Filipino 8 Quarter 3 Week 1 Las#1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR


Paksa: Popular na Babasahin Quarter 3 Wk.1, LAS 1
Mga Layunin: a. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng
pangungusap (F8PB-IIIa-c-29).
b. Nauunawaan ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng
pangungusap.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8,Modyul para sa Mag-aaral, MELCS

Nilalaman

Popular na Babasahin

Maraming babasahin ang nagkalat sa internet gamit ang iba’t ibang application tulad ng Instagram,
Facebook, Twitter at Youtube. Hitik sa iba’t ibang balita, kuwento, larawang-kuwento, mga kasalukuyang
nararamdaman ng mga tao, pambabatikos o pagpuna at maging ang usong-usong memes. Sumasabog sa
napakaraming ideya at makabagong pananaw ang kasalukuyang mga babasahin. Sumasabay rin ang paglitaw
ng mga bagong salita at bagong porma ng pagpapakahulugan dito.
Ang mga isinulat para sa masa at inilathala o ipinakalat para sa maraming mambabasa ay kinikilala
bilang popular na babasahin o tinatawag na panitikang popular. Ito rin ang kasalukuyang mga umiiral na
babasahin na naglipana kahit saan. Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito ay magbigay-aliw (entertain) at
sumasalamin sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay. Ang pagiging malikhain ng ganitong uri ng panitikan
ay kakaiba sa mga tradisyunal at sinaunang panitikan.

Narito ang iba’t ibang uri ng mga babasahing popular:

1. tabloid- pahayagang naglalaman ng mga balitang nakasulat sa Tagalog o lokal na wika,


2. komiks- mga larawang-kuwentong sumasalamin sa mga kasalukuyang isyung panlipunan,
3. magasin- babasahing nakapaloob ang mga nauuso o patok,
4. kontemporaryong dagli- maikling-maikling kuwentong mabilis ang mga pangyayari, at iba pa.

Panuto: Bigyang-pansin ang katangian ng talata o teksto kung paano ito naisulat, kung ano ang intensyon ng
sumulat, at kung anong uri ito ng babasahin.

Dalawang Patong na Hollow Blocks


Ni Gerwin L. Cortez

Kaparehong araw rin kagaya nito. Medyo umuulan-ulan lang noon. May badya ang langit na masungit.
Naghalo na sila ng semento. Inihanda ko ang aking mga kagamitan para magdiwang ng aming Christmas Party
sa bahay ng isa sa mga matalik kong kaibigan. Naipatong na ang unang hollow block. Masaya. Di magkasya
ang kasayahan sa ikatlong palapag. Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano. Mensahe ng pasasalamat.
Kaunting iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN.
Naipatong na ang ikalawang hollow block. Krrrrengggg! Krrrrenggg! "Umuwi ka na. Pupunta kaming
pagamutan." Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para umuwi. Nakita ko ang malungkot na
mukha ni Sta. Rosa sa daan. "O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig na malamig na
tinig. Malamig na malamig ding katawan. Tagaktak ang pawis sa lamig. Natibag ang dalawang patong na hollow
blocks. Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat ng kamag-anak na nagmula sa karatig
at malalayong lugar.
Gawain 1. Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang paksa at layunin ng iyong binasa?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Anong uri ito ng babasahin?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. Bakit may kalungkutan ang tono ng sumulat?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

4. Paano isinulat ng may-akda ang kuwento?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

5. Paano binuo ng manunulat ang mga talata at pangungusap?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Hambing-Tangi

Panuto: Maghanap ng isang kontemporaryong dagli at ihambing ito sa akdang “Dalawang Patong na Hollow
Blocks” gamit ang tsart. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Dalawang Patong na Hollow


Ihambing ayon sa: Kontemporaryong Dagli
Blocks

a. paksa

b. layon

c. tono

d. pananaw

e. paraan ng pagkakasulat

f. pagbuo ng salita

g. pagbuo ng pangungusap

You might also like