Abogado

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“Ma, nasaan si Papa?

” Tanong ko kay Mama, dahil simula nung ipinanganak ako ay hindi ko pa siya
nakikita.

“Wag mo nang tanungin, iniwan niya na nga tayo eh huwag ka ng umasa na babalik sya” sambit ng aking
Ina na nakakunat ang noo at tilang naiinis sa aking tinanong.

Ako si Michelle, labing-anim na taong gulang, Nagiisa lamang akong anak ni Mama. Minsan hinahanap
ko pa rin ang pagaalaga ng isang ama dahil simula nung ako ay pinanganak ay hindi ko pa siya nakikita at
sa tuwing tinatanong ko ito sa aking ina ay tila wala siyang naririnig.

Sa totoo lang, nung ako ay limang taong gulang naiinggit ako sa aking mga kaklase sa tuwing hinahatid at
sinusundo sila ng kanilang mga ama, gusto ko ito maranasan ngunit tila ba’y habang buhay ko na siyang
di makikita. Bilang isang bata di ko maalis sa aking isipan ang dahilan bakit kaya di sila nagsasama ng
aking ina.

Ngayon na ako ay malapit na sa huwastong gulang, pinaplano ko na hanapin ang aking tatay at tanungin
sa kanya kung bakit nya kami iniwan. Ngunit hindi ko pa ito magagawa sapagkat wala pa akong sapat na
kakayahan upang gawin ang aking pinaplano. Kaya napagpasyahan ko na mag-pokus na muna sa aking
pagaaral at gusto kong ipamukha sa kanya na makakapagtapos ako ng pagaaral na wala siya.

Isa akong estudyante sa Grade 11 o “Senior High School” at napapabilang sa strand na HUMMS, oo pinili
ko itong strand na ito sapagkat ang aking pangarap ay maging isang “ Lawyer “ dahil naniniwaa ako na
may taong handa kang ipaglaban sa tuwing ikaw ay inaapi

Isang araw, nagkaroon ng isang “Open Forum” sa isa sa aking mga subject at nakafocus ang open forum
na ito sa kanya-kanyang karanasan ng mga anak sa kanilang mga Ama. Sa mga oras na iyon ako ay
kinakabahan na sapagkat hindi ko alam ang aking sasabihin sa harap dahil wala naman akong Ama. Isa-
isa nang nagsisimula ang ang aking mga kaklase sa pag kukuwento ng kanilang mga karanasan, ako ay
naiinggit sa tuwing kinukwento nila ang mga masasayang sandal nila kasama ang kanilang mga Ama.
Hindi nagtagal ako na ang susunod na magsasalita at sa sandalling iyon ay pinipigilan ko ang aking mga
kamay sa panginginig dahil ako ay kinakabahan.

“Uhhmm, magandang araw sa inyo” sambit ko habang nanginginig ang aking boses

“ Gusto ko lang na malaman niyo na maswerte ako sa aking Ama “

pagsisinungaling ko dahil ayokong malaman nila na wala akong Ama, nahihiya kasi ako sapagkat ako
lamang sa buong klase ang walang tumatayong Ama. Ngunit sinabi ko na lamang ang mga magagandang
ginawa ng aking Ina upang itaguyod kaming magkakapatid.

” Si papa ay mabuting ama sa aming mga magkakapatid at kami ay lagi niyang inaalagaan sa tuwing kami
ay nagkakasakit at dinadamayan sa tuwing kami ay may mga problema”

Habang pinipigilan ko ang pagpatak ng aking mga luha sapagkat sinabi ko na mayroon akong Ama kahit
wala naman talaga.

Masaya ako kahit papaano sapgkat kahit lamang sa pagkakataon na yon ay nagkaroon ako ng Ama, pero
hindi pa rin nawawala sa aking isip na hanapin siya. Marami akong gustong tanungin sa kanya, mga
bagay na hindi ko magawa sapagkat wala sya sa aking piling.
Di naglaon, nakatapos ako sa “ Senior High School” at ipinagpatuloy ko ang aking pinaplano na kunin ang
kursong abogasya. Nakakuha ako ng iskolarsyip sapagkat nakatapos ako ng cum laude sa Shs, masaya
ako sapagkat ang iskwelahan na ito ay isa sa mga may pinakamataas na level ng edukasyon. Dito
nakapagtapos ang mga politikong nagkaroo ng magandang plataporma gay ana lamanag ni Senator Kiko
Pangilinan at Dating Bise- Presidente na si Leni Robredo. Ito ay ang UP o mas kilala bilang University Of
the Philippines.

Sa unang araw ng klase ay masaya ako at kinakabahan sapagkat nararamdaman ko na magiging terror
ang mga Professor dito, Tama nga ako, dahil pagpasok pa lamang na una naming Prof. biglang
tumahimik ang buong klase na tila ba’y may dumating na multo. Sa mga oras na yon ay tumatagaktak na
ang aking mga pawis kahit na nakapaloob kami sa kwartong may aircon. Naiisip ko na lamang na
gagawin ko ito para sa aking pangarap at misyon na makita ang aking Ama.

