ngayon tulad na lamang ng “Rape”. Sa panahon ngayon maraming nababalita at maraming kababaihan ang nagagahasa at hindi nabibigyan ng maayos o sapat na hustisya. Simula pa noon marami ng nangyayaring ganito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.Maraming masamang epekto ang panggagahasa sa pisikal,mental at sosyal na aspeto ng tao.Marami ring mga babae na takot mag salita at isiwalat ang totoong nangyari sa kanila.Ang mga kasong ganito ay dapat mas pagtuunan ng pansin.Maraming kasong ganito sapagkat maraming isinasawalang bahala at hindi pinapansin ng karamihan ang mga ganitong pangyayari at marami ring mga tao na tinatawanan lamang ang isyu na ito na para lamang biro. Kaya ang mga abusadong tao ay gumagawa nito sa mga bata o matanda, mapalalaki o babae. Kung gayunpaman sana ay maayos na ang isyung ito sa ating bansa at sana ay mas tuunan pa ng pansin ito sa ating gobyerno o politiko at hindi isawalang bahala ang mga nangyayari. Upang maiiwasan na ang mga kapahamakan o mga panganib at upang magkaroon tayo ng ligtas na pamayanan.Sana ay mitigil na ang mga pananakit sa kababaihan.