Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kabanata IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Inilahad sa kabanatang ito ang mga nakalap at nasuring datos na kailangan sa

pag- aaral.

MGA DRAMANG HILIGAYNON

Ang limang dramang Hiligaynon na kasangkot sa ginawang pag- aaral ay ang

mga sumusunod: Once There Was A Love, Itom Nga Libro, Mr. Suabe, Misteryo

Sang Kabuhi at Toyang Ermitanya. Kumuha lang ako ng tig- iisang episodyo sa

bawat dramang binanggit upang magamit sa gagawing pag- aaral. Ang limang dramang

Hiligaynon ay ang mga sumusunod:

Ang dramang Once There Was a Love ay umaakit sa mga tagapakinig sa

kwento ng lahat ng umibig. Ibinabahagi nito na ang pag-ibig ay palaging andyan upang

gabayan tayo, turuan tayo at paunlarin tayo bilang isang tao.

Ang dramang Itom Nga Libro ay kinapapalooban ng mga kwentong katatakutan

tulad ng mga maligno, aswang, multo at iba pang mga istoryang nakapaloob sa poklor.

Ang dramang Misteryo Sang Kabuhi ay napatutungkol sa mga hindi

maipaliwanag na mga pangyayari(paranormal activities), mahiwaga at iba pang

kakaibang pangyayari na nararanasan ng mga tao.

Ang dramang Mr. Suabe ay dramang naglalarawan sa pangkaraniwang buhay at

pag-uugali ng mga tao.

Ang dramang Toyang Ermitanya ay napatutungkol sa walang kamatayang

paglalarawan ng tunay na lipunan sa paraang satiriko. Ito ay isang dramang komedya

na tumatalakay sa iba't ibang paksa partikular na ang politika.


MGA PILING TAUHAN SA DRAMANG HILIGAYNON

Ang tauhan ay may mahalagang gampanin sa mga katha. Sila ang nagbibigay-

buhay sa mga kwento. Sa pag- aaral kong ito, inilarawan ko ang mga katangian ng mga

piling tauhan sa dramang Hiligaynon na karaniwang napakikinggan sa radyo.

Sa dramang Once There Was a Love ang mga tauhan ay sina Jester, Diane at

Christian. Lahat ng mga nabanggit ay maituturing kong lapad na tauhan dahil hindi

nagbago ang kani- kanilang karakter. Si Jester ay isang lalaking hindi tapat sa pag- ibig

na nagtaksil sa kasintahang si Diane bunsod ng kanilang pagiging malayo sa isa’t isa.

Naging patunay ng kanyang kataksilan ang pagkakabuntis niya sa ibang babae. Ang

patunay sa paglalarawan ay makikita sa (number ng dialogue).

“May gintambungan ako sang isa ka teambuilding, sa seminar kag nahubog ako. May kaupod ako nga
isa ka Pinay man didto. Sa laktod may nagpatunga sa amon. Kag gadala siya, gani kinahanglan ko siya
nga pakaslan kay kon indi, wala nako sang katungdanan sa kompaniya. Nagpauli lang ako para ihambal
sa imo ang parte sang natabo. Abay mapatawad mo ako Diane!”

(“May pinuntahan akong team building, isang seminar at nalasing ako. May kasama akong Pinay doon,
sa madaling sabi, may nangyari sa amin. Buntis siya at kailangan ko siyang pakasalan. Kung hindi, wala
na akong mukhang ihaharap sa kompanya. Umuwi lang ako para sabihin sa iyo kung ano ang nangyari.
Mapatawad mo sana ako Diane!”)

Si Diane naman ang babaeng pipiliin na siya lang ang masaktan kesa ang mga

importanteng tao sa buhay niya. Patunay dito ang linyang binitawan niya na

“Ginasakitan ako, apang human na ang desisyon ko. Indi mahimo nga ang kasingkasing ang
magadaug. Kon pilion ko ang paghigugma ko kay Christian, indi lang si Jester ang masakitan kundi ang
mga pamilya namon. Apan kon si Jester ang pilion ko, ako lang ang masakitan... ako lang...”