Makalipas ang ilang araw ay nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan at nakasama ko sila tuwing
natatapos ang klase sa isang buong araw. May mga pagkakataon na ibininabahagi naming ang aming
mga karanasan, pati ang aming mga sikreto.

“ Michelle, bat di mo nakukwento sa amin ang iyong tatay” saad ng aking babaeng kaibigan.

“ uhm, ganito kasi yon, pinanganak akong walang kapiling na Ama, Si Mama lang ang tumaguyod at
nagpapaaral sa amin.”

“ Ayy Sorry, Ganyan pala ang piangdadaraanan mo”

“ Hindi, ok lang, Maganda nga ito eh nalalaman natin mga problema natin sa buhay” saad ko sa aking
kaibigan na mukha namang satisfied sa aking sinagot.

Naullit ang mga ganitong tagpo at masaya naman ako na nailalabas ko ang mga hinanakit ko sa aking
buhay.

Kinabukasan, sabay sabay kaming pumasok ng aking mga kaibigan.

“ Balita ko may bago tayong Prof. sa Applied Economics” saad ng aking kaibigan na tila bang sigurado sa
narinig niyang balita

“ Wews, talaga ba, oh sige nga tignan natin kung totoo ang mga sinasabi mo” sabi ko na parang di ko
siya pinapaniwalaan.

Makalipas ang ilang minute dumating na rin ang aming prof. at tama nga ang aking kaibigan bago na nga
ang aming prof. sa applied economics.

“ Ok, Goodmorning Class, ako nga pala si attorney Gabriel, isa rin akong Alumni sa paaralang ito, kaya I
will be expecting the greater in you” saad ng aming prof. na may kasamang dignidad

“ wag kayo matakot sa akin class, gusto kong maging payapa at maging interactive ang klaseng ito as
much as possible” sambit nya at makikita mo sa kanyang mga mukha na siya ay masayang magturo.

“ ok class, may gusto akong tanungin sa inyo, Ano ang greatest regret ninyo sa inyong buhay?” saad nito
na tila bang gusto nya malaman ang aming mga buhay.
Karamihan sa iba ay ang sagot ay ang piliin ang kursong Law, ang iba naman ay pilosopo ang
pagkakasagot

“ UHHm, bigyan sya ng chance kahit niloko na niya ako” sambit ng aking kaklase na akala mo ay
nagbibiro ang amng prof.

Dahil sa mga sagot na ito wala nang nagawa ang aming prof. at tumawa na lamang. Habang ako ay
nanahimik sa isang sulok ng classroom ay di ko namalayan na napansin ako ng prof. at ako ay kaniyang
tinawag.

“ What’s your name Mrs.?”

“ My name is Michelle po!”

“Mrs. Michelle,What is your greatest regret in your life?”

“ Siguro ang malaking pagsisisi ko po ay hindi ko na po nakakamusta ang aking ina dahil lagi ko na lang
po iniisip ang aking pagaaral at ang misyon ko po na makita ang aking Ama” saad ko na tila bang
nagkukwento kay Charo Santos ng aking buhay.

Bigla na lamang nanahimik ang buong klase dahil ako lang ang mayroong seryosong sagot dahilan para
magbigay ng follow-up question si Prof. Gabriel

“ Miss Michelle Good Answer, Bakit nga ba? Nasaan ang iyong Ama?

“ Yan din po ang tinatanong ko sa aking sarili simula po nung bata ako”

Dahil dito nagustuhan ako ng aking Professor at sinabi nya na may Maganda akong kinabukasan bilang
abogado, natuwa ako sa kanyang mga sinabi, nagbigay ito sa akin ng motibasyon upang ipagpatuloy ang
aking pangarap na maging abogada.

Sa tuwing nakakarinig ako ng mga salita na nagbibigay sa akin ng motibasyon, iniisip ko na bakit kaya
hindi ko pa simulan ang paghahanap sa aking ama, Ito na nga ata ang pagkakataon upang simulant ito,
matagal tagal na rin simula nung pinlano ko ito. Paguwi ko sinubukan kong tanungin ang aking ina
tungkol dito

“ Ma, nasa tamang edad na ako para sabihin mo sa akin ang tungkol sa aking Ama” sabi ko sa aking Ina

“ Tama ka nga anak, masyado na akong maraming tinago sayo, panahon na siguro para malaman mo ang
lahat na gumugulo sa iyong isipan simula nung bata ka”

Sa mga oras na yon ay nagagalak akong malaman ang lahat dahil matapos ang maraming taon ay
maibibigay na ang mga sagot sa aking mga katanungan at ang bumabagabag sa aking isipan.

