EPP4 LAS Q3 WEEK 7 Angelita G. Tugay FINAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Edukasyong Pantahanan Pangkabuhayan (EPP4)


Industrial Arts , Quarter 3, Week 7
Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo o
Pagbabago ng Produkto

Layunin
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakabubuo ng plano sa paggawa ng proyekto (pencil holder);
2. napipili ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin ;
3. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng proyekto; at
4. naisasagawa ang pagbuo ng proyekto.

Pag-aralan

Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo o Pagbabago ng


Produkto
Aralin 1 Pagbuo ng Plano sa Paggawa ng Proyekto
Ang plano ng proyekto ay batayan sa pagbuo ng proyekto. Nakakatipid ito sa panahon,
kasangkapan at pera. Ang pagpaplano ng mabuti ay kinakailangan sa pag-uumpisa ng isang
proyekto o gawain. Kung may pagpaplano at planong nagawa, magiging madali ang paggawa
ng anumang gawain. Ang plano ang karaniwang ginagamit ng mga arkitekto o inhenyero
bilang batayan ng gagawing proyekto maliit man o malaki. Ang pagpaplano o paggawa nito ay
naaayon sa pamamagitan ng mahusay at maingat na pagsusuri upang ang gagawing proyekto
ay magiging maayos at matagumpay at kung naihahandang mabuti ang disenyo at plano,
magiging madali ang paggawa ng isang gawain o proyekto.

Mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyekto:


1.Ang pangalan ng proyekto-tiyakin ang pangalan ng napiling proyekto.
2.Disenyo ng proyekto-ang paggawa ng disenyo ay bahagi ng pagpaplano. Mahalaga na
mailarawan ang kabuuang anyo ng proyekto.Inilalagay rin ang
tiyak na sukat,mga materyales,at detalyeng kailangan sa
paggawa ng proyekto na magsisilbing batayan habang binubuo
ito.
3.Materyales-ang mga materyales ay dapat itala batay sa disenyo ng
proyekto.Lalong mabuti kung ito ay katutubong materyales na matatagpuan
sa pamayanan. Ang talaan ng mga materyales ay magbibigay ng tiyak na
halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto.
4.Kagamitan-ang mga kailangang kagamitan ay ihanda kaagad upang hindi maantala sa
pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo,plais, katam at iba pa.
5.Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto-pag-aralan at itala ang mga sunod- sunod na
hakbang sa pagsasagawa ng proyekto. Mahalaga ang pag-aaral sa mga
hakbang upang hindi masayang ang oras sa pagsasagawa. Itala ang mga
balaking ginawa sa pagpaplano ng proyektong napili.Ito ang magiging gabay
sa pagbubuo ng proyekto
Halimbawa ng Plano ng Proyekto:
Plano ng Proyekto
Pangalan ng Mag-aaral: Ana R. Cruz Baitang/Seksyon: Grade 4- Onyx
Petsa Nagsimula: February 1, 2021 Natapos: February 3, 2021
I.Pangalan ng Proyekto: Pencil Holder
II.Layunin : Makakagawa ng isang pencil holder gamit ang lumang lata

III.Krokis/ Desinyo ng Proyekto :

https://tinyurl.com/yhu4eau3
IV.Materyales ng Proyekto:
Bilang Yunit Deskripsyon Halaga Kabuuang Halaga
1 piraso gunting 20.00 20.00
1 piraso latang ginamit na - -
piraso boteng maliit
pintura kulay pula 50.00 50.00
1 piraso maliit na brush 35.00 35.00
1 piraso bote ng glue 25.00 25.00
2 yarda printed lace 20.00 20.00
Kabuuan P150.00
V.Paraan/Hakbang sa Paggawa:
1. Linisin ang mesang pagtatrabahuan.
2. Ihanda ang mga materyales na gagamitin para sa paggawa ng proyekto.
3. Linisin ng mabuti ang labas at loob ng latang gamit na.
4. Pag tuyo ang lata pintahan ang labas at loob nito ng kulay pula gamit ang brush.
5. Patuyuin ang pinintahang lata .
6. Habang pinatuyo ang lata, gumawa ng mga disenyong bulaklak gamit ang printed lace.
7. Pag tuyo na ang pinintahang lata, dikitan ng printed lace na may pakurba-kurbang
disenyo ang taas at pinakababang dulo ng lata gamit ang pandikit na glue.
8. Idikit gamit ang glue, ang mga ginawang mga ginawang lace na mga bulaklak palibot ng
lata.
9. Suriin ng mabuti ang ginawang proyekto kung may mga kulang pang dapat ayusin.
10. Ibalik ang tirang materyales sa tamang lalagyan at linisin ang lugar na pinagtrabahuhan.
VI. Ebalwasyon/Puna ng Proyekto: Perfect
Krayterya Iskor Iskor ng Bata Iskor ng Guro
Materyales: 10
-Madaling Makita 3.5
-Durable 3.5
-Mura 3.0
Pagkagawa: 50
-Ang disenyo ay wastong nasunod 20
-Ang pinta ay maayos na naipinta 15
-Ang mga lace at bulaklak ay maayos at
wastong naidikit 15
Pangkalahatang Anyo: 20
-Wasto at malinis ang pagkagawa 10
-Ang proyekto ay attractive. 5
-May pagkakaisa ng kulay at disenyo 5
Work Habit: 20
-Inumpisahan at tinapos ko sa oras na ibinigay 5
-Ginawa ng maayos at malinis. 5
-Sinunod ang paraan paggawa ng tama. 5
-Nagpapakita ng interes at kasihayan sa
paggawa ng proyekto 5