(“Nasasaktan talaga ako sa naging desisyon ko ngunit hindi ko kayang pairalin ang
nararamdaman ng aking puso. Kung pipiliin ko ang pag-ibig ko kay Christian, hindi lang si Jester ang
masasaktan, pati buong pamilya namin. Habang kapag si Jester ang pipiliin ko, ako lang ang
masasaktan... Ako lang...”)
Nakaramdam din siya ng kaligayahan nang malaman niyang may nabuntis si

Jester dahil wala na siyang masasaktan tao kung pipiliin niya ang tunay niyang mahal.

Patunay dito ang

“Lord, indi ko mapunggan nga maghibi. Kung gahibi ako, indi tungod nga gibyaan ako ni Jester
kundi gahibi ako kay wala na ako masakitan na balatyagon kag indi ko na kinahanglan nga ihambal pa
kay Jester ang bahin kay Christian. Tungod indi na ina importante pa. Kag buwas, pagkatapos sang akon
nga trabaho, makighambal ako kay Vincent.”

(“Diyos ko! Hindi ko mapigilan ang pagluha ko. Umiiyak ako hindi dahil iniwan ako ni Jester kundi
dahil wala na akong sakit na mararamdaman at hindi ko na kailangan pang sabihin kay Jester yong
tungkol sa amin ni Christian dahil hindi na importante iyon. Pagkatapos ng trabaho ko bukas, kakausapin
ko si Vincent.”)

Si Christian naman ang lalaking nagparaya sa kanyang nararamdaman.

Sinakripisyo niya ang kanyang kaligayahan para sa taong mahal niya,ngunit hindi niya

alam na mahal din siya ni Diane. Patunay dito ang linya na

“uh.. indi ka magkabalaka Diane, katapusan ko na ini nga pagpangulit sa imo. Malakat na ako buwas.”

(“uh.. ‘wag kang mag-alala. Huling pangungulit ko na ito sa iyo. Aalis na ako bukas.”)

Sa dramang Itom nga Libro ang mga tauhan ay sina Josefina, Roman, Matilda at

Arnolfo. Si Josefina ay masasabi kong lapad na tauhan sapagkat naging masungit siya

simula hanggang sa wakas ng kwento. Siya ay isang masungit na tagapangalaga sa

bahay- ampunan. Malaki ang kanyang pagnanais na mapaalis na si Roman sa

ampunan sapagkat siya ay may edad na kaya’t ginagawa niya lahat ng paraan. Patunay

rito ang linya niyang

‘‘Kinahanglan makahimo na kita sang paagi sa isa ngaina. May edad na siya kinahanglan maipakuha na
siya diri sa orphanage Isadora.’’

(“Kailangang makahanap na tayo ng paraan para sa isang iyan. May edad na siya, kailangang makaalis
na siya dito sa orphanage Isadora.”)

“Nangawat ka sang pagkaon sa kusina?! Nagakatulog na ang mga bata nga upod mo sa kwarto?!”

(“Nagnakaw ka ng pagkain sa kusina?! Tulog na ba ang mga kasama mong bata sa kwarto?”)
“Maghipos ka! Dal- a siya pabalik sa babaw kag kandaduhe agod masiguro naton nga indi siya liwat
makaguwa sa kwarto niya.”

(“Tumahimik ka! Dalhin mo siya pabalik sa itaas at ikandado para masiguro na hindi na siya uli
makalabas sa kwarto niya.”)

Si Roman naman ay isang ulilang bata na lumaki sa bahay- ampunan at inaasam

na makaramdam ng pag-aaruga ng mga magulang. Binalak kainin ng mga bampirang

sina Matilda at Arnolfo. Ngunit nang kalaunan ay natuklasan niyang siya ay isang taong

lobo. Sa bandang huli, kinain niya sina Matilda at Arnolfo. Kaya, masasabi kong isa

siyang halimbawa ng bilog na tauhan. Narito ang mga patunay

‘‘Kwaon bala ninyo ako diri?’’


