yabang na sabi ni Ka Ugong.
Ka Maldang: “At sino?”, ang mapanghamong tanong ni ka Maldang.
Ka Ugong: “Ako?, aba, buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid, ayoko ng maghugas isa mang pinggan!”
TAGAPAGSALAYSAY: Nakapameywang si Ka Maldang, malalaki ang kanyang braso, matabang babae ata siya.
Ka Maldang: “At sino Mang Hugo ang maghuhugas ng mga pinggan? Ang kanyang tanong.
TAGAPAGSALAYSAY: Natakot si Ka Ugong at siya ay nanginig, humawak sad ulo ng mesa.
Ka Ugong: Ikaw. (Mahina ang boses) Ikaw ang babae, ikaw dapat ang nagtatrabaho sa bahay.
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mgaPaaralangPanlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate
Mula sa dulang “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan?”, Ilahad ang kultura ng bansang pinagmulan ng dula
batay sa kanilang usapan. Ilahad ito sa loob ng tatlong (3) pangungusap lamang
KULTURA:_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____49. Ibigay ang elemento na ginamit sa tula. Punan ang kahon ng mga nawawalang titik.
T U A
____50. Buoin ang tula. Iayos ang mga letra gamit ang angkop na kahusayang gramatikal/diskorsal.
Inihanda ni:
JANINE P. BADILLO
Guro sa Filipino
Sinuri ni:
ARLIN A. JARDIN
MT I Inirekomendang Pagtibayin:
MARITES C. CLEOFE
HT VI, Kagawaran ng Filipino
Pinagtibay:
RONAN C. RELOVA
MT II/Kawaksi ng Punongguro