KABUUAN 100

Aralin 2 Pagpili ng mga Kasangkapan at Materyales na Gagamitin


Bago simulan ang anumang gawain, kailangang na maging maingat at wasto sa pagpili
ng angkop na kasangkapan, kagamitan at materyales upang magtagal ang pakinabang ng mga
proyektong gagawin.
Sa pagpili ng mga kasangkapan at mga materyales na gagamitin sa paggawa ng isang
proyekto dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
Halaga. Maging matalino dapat sa pagpili ng materyales na abot kaya ngunit matitibay
at maganda. Pumili ng mura ngunit mataas ang kalidad.
Tibay - Ang tibay ng isang proyekto ay kailangan upang maging kapakipakinabang o
matagal ang gamit nito.
Kakayahang Magamit (Availability )- Sa paggawa ng isang proyekto kailangang pumili
ng mga materyales na madaling makikita at madaling magamit. Tiyakin na ang mga
kakailanganing materyales ay nasa paligid lamang. Mas mainam gumamit ng mga
kasangkapan na makikita sa sariling pamayanan. Maraming mga recycled materials mga
patapong bagay na maari pang pakinabangan sa pamayanan na puedeng gamitin sa ating
proyekto, kailangan lamang ay maging malikhain tayo. Isaalang-alang din ang epekto ng
pipiliing materyales sa kalusugan at sa paligid

Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Proyekto


Bawat gawain ay may kanya-kanyang mga hakbang kung paano ito gawin. Kailangang
basahin/pakinggan at intindihin ng mabuti ang mga hakbang sa paggawa nito Ang mga
hakbang sa pagbuo ng proyekto ay dapat sundin upang maiwasan ang pagkakamali at pag-
aaksaya ng oras , lakas, salapi at materyales at upang maiwasan ang pagkakamali. Kailangang
isa-isahin ang bawat hakbang, pag-aralan ito ng mabuti at gawin ng wasto at may pag-iingat.
Anuman ay maaring gawin kung pinaghahandaan at sisikapin. Maging maayos ang proyekto
kung maingat na sinusunod ang mga hakbang , panuntunan at plano.

Halimbawa : Mga Hakbang sa Paggawa ng Pencil Holder


Hakbang 1: Ihanda ang mga materyales na gagamitin

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68

2 bote na plastic, isang siper, kutsilyo, gunting, glue gun

Hakbang 2: Kunin ang Isang Bote

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68
Ngayon ay gupitin ang isang plastik na bote sa tuktok na bahagi bilang larawan at hinati ito.
Hakbang 3: Kunin ang Ibang Bote

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68

Ngayon ay gupitin ang isa pang plastic bottle bottom site at hinati ito gamit ang kutsilyo.
Tingnan ang larawan.

Hakbang 4: Ngayon Dalhin ang 2 Ibabang Bahagi ng Bote

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68
Ngayon kumuha ng 2 ilalim na bahagi ng bote ng plastik na katulad ng larawan.

Hakbang 5: Kumuha ng isang siper at Idagdag ang ilang mga pangkola

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68

Ngayon ay kumuha ng siper at idagdag ang ilang mga kola sa isang bahagi ng
siper. Tingnan ang larawan.

Hakbang 6: Nakalakip na Zipper sa Isang Bahagi ng Bato

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Penc
Ngayon kalakip na siper na may isang bote sa ilalim na bahagi bilang tulad ng larawan. at
kailangan mong idagdag ito sa ilalim ng bahagi na kung saan ay mas malaki pagkatapos ng isa
pa. Tingnan ang larawan.
Hakbang 7: Magdagdag ng Iyong Pinta Sa Zipper Ibang Side

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68
Ngayon magdagdag ng ilang kola na may siper na iba pang bahagi gamit ang kola ng baril.
Tingnan ang larawan.

