4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO 10
Seksyon: Petsa:
St. Francis December 15,2021
St. Anthony December 13, 2021

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;


a. Nakikilala ang matalinghagang pahayag na ginamit sa tula;
b. Natutukoy ang uri ng matalinghagang pananalita
c. Napupunan ng angkop na idyoma ang isang pahayag;
d. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa makabuluhangpangungusap;
e. nakabubuo ng tula gamit ang mga matatalinghagang pananalita

A. Paksa : Ang Aking Pag-ibig (Tula)


II. PAKSANG B. Kagamitan: Powerpoint presentation
ARALIN C. Sanggunian : Quipper at Pinagyamang Pluma 10

III. PAMAMARAAN: Panimulang Gawain:


Panalangin
A. Pagganyak Pagtala ng lumiban sa klase

1. Ipagawa: Four Corners, 3 - 5 minuto (Slide 4)


● Babasahin ng guro ang mga saknong na may matatalinghagang pananalita.
○ Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
Pilak ay may pakpak
Dagling lumilipad
Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
- Sa Pamilihan ng Puso ni Jose Corazon de Jesus
○ Sa araw man o sa gabi
yakap niya nagsisilbing kumot para sa akin
Sa tag-ulan o tag-init
nagsisilbing silong palaging nakaprotekta sa akin
- Daang Balikuko ni J.H.
○ Sabay sa pagkulog, pagkidlat,
Dumagundong ang langit, saki’y sumambulat,
Sa ‘king pagbalik sa dating tagpuan,
Ika’y wala na, ako’y iniwan,
- Ulan sa Aking Puso ni J.C.D. Ramirez
● Ipatukoy ang opinyon ng mga mag-aaral kung sila ba ay “Talagang
Sumasang-ayon”, “Sang-ayon”, “Hindi Sumasang-ayon”, at “Talagang Hindi
Sumasang-ayon” sa pamamagitan ng pagpunta sa sulok na may pananda
nito.
2. Itanong:
● Ano-anong mga damdamin ang nangingibabaw sa mga saknong?
● Sa inyong palagay, ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng mga ito?
● Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita sa
pagpapamalas ng kariktan ng tula?

 Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita


B. Paglalahad ng  Paggamit ng Matatalinghagang Pananalit
aralin
Ang mga matatalinghagang pananalita o rhetorical devices ay sangkap na
C. Pagtatalakay ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay
nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig. Ilan sa malimit gamiting
na matatalinghagang pananalitaay nakapaloob sa tinatawag na tayutay at mga
idyoma.
Sa pag-aaral, higit sa walumpu ang tayutay na matatagpuan sa wikang Filipino.
Bukod pa ang mga tayutay na kinikilala naman gamit ang wikang Ingles.
Isa rin sa mga anyo ng matatalinhagang pananalita ay ang idyoma, kung saan
ang mga pahayag ay nagtatago ng tunay nitong kahulugan.

Naririto ang ilang halimbawa ng mga idyoma.

 Anghel ng tahanan – anak


 Binuksan ang dibdib – ipinagtapat ang saloobin
 ‘Di-mahulugang karayom– maraming tao
 Durugin ang puso – pasakitan
 Guhit ng palad – kapalaran
 Lumaki ang ulo – naging mayabang
 Iguhit sa tubig – kalimutan
 May gatas pa sa labi – bata pa
 Magbuhat ng sariling bangko – nagyayabang
 Nagpanting ang tainga – nagalit; nainis
 Nagdilang anghel – nagkakatotoo ang sinabi
 Suntok sa buwan – mahirap abutin; malabong mangyari
 Magsunog ng kilay – mag-aaral nang mabuti
 Ningas kugon – panandalian
 Balat-sibuyas – sensitibo, iyakin
 Kahiramang suklay – matalik na kaibigan

Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Dapat tandaan na ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita na ito


ay mayroong hinihinging pagkakataon. Sang-ayon sa kalikasan ng
komunikasyon, mayroon tayong paghahati sa pagitan ng pagiging pormal at
impormal nito. Hindi mo nanaising kausapin at paulanan ng mga idyoma
ang isang kaibigang kinukumusta mo sa kantina, sapagkat maaari siyang
magtaka sa hindi pangkaraniwan mong pakikipag-usap sa kaniya. Ang
matatalinhagang pananalitang ito ay katanggap-tanggap gamitin at
palutangin sa mga akdang pampanitikan, higit lalo sa mga tula at awit,
sapagkat ito ang pinakalayunin ng isang tula–ang itago ang totoong
kahulugan nito–upang maging mas masining at kaakit-akit para sa mga
mambabasa.

Dahil nga ang layunin ng matatalinhagang pananalita ay magtago sa lantay


na mensahe, kailangan mong unawain ang kabuuan ng akda, gayundin sa
mga idyoma, at iba pang matatalinhagang pananalita o rhetorical devices.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita


1. Pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa.
2. Bumuo ng mga pahayag na kakikitaan ng mga tayutay.
3. Gumamit ng angkop na idyoma sa paglalarawan ng ideya.
4. Suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito.
5. Magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan.
D. Paglalapat

E. Paglalahat ● Ang mga matatalinghagang pananalita o rhetorical devices ay sangkap na


ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay
nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig.
● Ang tayutay ay paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang inilalayo sa
karaniwan ang paglalahad ng mensahe.
● Kabilang dito ang pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, pagtawag,
pagmamalabis, at pag-uyam.
● Ang idyoma ay mga mga pahayag na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan na
hango sa iba’t ibang karanasan.
● Nakapaloob sa matatalinhagang pananalita ang kasabihan, kawikaan, at
salawikain.
Tukuyin kung sa anong uri ng tayutay nabibilang ang sumusunod na
IV. PAGTATAYA matatalinghagang pananalita.
_______1. Babaha ng alak sa darating na Biyernes, ang tinuran ni Pareng
Andoy.
_______2. Maganda ka naman, lalo kung malayo ka sa akin.
_______3. Lungkot! Huwag ka nang bumalik!
_______4. Para kang anghel na bumaba mula sa kalangitan.
_______5. Sila‟y ilog na kay lalim kung tahimik at kay babaw kung
maingay.
_______6. Halos madurog ang puso ni Anton dulot ng kaniyang kabiguan.
_______7. Nakikipaghabulan sa atin ang tadhana at panahon.
_______8. Nakababasag ng tainga ang malamig mong tinig.
_______9. Diwata siya ng gubat, bantay siya ng dagat.
_______10. Ngumiti sa akin ang buwan hudyat na ako‟y kaniyang naunawaan.
V. TAKDANG Ang paggawa ng mga tula ay hindi lamang nakalilibang kundi maaari ring
ARALIN pagkakitaan. Sa gawaing ito, maaaring ipagawa ito sa mga mag-aaral at i-
rehistro sa mga website tulad ng Hubpages, Poem Hunter, at Poetizer. Ito ay
mga social media platform na maaaring pagbahaginan ng mga likhang tula
na maaari ring pagkakitaan.

Learners’ level of Perfomance: St. Francis


St. Anthony

Inihanda ni : Jova Bhon C. Bautista


Guro sa Filipino

You might also like