Dahil Lahat NG Kasarian Karapat-Dapat Na May Posisyon Sa Lipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAHIL LAHAT NG KASARIAN; KARAPAT-DAPAT NA MAY POSISYON SA

LIPUNAN
Magandang araw sainyo aking guro at mga kaklase, ako si Shenalyn Sanmocte at
naririto sa inyong harapan upang ibahagi ang aking kaalaman o saloobin patungkol sa
mga kababaihan. Ngayong Women’s month ay nais kong ipagbigay alam sa inyo ang
kahalagahan ng mga kababaihan ngayon. Nais kong malaman nyo kung bakit kailangan
natin ng pantay nap ag tingin sa bawat isa. Gusto ko ring mabago ang tingin ng bawat isa
sa mga kababaihan, dahil alam kong kaunti pa lamang ang ating kaalaman patungkol sa
mga kakayahan at kayang gawin ng mga babae. Sa buwang ito, maipapamalas natin at
mapapakita kung anong klase na ba ng mga babae ngayon.
Sa aking paghihinuha, ang mga kababaihan sa makabagong panahon ay ibang iba sa
kababaihan noon. Dahil ang kababaihan ngayon ay marami nang kayang gawin tulad na
lamang ng mga trabahong panlalaki ay kaya narin nilang gawin. Makikita natin na ang
mga kababaihan ngayon ay hindi na takot bumoses para sa kanilang mga karapatan. Sa
kasamaang palad nga lamang hindi ito makita ng mga karamihan dahil sa stereotypes sa
mga kababaihan. Sa makatuwid ang mga karahasan at diskriminasyon laban sa mga
kababaihan ay umiiral parin. At ito ay nag papahiwatig na ang mga kababaihan ay
nahihirapan pa din sa pagkamit ng kanilang mga Karapatan. Sa makabagong panahon
ngayon, may mga batas nang ipinatupad para sa mga kababaihan na nabuo ng dahil ang
mga kababaihan ay hindi kontrolado ng mga lalaki.
Sa kabila ng ilang taong pamumuhay sa dilim, ang mga kababaihan ay hindi na
mabubuhay ng pumapailalim sa sinuman. Pahanon na para ipamalas natin ang
pagkapantay pantay ng bawat isa na kung saan ang mga kababaihan ay mabibigyan ng
tamang gawain na kung saan sila ay may kakayahang manguna maging ito man
trabahong panlalaki. Ang masasabi ko lang para sa pangkalahatan ay lahat ng uri ng
kasarian ay karapat-dapat na mabigyan ng kanilang karapatan o kapangyarihan, dahil
lahat ng kasarian ay hindi karapat-dapat na maging isang kontrolado, mabalewala at
higit sa lahat ay madiskrimina. Sa kabilang banda, tayong lahat ay produkto ng
edukasyon, samakatuwid dapat lahat tayo ay maging edukada pag dating sa
katotohanan na ang lalaki ay lalaki, babae ay babae, at walang sinuman ang dapat
isaalang-alang sa mababang posisyon at mabalewala. Lahat tayo ay karapat-dapat na
makatamasa ng pantay na pag tingin sa bawat isa dahil sa totoo lang ang mga lalali,
babae, o kahit ang mga nabibilang sa LGBT community ay may kakayanang maging isang
lider at nagpapanibago. Kaya mga kaklase panahon na para imulat ang ating mga mata
at gumising sa reyalidad na bawat isa ay may responsabilidad para ipamalas ang
pagkapantay pantay, kabilang din ang lipunan sa pagpapamalas ng “gender equality”.

You might also like