“ Ang totoo nyan anak nagkilala kami ng papa mo nung kami ay kolehiyo, binalak ko rin mag abogada ito
rin kasi ang pangarap ko pero dahil sa mapusok naming pagmamahalan ng iyong Ama ay nagbunga ito,
ngunit dahil isa akong mahirap tinutulan ito ng mga magulang ng iyong ama siya kasi ay anak ng isang
mayaman na nagmamayari ng ilang mga malalaking kumpanya sa bansa” saad ng aking Ina nab akas sa
kanyang mga mata ang pagalala sa kaniyang nakaraan.
After all this years ay natutuwa akong malaman ang gantong bagay sapagkat matagal ko nang iniisip
kung anong klaseng tao si papa. Isang malaking achievement ito para sa akin dahil ito ang first step
upang makilala ko pa ang katauhan ng aking tatay.

Kinaumagahan ay nagsimula na ako sa paghahanda ng aking gamit sapagkat ito na naman ay panibagong
araw para sa akin. Excited na akong ma meet ulit si Prof. Gabriel dahil sya ang paborito kong Prof.
sapagkat sya lamang ang guro naming iniintindi ang aming mga hinaing, problema, kalungkutan, at kung
minsan pa nga ay nagbibigay sya ng kasiyahan sa amin.

DI ko maintindihan kung bakit sobrang bait sa amin ni Atty. Gabriel lalong lalo na sa akin, Feel ko may
crush si Prof. sa akin eh, CHAROT, kidding aside ang alam kong dahilan kung bakit sya mabait saken ay
dahil ako ang may mataas na grado sa kanyang subject, di naman sa pagmamayabang pero naka Uno
lang naman ako sa subject nya. Dahil sa pagkakaroon ko g mataas na grade sa kanya ay inanyayahan niya
ang mga magulang na dumalo sa isang recognition upang sabitan ng medalya.

Masaya ko itong pinaalam sa aking Ina at pati sya ay natuwa sa balitang ito

“ Ma , wortht lahat ng paghihirap mo para tustusan ang pagpaparal sakem”

“ Thank You anak, masaya ako nagkaroon ka ng panibagong Achievement”

“ Ma, inaanyayahan ka pa lang dumalo sa isang programa para sabitan ako ng medalya”

“ Sige anak pupunta ako, mahal na mahal kita”

Masaya akong natulog at ako ay Excited bukas dahil makakasama ko si Mama sa isang magandang
moment ng aking buhay.

Kinabukasan, Maaga kami pumunta sa venue kung saan gaganapin ang programa

Nang biglang natulala si Mama at biglang nagtungo sa isang Cr at kumakaripas ng takbo, nagtaka ako at
hinabol ko sya, hindi ko maintindihan ang nangyari.

“Ma, teka lang ano ba ang nangyayari”

“ Anak, ang papa mo, Nakita ko sya”

“ HUH? Anong ibig mong sabihin ma?”

“ yung lalaking nakatayo sa stage anak”

“ Anooo????, Si Prof. Gabriel ba”

“Oo, Si Gabriel ang Ama mo”

Naguguluhan na ang aking utak sa aking nalaman, kaya naman pala ang bait bait nya sakin sapagkat
nakikita nya sa aking mga mukha ang itsura ni Mama. Lumabas kami ng cr at napatigin sa stage habang
nagsasalita si Prof. na Ama ko pala ay bigla syang napatigil sa pagsasalita, nasilayan nya ang aking ina,
walang atubili syang bumaba sa stage at tumakbo papunta kay mama.

Ayaw siyang makita ni mama sapagkat masama ang loob niya dito dahil hindi nya ipinaglaban ang
kanilang pagmamahalan. Dahilan upang lumayo si mama sa kanya, ngunit sa kanyang pagmamadali
isang pangyayari ang gumimbal sa akin. Nasagasaan si Mama, nabigla ako at biglang tumigil ang oras
napaluhod ako sa kalsada habang pinagmamasdan ang katawan ni Mama na duguan at wala ng Malay.
Agada gad naman tumawag si papa ng ambulansya habang yakap yakap ko ang katawan ni mama.
Makalipas ang ilang minute ay sinugod sya sa ospital sas kasamaang palad ay kailangan operahan si
mama dahil nadamaged ang kanyang Left kidney. DI ko alam kung ano ang aking gagawin, may hinanakit
pa ako sa aking ama dahil matagal nya kaming iniwa at di nagparamdam. Makalipas ang ilang oras ay
biglang lumapit sa akin si papa at nalaman nya na kailangan ng magdodonate ng kidney kay mama. Di na
ako tumanggi sa kanyang offer dahil para naman ito kay mama, nagsimula na ang operasyon at matapos
lang ng ilang oras ay naging successful naman ang operasyon

You might also like