(“Kukunin niyo ba ako dito?”)

‘‘Ahhh.. Napinsaran ko, kuwan, pwede bala kita makalagaw? Matan-aw sang sine, makaon sa restawran,
makadto sa park. Pareho bala sa isa ka matuod nga pamilya.’’

(“Ahhh.. Naisipan ko po kasi kung pwede ba tayong mamasyal? Manood ng sine, kakain sa restawran,
pumunta sa park kagaya ng isang totoong pamilya?”)

“Karon, mahibaluan ko na kon ano natabo sa akon ginikanan. Nahibaluan ko na ang likom nga ginatago
ni ma’ am Josefina. Nahibaluan ko na ang likom nga ginatago nila sa akon sa orphanage. May likom man
ako nga paryas sa ila kag mas sobra pa ang likom ko sa inyo.”

(“Ngayon, alam ko na kung ano ang nangyari sa aking mga magulang. Alam ko na ang sikretong tinatago
ni ma’am Josefina. Alam ko na ang sikretong tinatago nila sa akin sa orphanage. May sikreto din akong
tinatago sa inyo at mas hihigit pa ang sikreto kongito sa inyo!”)

Sina Arnolfo at Matilda naman ay mga bilog na tauhan. Sa unang bahagi ng

drama sila ay mababait ngunit kalaunan, inilabas na nila ang tunay nilang ugali- ang

pagiging mabagsik. Sila ay mga bampira na gagawin ang lahat upang mapasakanila si

Roman na nais nilang maging pagkain. Sinubukan nilang akitin si Roman upang

sumama sa kanila sa pangakong ibibigay nila ang lahat ng gusto nito. Patunay rito ang

linyang

‘‘Nahangpan ko ikaw Roman. Balay mo na ang orphanage nga ini. Diri ka na nagdako. Apang kung mag-
upod ka sa amon sa mansyon, makapagusto ka na kon ano luyag mo.’’

(“Naiintindihan kita Roman. Bahay mo na itong orphanage. Dito ka na lumaki. Ngunit, kung sasama ka sa
amin sa mansyon, malaya kang gawin kung ano ang gusto mo.”)
Sa dramang Misteryo sang Kabuhi ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng

supernatural na kakayahan. Siya ang bida ng kwento sa drama na nagtataglay ng third

eye, o kakayahang makakita ng mga lugar at tao na hindi nakikita ng normal na tao.

Labis ang kanyang hangaring makausap ang kaluluwa ng namayapang asawa kahit pa

man dumako sa kabilang buhay o mundo ng mga patay. Siya ay isang lapad na tauhan

sapagkat hindi nagbago ang kanyang ugali mula simula hanggang sa wakas. Patunay

rito ang linyang

‘‘Amo ina ang matuod. Ang imo third eye makakita sang mga bagay kag mga lugar nga indi makita sang
ordinaryo lang nga mga tao. Kag imo asawa, may gusto ihambal sa imo. Gusto niya nga maghambal
apang may nagapamalabag sa tunga ninyo nga duwa. Nga amo nagapugong agod matabo ina.’’
(“Yan yong totoo. Sa pamamagitan ng iyong third eye, makakakita ka ng mga bagay at lugar na hindi
nakikita ng mga ordinaryong tao. At tsaka yung asawa mo, may gusto siyang sabihin sa iyo. Gusto niyang
magsalita ngunit may pumapagitna sa inyong dalawa.”)

‘‘Ang imo third eye, indi pagid tama katin- aw sang sa akon. Kag sa iban pa nga may ginaangkon man
nga amo sina nga abilidad. Kasubong naton, limitado lang ang ikasarang nga makapakita angot sa mga
nagapamalatay na. Apang indi ka lang masubo abyan. May iban pa nga paagi para masugilanon kag
maka-upod mo ang mga mahal mo sa kabuhi nga nagtaliwan na. Kag labaw sa tanan ang imo asawa.’’

