Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa

Ang Pambansang Awit

“Lupang Hinirang” ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinalaysay ng awit ang
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan.
Ang himig ng pambansang awit ng Pilipinas ay ginawa ng piyanistang si Julian Felipe sa kahilingan ni
Hen. Emilio Aguinaldo.
“Marcha Filipina Magdalo” ang orihinal na komposisyon ni Felipe. Noong Hunyo 12, 1898,
tinugtug ang komposisyon ni Felipe habang iniladlad ang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni
Aguinaldo sa Cavite.
Si Jose Palma na isang batang sundalo ay gumawa ng isang tula na pinamagatang “Filipinas” na
bumagay sa komposisyon ni Felipe at ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit.
Si Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas ang unang nagsalin ng unang liriko ng pambansang
awit sa wikang Ingles. Ang pinakilalang bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen. Camilo Osias na
kinilala bilang “Philippine Hymn” at kinilala bilang pambansang awit na may lirikong ingles sa bisa ng
Commonwealth Act 382.
Noong 1940, nagsimula ang bersyon ng tagalog ang pambansang awit. Noong 1948 naman ay
inaprobahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang “O sintang Lupa” bilang pambansang awit sa Filipino.
Noong 1954, si Gregorio Hernandez Jr. Kalihim ng edukasyon, ay binago ang liriko ng pambansang
awit at pinamagatang “Lupang Hinirang”. Noong 1998 ay sa bisa ng batas ay nakumpirma ang bersyong
Filipino ang pambansang awit.
Ang saling kanta sa Filipjnk ay dapat awitin nang ayon lamang sa komposisyon ni Julian Felipe,
dapat madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang paggalang. Lahat ng umaawit ay dapat
nakaharap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang
kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota hanggang sa matapos ito.

Lupang Hinirang
Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil
Sa dagat at bundok na simoy
At sa langit mong bughaw
Tagumpay na nagnininging
Ang bituin at araw niyan
Kailan pa ma'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo

You might also like