AP8 Q3 Module-8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

88

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismong Kanluranin; Nasyonalismo sa
Europe at sa ibang bahagi ng Daigdig

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin; Nasyonalismo sa Europe at ibang bahagi
ng daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilou M. Oracion and Ysmaela Chat A. Asdillo


Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
8
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at
Imperyalismong Kanluranin;
Nasyonalismo sa Europe at
ibang bahagi ng daigdig

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin; Nasyonalismo sa Europe at ibang bahagi ng daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin; Nasyonalismo sa
Europe at sa ibang bahagi ng daigdig!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

v
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Panimula

Sa modyul na ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral tungkol sa Ikalawang Yugto


ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin at Nasyonalismo sa Europa at sa ibang bahagi
ng daigdig.

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismong Kanluranin. AP8PMD-IIII-10

Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t


ibang bahagi ng daigdig.

Layunin:

1. Nailalahad ang mga dahilan, uri, lawak, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin
2. Nakasusulat ng paglalarawan sa imperyalismo, kolonyalismo at nasyonalismo sa Europa
at ibang bahagi ng mundo.
3. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Subukin
Gawain A
Panuto: Ayusin ang scrambled letters para makabuo ng mga salita o pangalan. Isulat ang
sagot sa inyong kwaderno.

1. YOROTETRI-
2. YANOLOK-
3. OMSILANOYSAN-
4. NOSISECNOC-

5. TERAROPTECOT-

1
Gawain B
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
____6. Ito ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban A. Sphere of Influence
sa paglusob ng ibang bansa.

____7. Ito ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang B. White Man’s Burden


Pangnegosyo.

____8. Ito ay isang lugar o maliit na bahagi ng isang C. Protectorate


bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at
pulitika ng makapangyarihang bansa.

____9. Paniniwalang may karapatang ibigay ng Diyos ang D. Manifest Destiny


United States na magpalawak at angkinin ang
buong kontinente ng Hilagang Amerika

____10. Paniniwala na tungkulin ng mga Europeo at ng E. Concession


kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang
maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga
kolonyang kanilang sinakop.

Balikan
Panuto: Tingnan ang mapa sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong at isulat ang inyong sagot sa kwaderno.:

https://tinyurl.com/yx9svaac

2
Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga bansa ang nanaig sa unang yugto ng pananakop?
2. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo. Patunayan.

Tuklasin
Gawain 1: HULA-RAWAN:
Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba, magkaroon ng hula-rawan. Kilalanin ang mga
sumusunod na watawat at hulaan kung anong bansa ito sumisimbolo, isulat ang sagot sa
inyong kwaderno.

1.

https://tinyurl.com/y3nxnzan

2.

https://tinyurl.com/y3nxnzan

3.

https://tinyurl.com/y3nxnzan

4.

https://tinyurl.com/y3nxnzan

5.

https://tinyurl.com/y3nxnzan

3
Suriin
Ngayon basahin at unawain mo ang nakasulat sa ibaba.

Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong


Kanluranin

https://tinyurl.com/y2h4pxso

Ang Pananakop sa Makabagong Panahon


Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot
ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands,
France, at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit lahat ng mga
imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North
America ang Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang
13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada at ang pinakamagandang kolonya ng
Spain at Portugal.

Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng
ika-20 na siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon
mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay
panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain.

4
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop

https://tinyurl.com/y2ueowl9

Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop
sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa doktrinang manifest destiny
may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong
kontinente ng Hilagang Amerika. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng
mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa
mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop.
Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang
pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan.
May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop,
pinakamalawak ang imperyo ng Britain.
Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnenegosyo.
Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang
kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng
teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng
pananakop. Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayanang naganap sa
mga bansang sinakop. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya.

5
Mga Dahilan sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto

• Nagkaroon ng malaking pangangailagan


para sa pamilihan at mga hilaw na
materyales para sa mga industriyang nabuo
sa Europa at lalong nagpaigting sa
panibagong paglalakbay ng mga Europeo

https://tinyurl.com/y5ynsmot

• Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw


na materyales na makukuha sa Africa, at Asya
gaya ng bulak, goma, seda, vegetable oil, at
mineral

https://tinyurl.com/y4f69qeq

• Ang mga daungan nito ay estratehiko bilang baseng


pandagat ng mga Europeo

https://tinyurl.com/y4aheqch

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa


Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan
na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita
rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay sa sakit.

6
Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe
Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang
pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang
gitnang Africa. Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng
mga kanluraning bansa. Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng
Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo
I. Pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy ang ibang bahagi. Nahahati sa
tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa – una ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat
Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi, at ang
pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog.
Sa simula, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit
naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng mga taniman ng
ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop, at mga pook na magandang panirahan.
Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco. Para sa kanila kahina-
hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon dahil ito’y makapagdadala ng
kayamanan para sa mga Europeo.