(“Hindi pa masyadong malinaw ang third eye mo di gaya sa akin. At sa ibang tao rin na umaangkin ng
ganyang abilidad. Parehas sa atin, limitado lang yung kakayahan natin na makipag- usap sa mga taong
pumanaw na. Ngunit huwag kang mag-alala kaibigan. May iba pang paraan para makausap at
makasama mo ang mga mahal mo sa buhay na pumanaw na, lalo na ng asawa mo.”)

‘‘Ano nga paagi? Tudlui ako palihog. Bayaran ko ikaw kon pila sukot mo Antonio amigo!’’
(“Anong paraan? Turuan mo naman ako. Babayaran kita kahit magkano ang singil mo Antonio amigo.”)

Sa dramang Mr. Suabe ang mga tauhan ay sina Eva, Nora at Fritz. Lahat ng

nabanggit na tauhan ay masasabi kong lapad na tauhan dahil hindi nagbago ang

kanilang pag-uugali. Si Eva ay isang inang nagpamalas ng labis na pagmamahal sa

kanyang mga anak lalo na ang bunsong anak na si Fritz. Labis ang kanyang hangaring

matulungan ang anak na makahanap ng trabaho kahit pa sa pamamagitan ng

pangungutang. Patunay rito ang linyang

“Kadumdom ka sang nagpamanila si Fritz kay mangita obra? Amo na ang ginpadala niya sa manghod
mo.”
(“Naalala mo bang pumunta si Fritz sa Maynila para maghanap ng trabaho? Yan yong pinadala ni mama
mo sa kanya.”)
“Huo ma, ari si tita kay manukot siya sang hulam mo nga ginpadala niya kay Fritz sa Manila.”
(“Oo ma, andito si tita para maningil ng utang mo na pinadala mo kay Fritz sa Manila.”)

Si Nora ang nakakatandang kapatid na parating kinagagalitan ang nakababatang

kapatid na si Fritz dahil hindi pa rin nakahanap ng trabaho gayong nagtapos na siya ng

kolehiyo. Lagi niyang pinupuna ang papalayaw ng mga magulang kay Fritz na ibinigay

ano man ang kanyang hingin sa kanila. Patunay rito ang linyang

“Ay nano ni siya man? Tapos na siya eskwela gasalig siya gihapon sa imo?”
(“Nakatapos na siya ng pag- aaral ngunit nakadepende pa rin siya sa iyo?”)

“Duwa na katuig nga gapangita sang obra, asta subong wala siya makakita kay ti nagasalig siya sa imo
nga pwede lang siya makapangayo. Ikaw, hatag ka man dayon.”
(“Dalawang taon na siyang naghahanap ng trabaho ngunit hanggang ngayon, wala pa rin siyang nakita!
Nasanay na siya na palagi siyang humihingi sayo at ikaw naman, nagbibigay ka kaagad!”)

“Pa? Numan? Ginpangutangan mo gid laptop nga bag- o si Fritz?”


(“Pa? Kumuha talaga kayo ng bagong laptop para kay Fritz?”)

Si Fritz naman imahe ng isang bunsong anak sa pamilya na isang bakla. Lagi

siyang nakadepende sa mga magulang sa kahit na anumang gusto at

pangangailangan. Patunay rito ang sumusunod na linya

“Ay gani man ma pero... Ay, oh gali! Maayo pa mangutang ta ma! kay ti kinahanglan ko sa obra ko mo.”
(“Ay, kaya nga ma.. ay! Tama! Buti pa’t mangutang tayo ma! Kasi diba kailangan ko sa trabaho?”)

‘’Ay, ma! Utang to bi ilimnon didto sa tiangge. Isa lang ka kaha a.’’
(“Ay, ma! Pwede ka bang mangutang ng alak sa tindahan? Isang kahon lang ma.”)

