Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CAMPFIRE CEREMONY

SM: Ako ang bayang Pilipino, hangad ko ang marating ang


isang mapayapa, maunlad, matatg, at masayang bukas. Subalit,
natatakot ako. Napakadilim ng kasalukuyang kinalagyan.
Scouter 1. Madilim, hindi ko nakikita ang aking kapaligiran
bawat sandal ng aking buhay ay kadiliman ang aking
nararanasan, hindi ko Makita ang aking dinadaanan.
LIwanag, liwanag, nasaan ka?!
Scouter 2. Apoy, apoy, kailangan ka naming, pulos sariwa ang
pagkain na kinakain naming. Kailangan naming ang init ng apoy
ujpang mapawi ang lamig.
Apoy, apoy, magpakita ka!
Scouter 3. Kami ay natatakot nab aka ang lahat ay magkasakit.
Ang paligid ay malamig. Kailangan naming ng init at apoy
upang mapawi ang lamig na nararamdaman.
Apoy! Liwanag! Apoy nasaan ka?!
Scouter 4. Ang aming pamumuhay ay hirap na hirap, kailangan
namin ng trabaho upang kami ay mabuhay. Ngunit hindi namin
nakikita ang aming ginagawa. Ang paligid ay madilim na
madilim. Kailangan namin ang liwanag. Liwanag, liwanag,
nasaan ka?
SM. Napakaraming tinig na aking naulinigan. (Pabulong) Dito
ka dumaan. Ssssst ditto ka dumaan. Hoy hindi diyan, ditto,
(pasigaw) saaaaan?! Tulungan niyo ako, hindi ko kailangan ang
mga tinig sa kadiliman. Ang kailangan ko ay tanglaw at isang
mapagpalang kamay na siyang aking magiging gabay tungo sa
isang magandang kinabukasan.
Leader: Ako ang inyong sandigan. Tulungan ko kayo sa
inyong mga suliranin. Lumapit kayo. Sabay sabay nating
sindihan ang apoy upang lumikha ng liwanag tungo sa isang
magandang buhay na pinapangarap.

Pagkasindi ng apoy sabay awitin ang:


1. Campfires burning
2. Sitsiritsit
3. Leron Leron Sinta
SM. Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating
pumailanlang ang ating diwa sa maharlikang adhikain ng ating
kilusan. Sabay sa paglaki ng siga hayaan nating mag-alab ang
ating puso at damdamin sa pagmamahal sa ating bayan.
Punuuin natin ng mga awitan, sayawan, halakhakan, mga
palakpakan at sigaw, ang katahimikan ng gabi at itaboy ang
kapanglawan ng kadiliman.
Sa pamamgitan ng kapangyarihang inyong iginawad sa akin
bilang campfire chief, pasimulan natin ang kasiyahan sa paligid
ng siga. (Palakpakan)
CLOSING CEREMONY:
Sm: Madilim na ang gabi, ayaw man nating maghiwa-hiwalay,
kailangan na tayo ay lumisan at bumalik sa ating mg a kapmpo
at gampanan ang tungkuling sa ating mga balikat ay nakaatang.
 Nawa’y manatili sa ating alaala ang kasiyahang ating
naranasan sa paligid ng siga sa gabing ito. Saan mang dako
tayo naroon.
 Akin ng idineklara ang pagtatapos ng kasiyahan sa paligid
ng sigang ito.
Scout Benediction: May the great, great scout master of all
scout be with us. Till we meet again.

Prepared by:

ALBERTH Y. LACANILAO
Scout Master-BSP Sta. Monica ES Chapter

You might also like