2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO 10
Seksyon: Petsa:
St. Francis November 24, 2021
St. Anthony November 29, 2021
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
I. LAYUNIN a. Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang akda; at
b. Nasusuri ang kultural na aspeto ng isang dula
c. Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig;
d. Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa

A. Paksa : Si Cinderella (Dula)


II. PAKSANG B. Kagamitan: Powerpoint presentation
ARALIN C. Sanggunian : Quipper at Pinagyamang Pluma 10

III. PAMAMARAAN: Panimulang Gawain:


Panalangin
A. Pagganyak Pagtala ng lumiban sa klase

Ipagawa: Video Prompt, 3 - 5 minuto (Slide 3)


● Ipanonood ang video na Brigada: Mga nauusong millennial slang,
alamin! at ipasusuri ang mensahe nito.
● Ipaliliwanag na ang millenial ay kaiba sa Generation Z at ang video ay
tumutukoy sa mga salitang likha ng huli.

2. Itanong:
● Ano-ano pa ang nauusong salita ng Generation Z?
● Ano ang masasabi ninyo sa wika ng henerasyon ninyo?
● Sa inyong palagay, paano nalilikha ang mga salitang ito?

 Kahulugan ng Salita: Etimolohiya


B. Paglalahad ng  Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
aralin
Etimolohiya
C. Pagtatalakay Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng pinagmulan ng bawat salita at
kung paano nababago ang kahulugan nito sa pagdaan ng panahon. Sa madaling sabi,
kung nanaisin mong ugatin ang kahulugan at depinisyon ng isang salita, papasok ka
sa malalim na pag-uugat ng kasaysayan ng pagkakabuo nito, at ito ang pangunahing
gampanin ng mga etimolohista.
Kaugnay rin ito ng epistimolohiya, kung saan pumapasok ang pilosopiya ng
pagbibigaykatwiran sa lahat ng bagay sa ngalan ng dagdag-kaalaman
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Sa naunang yunit, naipaliwanag na kung paano tinitingnan ang isang pangungusap
batay sa pagpopokus ng pandiwa nito. Naglatag din tayo ng mga halimbawang
pangungusap upang lubos mong maunawaan kung kailan nagiging tagaganap o
layon ang pokus ng pandiwa sa isang pangungusap

Pokus sa Pinaglalaanan (Tagatanggap)


Masasabing nasa pokus sa pinaglalaanan ang pandiwa kung ang paksa o
pinagtutuunan ng pangungusap ay ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Si Cinderella ay ipinagpitas ng bulaklak ng prinsipe.
Paliwanag:
Si Cinderella ang paksa ng pangungusap, na siya rin ang tumanggap ng
kilos na “ipinagpitas.”
Pokus sa Kagamitan
Nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa kung nakatuon ang pangungusap sa
bagay, kasangkapan, o instrumentong ginamit, upang magawa ang kilos ng
pandiwa.

Halimbawa:
Ipinampunas ni Cinderella ng sahig ang kaniyang basahang damit.
Tanong:
Ano ang ipinampunas ni Cinderella ng sahig? (Ano ang bagay na ginamit?)

Iba pang halimbawa:


Pinutol ng babae ang kaniyang buhok gamit ang isang kalawanging
kutsilyo.
Sa puntong ito, dalawang tanong ang posibleng mabuo:
1. Ano ang pinutol ng babae? (ang kaniyang buhok) (layon)
2. Ano ang bagay na ginamit nang pinutol ng babae ang kaniyang buhok?
(ang isang kalawanging kutsilyo) (kagamitan)

Sa ganitong pagkakataon, kalimitang ang nagiging paksang ng pangungusap


ay ang bagay na nakapagdaragdag ng detalye sa diwa nito. Sa pangungusap
sa itaas, ang paksa ng pangungusap ay “ang kalawanging kutsilyo”, kaya
ang pokus ng pandiwa ay nasa kagamitan.

D. Paglalapat

E. Paglalahat ● Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng pinagmulan ng


bawat salita at kung paano nababago ang kahulugan nito sa pagdaan ng panahon.
● Iba’t ibang salita ang nalilikha at umiiral sa pagdaan ng panahon.
Ang bawat salita sa ating bokabularyo ay mayroong partikular na
kasaysayan, at ang pag-aaral na nakatuon dito ay tinatawag na etimolohiya.
 Ang pokus ng pandiwa ay sa pinaglalaanan, kung ang paksa ng
pangungusap ay ang nakinabang sa kilos. Pokus sa kagamitan naman
kung ang paksa ay ang bagay na ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.
IV. PAGTATAYA A. Salungguhitan ang paksa o simuno sa pangungusap at bilugan ang pandiwa.
Isulat sa patlang kung ang pandiwa ay may pokus na pinaglalaanan o kagamitan.
____________________ 1. Ipinampapastol ng batang lalaki ng kaniyang mga tupa
ang baston na iyon.
____________________ 2. Mga pamalo ang ipanlalaban ng mga mambubukid sa
lobo.
____________________ 3. Ang batang lalaki ay binabantayan pa rin ng mga
mambubukid hanggang sila ay mapagod sa pambibiro niya.

____________________ 4. Kinain ng gutom na gutom na lobo ang mga alagang


tupa ng batang lalaki.
____________________ 5. Patuloy kasing ipinagkanulo ng batang lalaki ang mga
mambubukid na handang tumulong sa kaniya.

B. Gamitin nang wasto sa mga pangungusap ang dalawang pokus ng pandiwa:


pinaglalaanan at kagamitan. Sumangguni sa ibinigay na pandiwa.
1. ipaghahanda (pinaglalaanan)
2. ipinanlampaso (kagamitan)
3. ipansisipilyo (kagamitan)
4. pinag-iipunan (pinaglalaanan)
5. ipinambili (kagamitan)

V. TAKDANG Tulad ng kultura ng ibang bansa sa aspektong pampamilya at pakikipagkapwa, ang


ARALIN kulturang Pilipino ay mayaman din. Pumili ng isa sa mga kultura at pag-uugali na na
ipinagmamalaki at katangi-tangi sa ibang lahi. Gamitin ang natutuhan mula sa pokus
ng pandiwa sa pagbuo ng mga pangungusap na magpapahayag ng iyong saloobin
hinggil dito. Salungguhitan ang mga sagot na ito.

Learners’ level of Perfomance: St. Francis


St. Anthony

Inihanda ni : Jova Bhon C. Bautista


Guro sa Filipino

You might also like