Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 9 Araling Panlipunan

Topic: Patakarang Pampananalapi


Format: School On Air/Radyo Eskwela
Length: 30 Minutes
Scriptwriter/ Radio Presenter: Ma. Teresa B. Balderama
Objective: Matapos mapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral sa Grade 9 Araling
Panlipunan ay Nalalahad ang konsepto ng patakarang pananalapi sa bansa

TIME TECHNICAL

(TRT) INSTRUCTIONS SPIEL

33 Radyo Eskwela
seconds Intro

10 Intro Music
seconds Bite

Magandang araw sa mga masisipag na mag-aaral


ng ikasiyam na baitang! Ako si Teacher Tess, ang
gagabay sa inyong pagkatuto sa Araling Panlipunan
5 siyam (9) – Ekonomiks.
seconds
Music bite 1
Halos patapos na ang kasalukuyang school year.
Handa na ba ang lahat na tumungtong sa
ikasampung baitang? Alam ko na excited na kayo
pero sa ngayon, tumutok na muna sa ating
broadcast para mas madagdagan pa ang inyong
kaalaman.
5
seconds Music bite 2

Ihanda na ang mga gagamitin sa ating talakayan


tulad ng ballpen, kwaderno at papel. Siguraduhin
na kayo ay nasa komportableng lugar para mas lalo
ninyong maunawaan ang ating aralin.

5
seconds
Lesson Intro Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong
modyul lima (5) ukol sa patakarang pampananalapi.
Inuulit ko, ang aralin natin ay tungkol sa patakarang
pampananalapi. Sa pagtatapos ng ating aralin
inaasahan na nalalahad ang konsepto ng patakarang
pananalapi sa bansa at natutukoy ang mga halimbawa
ng mga institusyon ng pananalapi.
3

seconds
Segue sound
Effect
Sa puntong ito sukatin muna natin ang inyong kaalaman
sa nakaraang aralin. Ihanda ang inyong ballpen at papel
para sa isang maikling pagsusulit.

3 Recap Sound
seconds Effect Magbibigay ako ng mga tanong na susukat sa inyong
kaalaman sa paksang tinalakay. Mayroon kayong
sampung (10) segundo para sagutan ang mga tanong.
Uulitin ko 10 segundo lamang ang ibibigay ko sainyo
para masagot ang ibibigay kong tanong. Handa na ba
ang lahat?...............Mabuti! ngayon mag-uumpisa na
tayo.

3
seconds
Segue Sound
Effect 1. Tumutukoy sa pagbubuwis at paggasta ng
pamahalaan na siyang nakakaapekto sa
galaw ng ekonomiya. (Uulitin)

10 Timer Sound
seconds Effect
2. Pera na nalilikom ng pamahalaan na
maaaring ipataw ng tuwiran o di-tuwiran sa
mga mamamayan at bahay-kalakal. (Uulitin)
Timer Sound
10 Effect
seconds
3. Tawag sa paggasta ng pamahalaan sa mga
imprastraktura tulay ng mga kalsada,
paaralan at pagamutan. (Uulitin)

Timer Sound
10 Effect
seconds
Sa ngayon alamin natin kung tama ang inyong sagot.
Sa unang tanong, umutukoy sa pagbubuwis at
paggasta ng pamahalaan na siyang nakakaapekto
sa galaw ng ekonomiya. Ang tamang sagot ay
patakarang piskal.
2
seconds Correct Answer
Sound Effect

3
seconds Segue Sound
Tama ba ang inyong sagot? Magaling! binabati ko kayo.
Effect

Sa pangalawang pera na nalilikom ng


tanong,
pamahalaan na maaaring ipataw ng tuwiran o di-
tuwiran sa mga mamamayan at bahay-kalakal. Ang
tamang sagot ay buwis.
Correct Answer
2 Sound Effect
seconds

Nakuha ba? Ayos, magaling!


3
seconds Segue Sound
Effect

Sa pangatlong tawag sa paggasta ng


tanong,
pamahalaan sa mga imprastraktura tulay ng mga
Correct Answer kalsada, paaralan at pagamutan. Ang tamang sagot
2 Sound Effect ay capital spending.
seconds
Nakuha nyo ba ng lahat ang tamang sagot? Magaling!
Sa mga nakakuha ng mababang puntos bumawi kayo sa
susunod.
3 Transition
seconds Sound Effect
Sa puntong ito simulan na natin ang talakayan. Ang
patakarang pananalapi ay tumutukoy sa patakaran
3 kaugnay ng pamamahala sa salapi sa ekonomiya ng
seconds bansa upang matiyak na matatag ang presyo.
Segue Sound
Effect
Ang patakarang pampananalapi ay pinangangasiwaan ng
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sila ang nagtatakda
kung gaano karami at kailan ilalabas ang money supply
sa ekonomiya.