Imperyalismong Ingles sa Timog Asya


Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain. Sa halip, lalo pang
lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano,
nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company sa India naging
lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon,
at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang control ng kompanya sa pamahalaan ng
Imperyo ng Great Britain noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na
hiyas” ng imperyo ang India. Sa Treaty of Paris noong 1763 na nagwakas sa pitong taong
digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France
.
Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman
marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang
nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto
Rico, at Pilipinas. Ayon kay Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang
nararapat gawin sa Pilipinas.
Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad
ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang
dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok na basing
pandagat ng United States sa Pacific.

Ang Protectrate at Iba pang uri ng Kolonya

Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central
America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang
hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling
bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makukuha ng malalaking bahagi ng lakas-
pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga
daang-bakal, at samahan ng mga sasakyang dagat.

7
Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang
mananakop ay ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan
ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa
America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito na
ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng
dumaraming tao.

Halos lahat ng bansa sa Africa, Asya, at Timog Amerika ay nasakop ng mga Europeo
sa pagsapit ng ika-20 siglo.
Maraming mga komperensya ang naganap upang maiwasan ang digmaan dahil sa pag-
aagawan ng kolonya tulad ng Komperensya sa Berlin noong 1885, kung saan pinaghati-hatian
ang Africa ng mga bansang Europeo.

Nanguna sa pagtatayo ng mga kolonya ang Great Britain, Germany, France, Portugal,
at Spain.
Nagkaroon ng iba’t ibang paraan o sistema ng pagkontrol at pananakop ang mga
bansang Europeo para lubos na mapakinabangan ang likas yaman ng kolonya.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

Epekto ng kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop

Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing


pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan.

Epekto ng kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop

Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May


pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.

Epekto ng Imperyalismo

Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng


pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga
dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-
paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya
dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang
pamana ng mga kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namayani pa rin hanggang sa
ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga
hangganan.

Nasyonalismo sa Europe at sa Asya


Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagkabansa o pagmamahal sa bansa
na bunsod ng pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
Sa Europe, makikita ang diwa ng Rebolusyong French sa mga rebelyong naganap
na nakatuon sa pagtutol sa tradisyonal na monarkiya, pagkakaroon ng kinatawan sa

8
pamahalaan, at pagkakaroon ng konstitusyon. Ang kaayusang politikal na nilikha ng Congress
of Vienna ang nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng mga rebelyong nabanggit.
Sa Asya, ang imperyalismong Kanluranin ay lumaganap simula noong ika-16 na
siglo. Pagdating ng ika-19 na siglo, naging mas organisado ang mga rebelyon na ang tuon ay
ang pagtuligsa sa mga partikular na patakarang kolonyal o kaya ay pagpapatalsik sa
dayuhang kapangyarihan.
Kapwa nakaugat ang nasyonalismo sa Europe at Asya sa paghahangad na manaig
ang kagustuhan ng mamamayan.

Pagyamanin

GAWAIN A
Panuto: Tukuyin kung BELGIUM, BRITAIN o USA ang sumakop sa mga sumusunod na
lupain. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

_______1. Samoa
_______2. India
_______3. Hawaii
_______4. Congo
_______5. Australia

GAWAIN B
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at titik M kung mali.

_______6. Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay naging daan upang makaranas ng


pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga dayuhan.

_______7. Isa sa epekto ng imperyalismo ay ang preserbasyon ng mga kulturang katutubo.

_______8. Hindi nabago ang sistemang pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan ng mga


bansang nasakop.

_______9. Natalo ang United States sa digmaan nito sa Spain noong 1898.

_______10. Pinagsamantalahan ng mga mananakop na kanluranin ang mga likas na yaman


at lakas-paggawa ng mga kolonya.

9
Isaisip
Gawain A.
Panuto: Magtala ng dalawang mabuting naidulot at dalawa ring hindi mabuting naidulot ng
kolonyalismo at imperyalismo sa ikalawang yugto. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

Epekto sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa mga bansang sinakop

Mabuti Di- Mabuti

1. _____________________________ 1. ________________________________

2. _____________________________ 2. ________________________________

Gawain B.
Panuto: Sumulat ng isang kongklusyon/sariling saloobin sa nasyonalismo na naganap sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

10
Isagawa

PUNUAN MO AKO!

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo at


Nasyonalismo sa Europe at sa ibang bahagi ng daigdig

Panuto: Ipahayag ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng pagsusulat, tungkol sa


kolonyalismo, imperyalismo at nasyonalismo na nauugnay sa mga larawan sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Kolonyalismo at Imperyalismo Nasyonalismo

https://www.facebook.com/739396062922217/photos/a.7394 https://m.facebook.com/316346685154963/photos/a.316775
04942921329/739828016212355/?type=3 245112107/318003081655990/?type=3&__tn__=-R

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot:
_____1. Ano ang tawag sa pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng isang
bansa?
a. Sphere of Influence c. Protectorate
b. Manifest Destiny d. Concession

_____2. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga Europeo na tungkulin nilang panaigin ang
kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubong kolonyang nasakop?
A. Sphere of Influence C. Protectorate
B. White Man’s Burden D. Concession

11
_____3. Nagsimula ang ikalawang yugto ng imperyalismo noong ika-19 siglo. Ano ang
pangunahing salik na nagtulak sa mga Europeo upang ipagpatuloy ang
imperyalismo?
A. Paghahanap ng hilaw na materyales na gagamitin sa mga industriya
B. Pagpapalawak ng teritoryo
C. Paghahanap ng alipin na maaaring ipagbili
D. Pagpapalaganap muli sa relihiyong Kristiyanismo

_____4. Ano ang pangunahing epekto ng imperyalismong kanluranin sa mga bansa sa Africa
at Asya?
A. Pagtatag ng mga bagong imperyo
B. Paglitaw ng mga bagong lahi ng tao
C. Pagkaubos ng likas na yaman at lakas paggawa sa mga kolonya
D. Paglagganap ng sakit na dala ng mga Europeo

_____5. Ang pinakamaningning na hiyas ng Britain


A. Hawaii B. India C. Australia D. Pilipinas
_____6 Ito ay tumutukoy sa ideya ng pagkabansa o pagmamahal sa bansa na bunsod ng
pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo
C. Nasyonalismo D. Merkantilismo
_____7. Sa simula, ang mga Europeo ay interesado lamang sa kalakal na ito.
A. Bulak B. Silk C. Alipin D. Asukal
_____8. Ang kompanyang British na namahala sa mga kolonya nito
A. British East India Company C. Ducth East India Company
B. British Imperial Company D. Dutch Imperial Company

_____9. Ang 13 kolonya sa America ay nag-alsa laban sa:


A. Britain B. Netherlands C. France D. Spain
_____10. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga tao dulot ng imperyalismo at
kolonyalismo ng mga kanluraning bansa. Naranasan nila ang kawalang katarungan
at pang-aabuso ng mga dayuhan. Sa ngayon patuloy pa rin ang impluwensya ng
bansang Amerika sa ating bansa. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagtutol
dito?
A. Magsagawa ng pagproprotesta sa mapayapang paraan
B. Isabotahe ang embahada ng Amerika
C. Iboykot ang mga produktong gawa ng mga dayuhan
D. Magsagawa ng isang marahas na demonstrasyon sa mga lansangan

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang iyong sariling saloobin tungkol sa mga tanong sa ibaba. Isulat ang inyong
sagot sa kwaderno.
1. Dapat bang parangalan ang mga Asyanong nakibaka para sa kalayaan ng kanilang bansa?
Pangatwiranan.

2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa pakikipaglaban ng mga Pilipino upang


makamit ang kalayaan?

Susi sa Pagwawasto

Subukin
Gawain A Gawain B
1. Teritoryo 6. C
2. Kolonya 7. E
3. Nasyonalismo 8. A
4. Concession 9. D
5. Protectorate 10. B

Balikan
1. Portugal, Spain, France, Netherlands, England
2. Inaasahang sagot: May mabuti at mayroon ding di kabutihang dulot ang epekto ng unang
yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Ang mabuting epekto ay ang paglinang ng mga likas
na yaman at ang pag-lakas ng ugnayan ng silangan at kanluran. And di-mabuting epekto
naman ay ang higit na pakinabang ng mga sumakop sa likas na yaman ng sinakop na bansa.

Tuklasin

Gawain: HULA-RAWAN
1. Spain 2. France 3. Netherlands 4. Britain/Great Britain 5. Portugal

13
Pagyamanin

Gawain A Gawain B * Sphere of Influence

1. USA 6. M * Concession
2. Britain/Great Britain 7. T
3. USA 8. T
* Protectorate
4. Belgium 9. T * Kolonya
5. Britain/Great Britain 10. M

Tayahin:
Itinatag
1.C 6. C Uri ng mga Teritoryong
2.B 7. C
3.A 8. A
4.C 9. A
5.B 10. A

Dahilan

* Naging mas madali ang paglalakbay sa malawak na karagatan dahil sa


mga imbensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong
Siyentipiko sa Europa.
* Nagkaroon ng malaking pangangailangan para sa pamilihan at mga
hilaw na materyales para sa mga industriya.

* Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw na materyales na


makukuha sa Aprika at Asya.
* Ang mga daungan nito ay estratehiko bilang baseng pandagat ng mga
Europeo.
* Upang sanayin ang sarili sa pamamahala.

Mananakop
ng mga
Lawak ng Kolonya

* Mga bansa sa
Asya, Aprika at
Hilagang Amerika

14
Sanggunian

A. Aklat
Blando, Rosemarie C., et.al., Modyul Para sa Mag-aaral, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing, Inc.
Celia D. Soriano, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig, Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Bookstore, Inc.
Teofista L. Vival, et.al, Kasaysayan ng Daigdig, SD Publications, Inc.

B. Teacher’s Guide
Most Essential Learning Competencies (MELC)

C. Websites
https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/ang-ikalawang-yugto-ng-imperyalismo-at-kolonyal

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like