Filipino 8 Quarter 3 Week 8 Las#1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR


Paksa: Social Awareness Campaign Quarter 3 Wk.8, LAS 1
Mga Layunin: a. Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan. (F8PT-IIIi-j-33).
b. Nauunawaan ang kawastuhan at kalinawan ng mensahe.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa Mag-aaral, MELCS

Nilalaman

Ang pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan o social awareness campaign ay isang instrumento
sa pagpapalaganap ng bagong impormasyon o adbokasiya ng pamahalaan sa pribadong institusyon, at sa iba‘t
ibang samahan o organisasyon. Isa sa hangarin ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay
magkaroon ng kamulatan ang publiko sa anomang produkto at adbokasiya ng iba’t ibang organisasyon.

Kawastuan at kalinawan ng mensahe

Kailangang maikli, malinaw, angkop ang mga salitang ginamit at malakas ang dating ng mensahe upang
mapakilos ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban. Kailangang maging malikhain din sa pagpapahayag ng
mensahe upang makatawag-pansin ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) sa publiko.
Halimbawa:
1. Tsunami “Pagbaba ng tubig”
“Kung makapansin ng kakaiba sa dagat tulad ng biglang pagbaba ng tubig, kaagad lumikas patungo sa
mataas na lugar.”
2. Bagyo “Malakas na hangin”
“Ayusin ang mga sirang bahagi ng inyong tahanan tulad ng bubong upang hindi ito liparin ng malakas
na hangin.”
3. Tagtuyot /El Niño “Patak”
“Magtipid ng Tubig … Bawat Patak ay Mahalaga”
4. Pagbaha “Basura sa ilog”
“Huwag magtapon ng basura sa ilog, dahil ang basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo.”

Gawain: Palaisipan

Panuto: Gawan ng maikling paliwanag at gamitin sa pangungusap ang mga salitang angkop na gamitin sa
pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) tungkol sa pagpapalaganap ng maling
impormasyon o fake news.

Angkop na Salita Maikling Paliwanag Pangungusap


1. Pangamba

2. Magsaliksik

3. Tiwali

4. Panganib

5. Kalituhan

You might also like