Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

HINDI PA DAPAT MARANASAN

Samuela Reneis

Matinding kabog sa dibdib ang naranasan ni Samuela.Pinagmasdan ang lugar na pinagdalhan sa kanya
ng babaeng kinuha ang loob ng kanyang ina na bibigyan ng mgandang buhay ang isa sa walo niyang
anak.
Naglalaro sa kanyang isip na dapat nasa loob siya ng silid-aralan at nagaaral.Sa kahirapan ng
buhay,narito siya ngayon sa lugar na madilim na pakiramdam niya’y punong puno ng halmaw na sa
anumang oras ay sasagpangin ang buo niyang pagkatao.Mabilis na tinakpan ng kanyang dalawang palad
ang mga mata sa takot na nararamdaman.
Nasaan ang tiya raw niyang magpapaaral sa kanya.Maraming katanungang di niya masagot.Nanlalamig
siyang sumiksik sa pader na pansamantalang nagbibigay lakas sa nanghihina niyang katawan.
May mga tinig siyang naririnig… na tulad din niyang bata pa.Mga impit na tinig na nagmamakaawang di
kaya ang ipinapagawa.Sa kabilang silid lamang ito malapit sa kanyang kinauupuan.
“Sana di na ako pinasama ng aking ina .Paano kaya ako makakaalis sa lugar na ito?Ano kaya ang
ipagagawa sa akin?Patuloy na pagtatanong sa sariling walang kasagutan sanga oras na iyon.
Kanina pa niya naaamoy ang usok na nkahihilo,Pabrika ba itong pinagdalhan sa kanya?
Nabigla si Samuela nang iatyo siya ng isang lalaki.HHinimas ang kanyang mahabang buhok na
nakangisi.Sinasabing magpakabait siya at tiyak na mararanasan ang kanilang pag -aalaga.
Sinimulan niya ang pagrerepak sa maliit na plastic na sa tingin niya’y putting harina.Ngunit nahiwagaan
siya kung bakit sa maliit na plastic.
Hindi na niya mabilang ang oras sa ginawang pagrerepak.Hapong hapo ang kanyang musmos na
katawan.Tinapay at tubig lang ang nagbigay lakas sa kanya.
Waring may nagkakagulo sa labas.May sirena siyang naririnig.Muli binalot siya ng kaba.”Bahala na” Ang
namutawi sa kanya sabay tingin sa labas.
Kayumanggi Baitang 10 Batay sa Kurikulum K-12

ANALISIS

1. Anong suliranin ang nangibabaw sa kuwento? Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.

2. Paano masusolusyunan ang ganitong suliranin?

3. Aling bahagi ng akda ang nagpapahayag ng pagiging payak nito ngunit may hatid na matinding
damdamin?

You might also like