Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang opinyon mo sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo?

Sa paggamit
ba ng wikang Filipino matatamo ng mga mag-aaral ang karunungan?

Ang opinyon ko sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo ay


maaaring mapaunlad at mapabuti nito ang ating wika pati na rin ang edukasyon.
Mapapaunlad nito ang ating wika sapagkat ito ay lubos nang magagamit ng mga
mag-aaral dahil sa panahon ngayon ay karamihan na ng mga paksa sa pag-aaral ay
Ingles na ang ginagamit. Pati na ang edukasyon ay mapapabuti nito dahil
maraming mga mag-aaral ngayon ang hirap na maintindihan na ang mga salitang
ingles. Madami ding mga mag-aaral ang sa tingin ko ay papayag na Filipino na ang
gamitin bilang wikang panturo, dahil unang-una ay ito ang ating sariling wika at
ito na ang aming kinagisnan. Madali na ding maiintindihan ng mga mag-aaral ang
paksang kanilang tinatalakay sa pag-aaral kung Filipino na ang wikang gagamiting
panturo.

Sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo, matataglay natin at mas


mananalaytay sa dugo natin ang pagiging nasyonalismo at tunay na Pilipino. Alam
kong hindi ito Madali sa mga kaguruan lalo’t higit sa pagtuturo ng mga agham na
nangangailangan ng wikang ingles, magiging isang hamon ito sa ating lahat, at
mamumulat ang ating mga pikit na mata sa tunay na kahalagahn ng pagiging
makabayan. Hindi ito Madali at hindi din mahirap, ngunit sa pagtutulungan at
pagkakaisa nating mga estudyante at mga gurong Filipino makakamit natin ang
katagumpayan gamit ang sariling wika natin.

You might also like