I. PAMAGAT-WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

PAMAGAT

Putol

ni Michael Coroza

II. BUOD

Ang tulang ito ay pumapatungkol sa isang basurero na nakapulot ng sapatos na walang kapares. Ito
ay nagpapahiwatid sa pagiging praktikal at pagkamakasarili ng mga tao dahil sa kahirapan na kung saan
mas mahalaga pa sa kanila ang mga pansatiling interes kaysa sa pagmamamlasakit sa kapwa.

III. PAGSUSURI

A. Uri ng Panitikan

Ang tulang "Putol" ay isang uri ng tula na mayroong malayang taludturan sapagkat ito ay walang
sinusunod na sukat at tugma.

B. Paksang Diwa

Ang karahasan at kahirapang nagaganap sa ating lipunan.

C. Tagpuan

Basurahan- dito napulot ng basurero ang sapatos.

D. Palalarawang Tauhan

Protagonista:

Basurero- Masipag at mqy paninidigan sa kanyang trabaho.

E. Pananaw/Punto De Bista

Ang punto de bista ng tulang ito qy ang mamulat tayo sa katotohanan na ang ating lipunan ay hindi
pantay, may mga mayayaman at mahihirap na mamamayan sa ating bansa. Ang tulang ito ay
nahappahiwatid sa estado ng buhay ng tao.

IV. SARILING REAKSYON

A. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Realismo- dahil puinapahalagahan nito ang kahulugqn ng isang bagay na hindi lamang sapat
sa mga kahulugan ngunit mayroon ding mas malaking kahulugan, at ito ay patungkol sa katotohanan o
realidad na nangyayari sa ating lipunan.

B. Mga Pansin at Puna


B.1- Tauhan

Basurero- Matiyaga at seryoso sa kanyang trabaho.

V. BISANG PMPANITIKAN

A. Bisa sa Isip

Lahat tayo ay may knya-kanyang tuntunin sa mundo. Ang mga tintuning ito ang siyang daan para
mas maging matatag tayo at mas malawak ang ating isip sa ating paglalakbay sa buhay. Ito din ang
magiging daan na maging mature tayo sa pagbuo ng desisiyon para sa ikabubuti ng qtong sarili.

B. Bisa sa Kaasalan

Ang pagiging masipag, matiyaga at may pagmamahal sa gawain ay daan ng magandang buhay.

C. Bisa sa Damdamin

Nakakalungkot mang isipin na may isang taong namumulot ng basura ngunit nagbibigay din ito ng
kasiyahan dahil alam nating may mga taong mataas ang pasensya, mabubuti at marangal na
nagtatrabaho para sa ikabubuti ng buhay niya at ng kapaligiran nating lahat.

VI. IMPLIKASYON SA PANLIPUNAN

Itong tulang ito ay patunay na sa panahon ngayon ay mas lalong nagiging kritikal, kadalasan sa mga
tao ngayon ay sarili lamang ang kanilang iniisip, mga sariling interes lamang ang mas mahalaga sa kanila
kaysa sa pagmamalasakit sa kapwa.

VII. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN

Sa huli, kinakailangan parin natin ang respeto ng bawat isa. Mahirap man o mayaman dapat ay
pantay-pantay ang ating paningin dahil hindi basehan ang estado ng buhay upang tayoy maging mabuti
at marespeto sa ating kapwa. Huwag nating basta husgahan ang isang tao batay sa kanyang trabaho
dapatwat masaya tayo dahil marangal ang kanilang trabaho ang ginagawa nila ito ng buong puso.

You might also like