Sa dramang Toyang Ermitanya ang mga tauhan ay sina Samson, Atan at

kapitan. Si Samson isang lalaking gustong kumita nang pera sa madali ngunit sa hindi

mabuting paraan. Niloko niya ang isang kasambahay upang makakuha ng pera at

alahas, ngunit sa bandang huli ay siya ang naloko at naisahan. Si Atan isang lalaking

kasabwat ng kaibigang si Samson sa pagsasagawa ng mga raket upang magkapera

sila sa hindi mabuting paraan. Patunay rito ang

“Wala gid kita sang diskarte. Wala na sang manok nga pwede naton nga makuot ang pugaran kay
nagbuluto na tanan.’’
(“Wala na talaga tayong raket ngayon. Wala na tayong makukuha na itlog sa kulungan dahil naging sisiw
na!”)
‘‘Tawgan naton sya sa telepono. Hambalan ta sya nga ang iya amo naaksidente kag kinahanglan nga
madala sya sang kwarta, kun wala kwarta alahas nalang ang iya dal-on.’’
(“Tatawagan natin siya sa telepono. Sasabihin natin na naaksidente ang kanyang amo at kailangang
magdala siya ng pera, kung walang pera, alahas ang kanyang dadalhin.”)

Si Kapitan naman isang lider sa komunidad na sinusubukang masolusyunan ang

hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao na may kinalaman sa mga reklamo para

sa kriminal na gawain. Ipinakita sa drama ang pagnanais niya na maayos ang gulo sa

pagitan ni Samson at ni Mr. Lupeto na labis niyang pinakiusapang patawarin na lamang

ang lalaki at patawan ng parusang paglilinis sa komunidad para matubos ang sarili sa

pagkakasalang panloloko sa kasambahay. Patunay rito ang linyang

‘‘Hinugay na samson a, wala ka makalusot. Ipapreso ka gid ni mr. Lupeto. Gin-ayo lang ni kap nga
maninlo ka lang sa plasa bilang imo nga multa kon indi gani mapreso ka gid.’’

(“Huwag ka nang magpalusot Samson, kasi hindi ka makakalusot. Ipakukulong ka talaga ni mr.
Lupeto. Kinumbinsi lang ni kap na maglilinis ka lang sa plasa bilang multa mo.”)

Mga Kulturang Sinasalamin ng mga Dramang Panradyo

Ang panitikan ay salamin ng lipunan. Anumang nangyayari sa lipunan ay lumilitaw

sa ilang pangyayari sa akda maging sa tagpuan at tauhan. Bagamat hindi tunay na

hinango ang ilang akda dahil likha ito ng malikhaing imahinasyon ng manunulat, may

mga kultura at buhay sa isang lipunang inilalarawan ng akda. May panitikan ding nilikha

hango sa buhay at kulturang naging bahagi na ng buhay ng may-akda o maaaring

kanyang namasdan, nasaliksik, o napag-alaman. Nagiging daan ito upang makilala at

maunawaan ang identidad o pagkakakilanlan, buhay na ginagalawan, katangian at

kultura ng isang lipunang maaaring kaiba o katulad ng ating mundong ginagalawan.

1. Pagpapahayag ng Labis na Pag-ibig


Sinasalamin sa dramang Once There Was A Love ang kultura ng

pagmamahalan o pag-iibigan. Likas sa mga Ilonggo ang pagiging mapagmahal.

Pinakamalambing kung ituring ng marami ang mga Ilonggo dahil sa kanilang

malumanay na intonasyon at ekspresibong wika sa pagpapahayag ng pag-ibig.

Patunay:

Christian: Ang buot mo silingon, mahal mo na ako?


Diane: uh.. nakahibalo ako nga nakahibalo ka man sina. Apang ginapugngan ko
lang kaugalingon ko.
Christian: Oh My God! Lord! Nagadamgo bala ako? Diane... gusto ko mabatian
halin sa imo ang... ang...
Diane: Christian... I love you!
Christian: I love you more Diane!wala ka nadula bisan pa kaisa sa kasing- kasing
ko. Saksi ko ang Diyos sa balatyagon ko sa imo. Oh Diane..

