Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

𝑭𝑳𝑨𝑺𝑯 𝑹𝑬𝑷𝑶𝑹𝑻|| Patay ang isang miyembro ng Komunistang Teroristang NPA sa nangyaring

sagupaan sa pagitan ng hanay ng 50th Infantry Battalion at ng Komiteng Larangang Guerilla


Baggas sa bahagi ng Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga hapon ng ika-9 ng
Marso taong kasalukuyan.

Ilan din mga matataas na kalibre ng baril ang narekober ng kasundaluhan sa nangyaring
engkwentro.

Abangan ang iba pang detalye.


(UPDATED) 13 katao, patay sa pagkahulog at paglubog ng sasakyan sa irrigation canal sa
Tabuk City
18 April 2021; Sunday
By: PTV Cordillera

DEAD on arrival sa pagamutan ang 13 katao matapos mahulog at lumubog ang kanilang
sinasakyan sa irrigation canal sa Bulo, Tabuk City, Kalinga, hapon ngayong araw.

Batay sa report ng Tabuk City Police Station, patungo umano ang Ford Everest na may plakang
AAK-9184 sa Bulo Lake nang mahulog ito sa irrigation canal at lumubog sa tubig.

12 sa mga biktima, kabilang ang pitong bata, ang isinugod sa Mija Kim Medical Center sa Brgy.
Agbannawag pero pawang idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Tatlo rin ang isinugod sa Kalinga Provincial Hospital sa Brgy. Bulanao pero idineklarang dead
on arrival ang driver na kinilalang si Soy Lope Agtulao, 36-anyos, kasapi ng BJMP, at residente
ng Cagubatan, Tadian, Mountain Province.

Dalawa naman ang nakaligtas na kinilalang sina Edith Perez, 51-anyos, empleado ng Tabuk
LGU at Cyrel Agtulao, 10-anyos na kapwa nagpapagaling ngayon sa pagamutan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang tunay na sanhi ng aksidente. || GED via sjbc

Narito ang pangalan ng mga nasawi:


Casualties from Tadian, Mt. Province:
1.Soy Lope Agtulao (driver)
2.Cydwin Lope Agtulao, 6-anyos
3.Cyan Lope Agtulao, 6-anyos
4.Sony Lope, 22-anyos

Casualties from Purok 1, Bulanao, Tabuk City:


1.Jessabel Paycao, 27-anyos
2.Scarlet Paycao, 3-anyos
3.Judilyn Talawec Dumayom, 31-anyos
4.Alfredo Cutit Lope, 59-anyos
5.Remedios Longey Basilio, 56-anyos
6.Seadarn Talawec Dumayom, 5-anyos
7.Jeslyn Talawec Paycao, 4-anyos
8.Marlo Perenia, 6-anyos
9.Ezverdcrick Paycao, 4-anyos
(UPDATE) P24-M, NAITALANG INISYAL NA DANYUS SA PAGKASUNOG NG BLOCK 3, 4
NG BAGUIO CITY PUBLIC MARKET; SUNOG, NAGMULA UMANO SA WAGWAGAN
SECTION

Kinumpirma ni City Fire Marshal Supt. Marisol Odiver na nagsimula ang sunog sa Block 4
extension area sa wagwagan section malapit sa chicken livestock.

Gayunman, hindi pa tukoy ang pangunahing dahilan ng sunog.

Aabot naman sa P24 million ang inisyal na halaga ng mga nasira at nasunog.

Nagsimula ang sunog bandang 11PM kagabi na tumupok sa kabuoan ng Block 4, Block 3, at
caldero section.

Naideklara naming fire out noong 4:38 AM. //via Baguio City PIO

Video by: Ferdinand Feria, PTV News


Pinangunahan ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para
sa mga solo parents sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
sa Abra Sports Complex, Bangued, Abra noong Miyerkules, ika-8 ng Marso 2023.

Kasama si DSWD CAR Regional Director Leo Quintilla, USEC Denise Florence Bernos-Bragas,
at sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Abra sa pamumuno ni Governor Dominic
Valera, naabutan ng tulong ang 2,850 na mga solo parents mula sa iba't-ibang bayan ng
probinsya.

Samantala, may limang sambahayan na apektado ng sunog na nahatiran ng tig 10,000 pesos
at nabigyan ng food and non-food items mula sa bayan ng Licuan-Baay.

Ang aktibidad ay parte ng kauna-unahang pagbisita ni Secretary Gatchalian sa rehiyong


Cordillera simula nang hiranging kalihim ng Departamento.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

You might also like