3
seconds
Segue Sound
Effect May tatlong instrumentong ginagamit para sa
pagpapatupad ng patakarang pampananalapi – ang
reserve requirement, discount rate at open market
3 operations.
seconds
Segue Sound
Effect
Ang reserve requirement ay alituntunin kung saan ang
mga bangko ay inaatasang maglaan ng bahagi ng mga
deposito bilang reserve o reserba. Ang salaping ito ay
hindi maaaring gamitin o ipahiram ng bangko. Paniguro
ito upang hindi masaid ang salaping nasa kaha para sa
pangangailangan ng depositor tulad ng withdrawal ng
salapi. Sa Pilipinas ang Reserve Requirement Ratio (RRR)
ng mga bangko ay dapat labindalawang porsyento
(12%).

3 Segue Sound
seconds Effect

Discount rate ang ipinapataw ng Bangko Sentral sa mga


pautang nito sa mga bangko. Maaaring ibaba o itaas ng
Bangko Sentral ang discount rate.

3 Segue Sound
seconds
Effect

Ang open market operations ay ang pagbebenta at


pagbili ng pamahalaan ng securities mula sa open
market sa pamamagitan ng public auction. Kung gusto
3 ninyong bumili ng stocks sa pamahalaan maaari ninyong
seconds icheck ang website at facebook page ng Bureau of the
Segue Sound Treasury.
Effect

3
seconds
Ano ang sistema ng pananalapi at mga institusyong
Segue Sound bumubuo nito?
Effect

3
seconds Ang sistema ng pananalapi ay binubuo ng mga
institusyong nag-uugnay sa nag-iimpok at
nagpapautang. Ito ay maaaring financial market at
Segue Sound
financial intermediary. Pagtuunan natin ng pansin ang
Effect
mga financial intermediary.

May tatlong uri ng financial intermediary. Una ang


30 tumatanggap ng deposito kabilang dito ang bangko at
seconds kooperatiba. Sa inyong sagutang papel magtala kayo ng
Music Timer mga alam ninyong bangko dito sa Pilipinas. Bibigyan ko
kayo ng 30 segundo.

Madami ba kayong naitala? Kalimitan ay limitado ang


kaalaman tungkol sa pagbabangko kaya dapat
pagtuunan ng pansin ang bagay na ito sa inyong pag-
aaral. Kabilang sa mga halimbawa ng bangko ang mga
commercial banks gaya ng Bangko de Oro (BDO),
Metrobank, Bank of the Philippine Island (BPI) at mga
bangkong pinangangasiwaan ng pamahalaan gaya ng
3
SegueSound Land Bank of the Philippines at Development Bank of the
seconds
Effect Philippines.
3 Segue Sound Ang pangalawang uri ay ang tumatanggap ng impok sa
seconds Effect takdang panahon tulad ng insurance company kabilang
ang Social Security System (SSS) at ang Government
Service Insurance System (GSIS).

3 Segue Sound
seconds Effect
Ang pangatlong uri ay ang mamumuhunan mismo tuland
ng mga kompanya ng mutual funds.

3 Ang panghuli sa ating talakayan ay ang mga lokal at


seconds pandaigdigang institusyong bahagi ng pananalapi na
Segue Sound
Effect nasa ikalabindalawa (12) hanggang ikalabinlima (13) ng
inyong modyul.

Una dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na


3 Segue Sound nangangasiwa ng sistema ng pananalapi sa bansa.
seconds Effect Pangalawa, ang Securities and Exchange Commision
(SEC) o Komisyon sa mga Panagot at Palitan. Kung nais
ninyong malaman kung lehitimo ang mga kompanya
kung saan mo ilalagak ang pera siguraduhin na
nakarehistro ito sa SEC upang maprotektahan ang
inyong karapatan.

3 Segue Sound
seconds Effect
Pangatlo, ang Insurance Commision (IC). Kung kayo ay
kukuha ng insurance o seguro dapat ang kompanya ay
nakarehistro sa Insurance Commission. Sila ang
nagsisiguro na ang mga insurance companies ay may
kakayahan na mabayaran ang mga benepisyaryo nito.

3 Segue Sound
seconds Effect Pang-apat ang Philippine Deposit Insurance Corporation
(PDIC) na tinitiyak na makukuha ng mga depositor ang
kanilang deposito hanggang sa itinakdang Maximum
Deposit Insurance Coverage na limang daang libong piso
(Php 500,000) sakaling iutos ng Monetary Board ang
pagsara ng bangko.

3
seconds
Segue Sound
Effect
Ang ilan sa mga pandaigdigang institusyon sa pananalapi
ay International Monetary Fund (IMF) at World Bank
(WB). Madalas natin na naririnig ito sa balita dahil dito
3
umuutang ang mga bansa.
seconds
Segue Sound
Effect

Ang IMF ay sumusulong sa balanseng pagpapalawak sa


3
kalakalang pandaigdig. Ang mga bansang kasapi ay
seconds
Segue Sound maaaring mangutang dito.
Effect

Ang World Bank (WB) naman ay nagpapautang sa mga


3 Segue Sound bansa. Layunin nito na pababain ang kahirapan at
seconds Effect maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa mga
bansang may maliliit at katamtamang kita.