2. Paniniwala sa mga Multo at Supernatural na mga Nilalang

Masasalamin din ang mayaman na poklor ng mga Ilonggo sa dramang

kinapapalooban ng mga mitikal na karakter sa sinaunang panitikan . Naging

bahagi na rin ng mga kwento sa dramang panradyo ang mga temang may

kinalaman sa mga pamahiin at paniniwala ng mga Ilonggo sa mga multo at

supernatural na mga nilalang.

Patunay:

Arnolfo: Naga- abot na ang ti-on. Hahaha


Roman: Ha?
Matilda: Makatilaw na kita sini sang manamit nga pagkaon halin sa orphanange.
Roman: Si madam Matilda kag sir Arnolfo? Nagasugilanon sila nga duwa sa
puwerta sang kwarto ko?
Arnolfo: Ahh.. Handa na siya.
Matilda: Mabatian ko na ang kibo- kibo sang iya corazon.

Antonio: Mabasa ko ang kasubo sa imo nawong. Abyan, indi lang man kaisa nga
nagbatyag ka sang kasakit tungod sa pagkadula sa imo mga mahal sa kabuhi.
Kag tungod nga masakit ang naaguman mo. Nabuksan mo imo third eye.
Bida: Ano?!
Antonio: Amo ina ang matuod. Ang imo third eye makakita sang mga bagay kag
mga lugar nga indi makita sang ordinaryo lang nga mga tao. Kag imo asawa,
may gusto ihambal sa imo. Gusto niya nga maghambal apang may
nagapamalabag sa tunga ninyo nga duwa. Nga amo nagapugong agod matabo
ina.
Bida: Ano ang dapat ko nga buhaton? Para makuha ko ang gapamalabag nga
ina?
Antonio: Wala ka sang mahimo. Bisan pa bukas imo third eye.
Bida: Ano?!
Antonio: Ang imo third eye, indi pagid tama katin- aw sang sa akon. Kag sa iban
pa nga may ginaangkon man nga amo sina nga abilidad. Kasubong naton,
limitado lang ang ikasarang nga makapakita angot sa mga nagapamalatay na.
Apang indi ka lang masubo abyan. May iban pa nga paagi para masugilanon kag
maka-upod mo ang mga mahal mo sa kabuhi nga nagtaliwan na. Kag labaw sa
tanan ang imo asawa.

3. Pagkakasundo Upang Malutas ang Hindi Pagkakaunawaan

Likas din sa mga Ilonggo ang kultura ng pagpapanatili ng kapayapaan at

kaayusan sa komunidad na masasalamin sa kung papaanong hinahangad ng

mga ito na ayusin ang mga di-pagkakaunawaan o anumang kaguluhan. Upang

maisulong ang pagkakaunawaan, ay naglalatag ng kasunduan o mga parusang


maaaring magbigay-daan upang mapag-ayos ang mga taong sangkot sa isang

away.

Patunay:

Rusing: Hinugay na samson a, wala ka makalusot. Ipapreso ka gid ni mr. lupeto.


Gin-ayo lang ni kap nga maninlo ka lang sa plasa bilang imo nga multa kon indi
gani mapreso ka gid.

4. Pagkalinga ng Magulang sa Anak

Kapuna-puna rin ang kultura ng pagkalinga ng mga magulang sa mga

anak kahit pa man sila ay nasa hustong gulang na upang magsarili. Partikular na

makikita ito sa mga magulang na labis ang pag-aalala at pagtulong sa bunsong

anak. Ginagawa nila ang lahat ng paraan upang matulungang makaahon o

magkaroon ng magandang buhay ang mga anak.

Patunay:

Nora: Pa? Numan? Ginpangutangan mo gid laptop nga bag- o si Fritz?


Mama: Ay ti ngaa maakig ka?
Nora: Hindi ko mangakig nga ginatudluan niyo siya magtinamaran. Lantawa bala
basi kon isa o duwa ka bulan mag- untat na siya sa obra ya kay natak- an siya.
Papa: Amo na gani ang paminsaron ya kay nahimo namon ni mama ya ang
tanan makakita lang siya sang obra.

You might also like