Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 1 - Sa Kubyerta:

Buod

Ang buod ng kabanata na ito ay naglalakbay sila papuntang Laguna. Nagrereklamo sila dahil sa
mga dinaanan nila na lubak-lubak lamang. Pinag-desisyonan ng mga tauhan na solutionan ito
tulad nila Ibarra, Tonya Victorina at iba pa. Nagbangit sila lahat ng mga posibleng mangyayari
kapag ito ang ginawa nila. Sa huli ay tinuloy nila ang idea ni Don Custodio.

Teorya

Ang teoryang nakita ko naman dito sa kabanata na ito ay Teoryang Realismo. Ito ang nakita ko
dahil nagpapakita talaga ito sa totoo na buhay. Nagkakaroon ng hindi pagkakasundo at may
mga bagay rin na nakakapag sundoan ng mga tao. Dito rin natin makikita na walang perpektong
komunidad. May mga problema silang haharapin at kailangan nila magtulungan para maayon
lyon.

Kabanata 2 - Ilalim ng Kubyerta:

Buod

Ang buod ng kabanatang ito ay, ipapakita sa simula na tinitiis ng mga Indio at ng mga Tsino sa
pagbaba nila sa kubyerta. Makikita rito na hindi pantay pantay ang pagka sosyal ng ating
lipunan. Sa ilalim ng kubyerta, may makikita silang kumikinang na ilaw at pumunta sila pumunta
roon. Si Simoun naman ay nakipag usap lamang muna kay Basilio. Pinag usapan ang
natagpuan na alahas.

Teorya

Ang teoryang nakita ko sa kabanata na ito ay ang teoryang Humanismo. Dahil ang pokus sa
kabanata na ito ay sa mga kaugalian ng mga tauhan. Ipinakikita dito ang pagka-bias ng mga tao
sa lipunan na iyo. Makikita rin dito ang pagka-pantay pantay ng lipunan. Ito rin ay makikita pa
rin sa panahon natin ngayon.

Kabanata 3 - Ang Alamat:

Buod

Ang buod naman ng kabanata na ito ay nag usap-usap lamang ang mga Padre ang
napakwento sila tungkol sa alam ng Pasig. Una, nagkwento si Padre Florentino tungkol sa
isang babae na nagpapangan na Donya Geronima. Marami ang lumabas na mga opinyon
tungkol dito. Nagkwento rin si Padre Salvi. Tungkol ito sa mga buwaya at mga Tsino. Dito na
pumasok ang Bapor, kung saan matatagpuan ang magandang tanawin
Teorya

Ang teorya na nakita ko dito ay teoryang Humanismo pa rin lamang. Ito ang nais ko dahil
tungkol ito sa mga opinyon ng mga tao tungkol sa nasabing alamat na iyon. Dahil din
nagpapakita ang mga aral na alam nila tungkol sa alamat na iyon. Dahil din ang alamat na iyon
ay gumanap rin sa historya ng Pilipinas na ginawa ng ating mga ninuno.

Kabanata 4 - Kabesang Tales

Buod

Ang buod ng kabanata na ito ay tungkol sa anak ni Tandang Selo na si Kabesang Tales.
May nakita siyang laupain na parang walang may ari. Noong inangkin niya ay hindi lamang siya
siningil ng mga Prayle ng kahit mga dalawa hanggang trenta pesos. Plano niya salang magapila
pero pinigilan siya ng ama niya. Natupad sawakas ang kanyang pangarap na magkaroon ng
isang lupain. Ginawa niya itong Cabeza de barangay maski alam niyang magastos ito
Pinagsamantalahan din ang kanyang kanyang kayamanan. Dinenta siya sa halaga
na mahigit limang daang pesos.

Teorya

Ang teorya naman na nakita ko dito sa kabanata na ito ay ang teoryang realismo. Ito ang nakita
ko dahil dati pa man ay pagsasamantala ng ng mga tao ang mga tao at sa pang aabuso din sa
kabaitan ng mga tao. Ito ang hindi magandang bagay na nakikita natin sa lipunan at Ito ay
nangyayari dati pa lamang.

Kabanata 5 - Ang Noche Buena ng isang Kutsero

Buod

Ang buod ng kabanata na ito ay may pupuntahan si Basilio pero siya ay hinarang ng guwardiya
ang sasakyan niya. Kinakabahan ang kustero dahil sa mga guwardiya na humaharang sakanila.
Makatapos ang ilang minuto, hinarang muli sila dahil wala raw ilaw ang kanilang sasakyan.
Sinabihan sila na bawal iyo sa lugar na dinadaanan nila. Gumawa ng paraan ang kustero para
padaanin sila. Nakauwi naman si Basilio at sa pagkadating niya, nabalitaan niya ang balita
tungkol kay Kabesang Tales galing kay Kapitan tiago.

Teorya

Ang teoryang nakita ko sa kabanata na ito ay ang teoryang Realismo. Ito ang nakita ko dahil
ang mga tao ay takot na mapursahan kapag alam nila ang ginagawa nila ay masama. O kaya
kapag ang tao ay hindi ganoon ka taas ang posisyon ng kanilang trabaho

You might also like