Hakbang 8: Ngayon Naipasok ang Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Bote

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68
Ngayon naka-attach ang pangalawang bote sa ilalim na bahagi sa siper kung saan inilalagay
mo ang ilang kola. Tingnan ang larawan.

Hakbang 9: Matapos Magdagdag ng Zipper at Dalawang Ika Bahagi ng Bote

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68

Pagkatapos ay idagdag ang siper at dalawang ilalim na bahagi ng bote. Halos nagawa mo na
gumawa ng kahanga-hangang kaso ng Pencil sa plastic bottle, Tingnan ang larawan.

Hakbang 10: Ngayon Ilagay ang Ilang Lapis o Panulat sa Kaso

https://tl.mustdothis.com/24853-How-to-Make-Pencil-Case-With-Bottle-Zipper-Pencil--68
Ngayon ilagay ang ilang mga lapis o panulat sa kaso at isara ang siper at tamasahin ang
iyong sarili.
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng isang plano ng proyektong pencil holder gamit ang materyales na
makikita sa inyong sariling pamayanan. Sundan at punan ang mga sumusunod na
mga impormasyon na nasa loob ng kahon. Isulat ang gawain sa sagutang papel.
(Dadagdagan ang bilang ng mga hinihinging impormasyon kung kailangan)

PLANO NG PROYEKTO

Pangalan ng mag-aaral: _________________ Baitang at Pangkat:___________


Petsang Sinimulan______________________ Natapos_____
Pangalan ng Proyekto: _______________

I. Layunin 1.___________________________________

II. Dibuho o Larawan ng Proyekto :

III.Materyales ng Proyekto:

Dami Uri ng Materyales Halaga

IV. Paraan /Hakbang sa Paggawa:

1.

2.

V. Ebalwasyon/ Puna ng Proyekto

Pamantayan sa Paggawa ng Plano ng Proyekto

Nakagawa ng planong nagpapakita ng pagiging


Mahusay - 5 malikhain, organisado, detalyado at malinaw na
paraan sa paggawa ng proyekto
Nakagawa ng plano na nagpapakita ng medyo
Di-Gaanong Mahusay - 3 malikhain, di gaanong organisado at detalyado at
medyo malinaw na paraan sa paggawa ng
proyekto
Nanganga-ilangan ng Tulong- 2 Medyo magulo, hindi organisado at hindi
malinaw na pagkagawa ng plano ng proyekto.
Gawain 2

A. Panuto : Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang may plano sa proyekto? Dahil maiiwasan ang _______.
A. paggasta ng malaki C.hindi pagkaunawaan
B. pag-aksaya ng panahon D.pagkakamali at pag-aksaya ng gastusin
2. Bakit kailangan na matibay ang mga materyales na gagamitin sa isang proyekto.?.
A. mahal ang halaga C. madali at kayang gawin
B. upang tumagal ito D. madaling hanapin ang materyales
3. Paano mo sisimulan ang pagbuo ng isang matagumpay na proyekto?
A. maingat na magbabalak C. mamimili ng lahat na gagamitin
B. maghanda muna ng plano B. ipakiusap na ipagawa ang proyekto
4. Paano ka makakatipid sa paggamit ng mga materyales sa gawing proyekto? Kung__
A. ang mga materyales ay mga luma na
B. galing at gawa sa ibang bansa ang mga materyales
C. ang mga materyales ay magaganda at mamahalin
D. ang materyales ay recycled at madaling mahanap o mabibili sa pamayanan
5. Kung ikaw ay nagbabalak gumawa ng proyekto, alin sa sumusunod ang dapat mong
isa-isip?
A. isipin ang halaga at hirap
B. isipin ang papuring tatanggapin
C. isipin ang pakinabang na makukuha
D. isipin na palagi itong makapagpasaya sa iba

Gawain 3
A. Panuto : Isa-isang suriin ng mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng pencil holder na
nasa Aralin 3 at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang unang gawin sa paggawa ng pencil holder gamit ang plastic na mga bote?
A. Kunin ang isang bote.
B. Kunin ang iba pang bote
C. Ihanda ang mga materyales na gagamitin
D. Kumuha ng isang zipper at idagdag ang ibang pangkola
2. Paano pagdikitin ang dalawang hinati na mga ilalaim na bote.
A. gagamitan ng zipper .
B. dikitan ng glue ang bawat bahagi
C. gagamitan ng isang makapal na tela
D. tahiin ang mga plastic na bote upang maidikit