Natapos na natin ang talakayin siguraduhing masagutan


ninyo ang mga pamprosesong tanong sa inyong modyul.

3 Transition Batay sa tinalakay, ang patakarang pampananalapi ay


seconds Sound Effect may kaugnayan sa pamamahala sa salapi sa ekonomiya
upang matiyak na matatag ang presyo. Nakasalalay sa
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapatupad
nito. Bukod sa BSP ay may iba pang lokal at
pandaigdigang instutisyon na tumutulong upang
mapanatiling ligtas at balance ang sistema ng
pananalapi.

3 Segue Sound
seconds Effect

Sa puntong upang masukat ang inyong kaalaman sa


paksang aking tinalakay magbibigay ako ng maikling
10
pagsusulit. Isulat ang TAMA kung wasto ang sinasaad
seconds
Music Timer ng pangungusap at MALI kung di-wasto. Mayroon
kayong sampung (10) segundo sa pagsagot. Uulitin ko
Tama at Mali ang sagot na inyong pagpipilian sa mga
10 pangungusap na babasahin ko. Handa na ba ng
seconds Music Timer
lahat?.....Mabuti ngayon mag-umpisa na tayo.

10 1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang


seconds Music Timer nangangasiwa sa sistema ng pananalapi sa
bansa. (Uulitin)

2. Ang salapi bilang unit of account ay maaaring


iimpok at gamitin sa hinaharap. (Uulitin)
10
seconds
Music Timer 3. Ang bangko bilang financial intermediary ay
tumatanggap ng impok mula sa publiko na siya
ring pinapautang nito. (Uulitin)

10
seconds Music Timer 4. Ang maximum deposit insurance coverage sa
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
ay dalawang daan at limampung libong piso (Php
250,000). (Uulitin)

3 Segue Sound
seconds Effect
5. Ang International Monetary Fund at World Bank
ay naglalayong maging ligtas at maayos ang
sistema ng pananalapi. (Uulitin)

Iwasto na natin ang inyong naging kasagutan.

Sa unang bilang, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)


ang nangangasiwa sa sistema ng pananalapi sa bansa.
SAGOT: TAMA. Pangalawa, Ang salapi bilang unit of
account ay maaaring iimpok at gamitin sa hinaharap.
SAGOT: MALI. Pangatlo, ang bangko bilang financial
intermediary ay tumatanggap ng impok mula sa publiko
3 Segue Sound
na siya ring pinapautang nito. SAGOT: TAMA. Pang-apat,
seconds Effect
ang maximum deposit insurance coverage sa Philippine
Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay dalawang daan
at limampung libong piso (Php 250,000). SAGOT: MALI.
Panglima, ang International Monetary Fund at World
Bank ay naglalayong maging ligtas at maayos ang
sistema ng pananalapi. SAGOT: TAMA.

3 Transition
seconds Sound Effect

Binabati kong muli ang mga nakakuha ng mataas na


puntos nangangahulugan lamang na talagang nakinig
kayo at naintindihan ang aking tinalakay. Sa mga
nahirapan sa pagsusulit kailangan nyong pagtuonan ng
3 Segue Time pansin ang pagtalakay ng paksa at intindihin para
seconds Effect makakuha rin kayo ng mataas na puntos.

Upang lubos na mapalalim ang pag-unawa sa paksa.


Siguraduhing masagutan ang mga gawain na nasa
pahina labing-anim (16) hanggang dalawampu’t-isa (21)
3 Segue Sound ng inyong modyul
seconds Effect

Sa Isagawa naman kailangang makapasa kayo ng isang


informational video ukol sa kahalagahan ng salapi, pag-
iimpok at pangungutang. Gawing gabay ang rubric sa
3 pagmamarka ng gawain.
seconds
Segue Sound
Effect
Paalala sa mga mag-aaral siguraduhin na hindi lang
basta masagutan ang mga gawain sa modyul.
Dapat na kompleto ang mga kasagutan at maayos
ang proyekto na dapat maisumite.
5
seconds
Music Sound
Bite 3

Dito na nagtatapos ang inyong pag-aaral sa Araling


Panlipunan (9). Naway ang lahat ng inyong
5
seconds natutunan ay maging susi upang kayo ay mas
Music Sound maging produktibo at kapakipakinabang na
Bite 4 mamamayan.

Kung mayroon kayong katanungan maaari ninyo


akong padalhan ng mensahe sa aking messenger
account at email account.
45 Outro Music
seconds

Isa na namang araw ng pagkatuto ang inyong


napakinggan. Naway natutuhan ninyo ang aralin sa
araw na ito. Hanggang sa muli ito ang inyong guro
sa radio Titser Tess na nagsasabing ang kaalaman
sa ekonomiks ay daan upang maging
kapakipakinabang na miyembro ng sambahayan.

End
Written and Broadcast by:

MA. TERESA B. BALDERAMA


Teacher I, AP Department

Observed by:

ANNIE C. BALBIN
HT-III, AP DEPARTMENT HEAD

Noted by:

RONEL D. EBUENGA
Teacher III, ESP Department

You might also like