Professional Documents
Culture Documents
Third Periodic Test in Esp 8
Third Periodic Test in Esp 8
Third Periodic Test in Esp 8
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Para sa bilang 26-29. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunodna sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik
ng tamangsagot.
_______ 26. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya
na hindi siyapapayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkwentuhan, hindi niya namalayan
na gumagabi na pala. Alamniya na papagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya
kinausap ka niya upang magsinungaling sa mgaito upang sabihin na ginabi kayo dahil gumawa
kayo ng proyekto, at siya’y iyon sinunod dahil ayaw mongmapahamak ang iyong kaibigan.
_______ 27. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit
kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______ 28. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa
paaralan.Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na
magulang niya.
_______ 29. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya
ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang
kaniyang kaklase. Kapagsiya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya
dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
Para sa bilang 30-33. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod
na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
_______ 30. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung
nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.
_______ 31. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Charmaine.Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at
ang kaniyang sagot ay maaaringmayroong dalawang kahulugan.
_______ 32. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang
mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang
niya rito na siya aynasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang
nararamdaman.
_______ 33. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya
sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga
ito.
II. PANUTO: TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at
MALI kung ito’y hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_______ 34. Kung nais mong hiramin ang gamit ng iyong kaibigan, ayos lang kahit hindi na humingi
Ng pahintulot dahil magkaibigan naman kayo.
_______ 35. Bilang pagpapakita ng paggalang sa awtoridad, nararapat lang na ika’y sumunod sa
Kanilang mga utos kahit na ito’y maglalagay sa iyo sa kapahamakan.
_______ 36. Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng pagmamasid sa
kanilang mga magulang at ibang kasapi ng pamilya kung paano sila gumagalang sa
nakakatanda, sa ibang tao, saawtoridad, sa pamahalaan, at sa Diyos.
_______ 37. Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan.
_______ 38. Isang paraan ng pagpapasalamat ay ang pagtapik o pagyakap sa taong pinasasalamatan.
_______ 39. Sa pagtulong sa ibang tao, dapat tayong humingi ng bayad o kapalit ng tulong natin.
_______ 40. Hindi mali ang pagsisinungaling lalo na kung ito’y magpapaangat sa iyo o sa ibang tao.
_______ 41. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na
gratus(nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
_______ 42. Ang pagiging mapagpasalamat ay isang ugaling hindi dapat isabuhay sapagkat ito’y
walang magandang dulot sa buhay.
_______ 43. Ayon sa pag-aaral ng Institute for Research on Unlimited Love (IRUL), ang mga likas
namapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na
magkaroon ng depresyon.
_______ 44. Ang pagsunod ng tao sa utos ng nakakatanda at awtoridad ay isang pahiwatig na siya ay
may galit at inggit.
_______ 45. Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng pakikinig at
pagsasabuhayng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
_______ 46. Naipakikita mo ang paggalang kung umuuwi ka nang maaga at di na kung saan-saan papupunta
nang walang paalam.
_______ 47. Maipapakita mo ang paggalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pag-aaruga sa
kanila at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
_______ 48. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad
at kapayapaan ng kalooban.
_______ 49. Ang matapat na tao ay kadalasang magsisinungaling, kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari at
hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan.
_______ 50. Sa buhay, mahalaga ang pagiging matapat at mapagpasalamat sapagkat ito ay magbibigay
sa iyo ng katahimikan at kasiyahan.
Inihanda nina: