Filipino 4-Q3-W1-Wed

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 4

FEBRUARY 15, 2023

I. Layunin:
A. Nakasusulat ng simpleng panuntunan ng laro o manwal ng isang elektronikong
kagamitan.
B. Natutukoy ang mga uri ng tekstong prosidyural (Panuntunan sa mga laro at manwal
ng isang elektronikong bagay)
C. Naibabahagi sa klase ang sinulat na tekstong prosidyural.

II. Paksang-aralin:
A. Paksa: Tekstong Prosidyural
B. Sanggunian: Filipino 4, pahina 100-109
C. Kagamitan: TV, Powerpoint presentation, Video lesson
D. Integrasyon: ESP. P.E

III. Pamaraan:
A. Paniulang Gawain:
1. Balik-Aral
Ano dalawang uri ng tekstong prosidyural na ating tinalakay kahapon?

2. Pagganyak
Sayaw: Rabbit dance

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ano ang mga paborito ninyong laruin?
Paano ito nilalaro?
Naranasan nyo na bang gumamit ng isang elektronikong bagay na bagong bili?

2. Pagtatalakay
Ipanuod ang video lesson: https://www.youtube.com/watch?v=PsLhc56fLsI
Uri ng tektong prosidyural:
 Panuntunan sa mga laro: nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na
dapat nilang sundin
 Manwal- Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at
patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may
kuryente tulad ng computer, apppliances, gadgets.

3. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung ang ibibigay na prosidyur ay recipe, panuto sa paggawa ng
isang bagay, manwal o panuntunan ng isang laro.

4. Paglalahat:
Ano ang dalawang uri ng tekstong prosidyural ang ating tinalakay ngayong araw?

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain: magsulat ng isang panuntunan ng napiling laro o manwal
kung paano gamitin ang isang elektronikong kagamitan.

IV. Pagtataya:
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paglalaro ng tumbang preso. Lagyan ng
bilang 1 hanggang 5.

_______ Ihahagis ng mga manlalaro ang kani-kaniyang pamato at kailangang malapit ito
sa bilog. Ang manlalarong may pinakamalayong pamato mula sa bilog ang siyang
magiging taya.

_______Sa oras na mahuli ang isang manlalaro siya na ang bagong taya.

_______Sisimulan ang laro sa pagguhit ng bilog na papaloob sa lata at diretsong linya na


may layong 20 ft na magsisilbing starting point ng mga manlalaro.

_______Kapag natumba ang lata maari nang tumakbo ang mga manlalaro pabalik sa
linya habang kailangan ng taya na patayuin muna ang lata bago hulihin ang ibang
manlalaro. Maari namang tumakbo ang mga manlalaro kahit hindi natutumba ang lata
basta’t hindi lamang nahuhuli ng taya

_______Habang binabantayan ng taya ang lata, susubukan namang patumbahin ng mga


manlalaro ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik sa internet ng prosidyur sa pagsasagawa ng isang eksperimento.

You might also like