Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Shawn Michael C.

Cabataña Seksyon:XII-Confucius
Guro: G. Apolonio T. Bustillo Jr. Petsa: Abril 05,2023
BOUD Iskor:
ANAK

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan
ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng
kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa
Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang
na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael
(Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang
atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita
niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo,
paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang
kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang
mga anak, iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana
niya.
Pangalan: Shawn Michael C. Cabataña Seksyon:XII-Confucius
Guro: G. Apolonio T. Bustillo Jr. Petsa: Abril 05,2023
BOUD Iskor:
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak
niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni
Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob
si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang
gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

You might also like