3. Alin sa mga hakbang ang ating gagawin kung ngayon naka-attach ang
pangalawang bote sa ilalim na bahagi sa siper kung saan inilalagay mo ang
ilang kola.
A. Hakbang 3
B. Hakbang 5
C. Hakbang 8
D. Hakbang 9
4. Paano natin magagawa ng tama o wasto ang gagawing proyekto?
A. kung makikinig tayo sa mga matatanda
B. ipagawa sa mga nakakatanda ang proyektong pinagawa.
C. pumili ng proyektong madali lang gawin at medaling masundan
D. isa-isang suriin ang bawat hakbang at maingat na sundin ng wasto at tama
5. Anong bahagi ng mga plastic na bote ang ginagamit sa paggawa ng pencil holder?
A. buong bahagi ng bote
B. pinakatuktok na bahagi
C. ang bottom o ilalim na bahagi ng bote
D. ang parte ng bote malapit sa may takip

B. Panuto :Gamit ang mga hakbang na nasa aralin 3 o ang halimbawa ng proyekto na
nasa aralin 1 sa pag-aralan, o di kaya ang iyong sariling ginawang plano sa
gawain 1 (pumili lamang ng isa), Isagawa ang pagbuo ng proyektong pencil
holder gamit ang planong ginawa sa Aralin 1. Gawing gabay ang rubric o
pamantayan sa paggawa na nasa ibaba.

Pamantayan sa Paggawa ng Proyekto

Binigyan ng 5 puntos 3 puntos 1 punto


Tuon Nakatangi Katamtamang Nangangailangan
Kagalingan Ng Tulong
Ang kabuuan ng Natapos ang Natapos ang proyekto
proyekto ay proyekto subalit subalit kapos ang
Pagiging nagpakita ng hindi gaanong paggamit ng
Original at lubusang orihinalidad orihinal at hindi pagkamalikhain at walang
Pagkamalikhain at pagkamalikhain. gaanong malikhain. orihinalidad.
Kinikitaan ng Kinikitaan ng
Pagsisikap at lubusang pagsusumikap ang Kinikitaan ng kaunting
Pagtitiyaga pagsusumikap, natapos na proyekto pagsusumikap ang
lampas pa sa subalit may ilang natapos na proyekto
kinakailangan, ang mga kulang na
natapos na proyekto detalye
Mahusay at Natapos ang Natapos ang
Kasanayan sa maganda ang proyekto subalit proyekto subalit
Pagbubuo nabuong proyekto may mga lubhang magulo at hindi
depektong nakita. maunawaan.
Paglalahat / Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa pinag-aralang mga aralin.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Ang natutunan ko…


1. _______________________________________
3 Bagay na
2. _______________________________________
natutunan
3. _______________________________________

Ang bagay na nakapukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na 1. _______________________________________
nakapukaw ng
2. _______________________________________
interes

Kailangan ko pang matutunan ang…


1 Bagay na
nakapagpalito
1. _______________________________________
Gawain 1
Magkaiba ang sagot ng mga bata
gamitin ang pamantayan sa paggawa ng
plano sa pagbigay ng puntos.
Gawain 2 Gawain 3 B
Gawain 3A
1. D Magkaiba ang sagot ng
2. B 1. C mga bata. Gamitin ang
3. B pamantayan sa paggawa
2. A
4. D
5. C 3. C
Ng proyekto
4. D
5. C
Repleksyon
Magkakaiba-iba ang sagot ng mga
bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015. Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan 4: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City, Philippines: Department of
Education- Instructional materials Council Secretariat .

Leonora David-Basbas,PhD 2017. Learning and Living in the 21st Century (Worktext in Home
Economics and Livelihood Education) pp.299-308, Revised Edition. Quezon City ,Philippines :
REX Book Store Inc.

R. Bonotan, Y. Del Mundo, R.Dela Cruz, E. Hernando, F. Tindoc & N. Villanueva. Sanayang
Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4: Quezon City . Cultural Publisher.

Websites:
https://www.slideshare.net/1353945422/epp5ia-q2lm
https://www.wikihow.com/Create-a-Successful-Project-(for-School)
https://www.coursehero.com/file/p5odnib/Ang-plano-ng-proyekto-ay-batayan-sa-pagbuo-ng-
proyekto-Nakatitipid-ito-sa/.
https://dokumen.tips/documents/grade-v-mga-materyales-kasangkapan-at-t-ibang-uri-ng-
kagamitan-at-palamuting.html

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Module (SLM)


Manunulat : Angelita G. Tugay
Editor : Meyrabe A. Clerigo
Tagasuri : Vilma L. Gorgonio, Zosimo H. Lopez Jr.,
Tagaguhit : Carol B. Ortiz

Tagapamahala : Karen L. Galanida


Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Vilma L. Gorgonio
Zosimo H. Lopez Jr.
Venus M. Alburoto

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like