Banghay Aralin Sa Filipino 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

I. LAYUNIN:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang pang- abay sa isang pangungusap:
2. nagagamit ang pang- abay upang makabuo ng pangungusap: at
3. nauuri ang pang- abay

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: pang-abay
Sanggunian: aklat sa Filipino 4
Kagamitan: mga larawan
Pagpapahalaga: pagmamalaki sa kulturang pinoy ang pagiging Pilipino

III. PAMAMARAAN:
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbalik aral
- May bagay na ipapasa- pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag itoý
huminto, ang studyanteng may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin patungkol sa
nakaraang leksyon.

b. Pagganyak
- Itanong sa klase kung may alam silang bugtong.
- Sino-sino ang mahilig sa bugtong?
- Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino?
Magbigay ng bugtong:
1. Nagising si insyong, sa ilalim ng gatong.
2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.

c. Bago ang pagbasa


Ibigay ang kakulangang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng
dayalogo.

d. Pagbasa
Basahin ang dayalogo na ilalagay sa pisara

e. Pagkatapos ng pagbasa
Magtanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.

f. Paglalahad
i. Magtanong sa mga estudyante kung ano ang kanilang mga napansin
sa mga salitang may salungguhit mula sa dayalogong binasa.
ii. Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap
1. Sa ilalim ng punong manga kami ay nagkukuwentuhan.
2. Malinaw siyang magkwento.
3. Tanghali ng gumising si Lola Tinay.
iii. Magbigay ng halimbawang pangungusap na may pang-abay ang
mga estudyante.
g. Paglalagom/Paglalahat
i. Ano ang pang-abay?
ii. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

IV. PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay
pang-abay na pamaraan, PN kung itoy pang abay na pamanahon at PL kung ito ay
pang-abay na panlunan.

1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.


2. Babalik sila sa isang lingo.
3. Masayang naglaro ang mga bata.
4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5. Maagang pumasok si Noel.
6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni jones sa Sabado.
7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

V. TAKDANG ARALIN
Magsalaysalay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng
mga pang abay sa pasalaysay.

You might also like