Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PLANAS, CHRISTINE MARIE B. 2.

1 BSBA-FM

DISKURSO SA FILIPINO 04/13/23

Mga Isyu sa Pamilihan

(Repleksiyon)

I. Ang Pamilihan

Sabi ng matatanda “Pagtitipid sa pamilihan ay isang magandang


kaugalian” ngunit paano makakapag tipid sa panahon ngayon kung ang isang-
libong piso mo ay halos katumbas na lamang ng isang-daang piso?

Bago natin ito pakaisipin, ano nga ba ang “pamilihan”? Batay sa aking
kaalaman, ang pamilihan ay nagsisilbing lugar kung saan nakakamit natin bilang
isang mamimili o konsyumer ang ating pangangailangan o needs at kagustuhan
o wants dahil sa mga produkto at serbisyong inaalok saatin. Ang mga
produktong ibinibenta dito ay galling sa mga prodyuser na tumutugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng bawat mamimili.

II. Mga isyu at dahilan ukol sa pamilihan.

Sa kabilang dako, bagama’t napakahalaga ng pamilihan sa ating buhay,


hindi pa rin maiiwasan ang makaranas ng isyu na nagreresulta sa ating kagipitan.
Kung noon ay nabibili natin ng basta-basta ang ating pangangailangan ng
maayos, ngayon ay halos hindi na. Narito ang ilang pangunahing dahilan o isyu
sa pamilihan. Una na rito ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin mapa-gulay
man, bigas at damit. Ang pagtaas ng presyo ay dahil sa mataas na demand ng
mga konsyumer o kaya naman ay dahil sa kakulangan ng supply at pagtaas ng
presyo ng mga raw materials mapa local man, panrehiyon, pambansa o
pandaigdigan. Pangalawa ay ang isyu tungkol sa kakulangan ng supply ng
pulang sibuyas sa mercado, na siyang pangunahin kinukunsumo ng mga
mamimili umabot ito ng 700 pesos mas mataas kumpara sa mga karne. Pangatlo
naman ay ang market competition kung saan tumutukoy ito sa
magkakaparehong bentahan ng produkto sa mercado. Kung tutuusin maganda
sana ito subalit kahit magkakapareho na ang binibentang produkto hindi sila
pwede mag dikta ng presyo dahil sa ekwilibriyo sa pamilihan. Hindi maalis na
ganito ang mangyari sa pamilihan subalit mas lumalala lang at tumaas ng husto
ang mga presyo dahil sa isyu ang pangapat, ang giyera sa Ukraine vs. Russia.
Ang Russia ang pinaka malaking pinagkukunan ng supply ng petrolyo, kaya ang
mga imported na mga produkto katulad ng fertilizers na ginagamit sa agriculture
sektor, transportation fees at iba pang sektor ay nagdadagdag ng presyo.

III. Tips o mga paraan na pwedeng gawin

Alam kong nais ng bawat isa satin ang maging matalinong mamimili para
nasusulit natin ang bawat sentimo na ating iginagastos. Ngayon, ating balikan
ang katanungan sa pinaka simula. Paano nga ba tayo makakapag tipid sa
panahon ngayon kung ang isang-libong piso mo ay halos katumbas na lamang
ng isang-daang piso? narito ang tips o mga paraan na pwedeng gawin upang
makatulong sa pang araw-araw na pamimili kahit may mga isyu tayong
kinakaharap sa pamilihan. Sa totoo lang, ginagawa ko ito matagal na at
masasabi ko na epektibo ito. At ito ay dapat alam mo ang importansiya ng
pagba-budget at hindi sapat ang alam lang kundi’ dapat ay sinasabayan mo
ito ng kamalayan lalo na sa panahon ngayon. Paano mo ito magagawa? dapat
matutunan mo ang maging disiplinado sa pamimili at maging wais sa mga
bibilhin. Gumawa ka ng listahan ng mga bibilhin mo, kapag nasa pamilihan kana
dapat magi kang mapanuri ng produkto titingnan mo ang presyo, kalidad at
timbang kasi minsan may mga nagdadaya at para na rin sulit ang ibabayad mo.
Sunod ay dapat alam mo kung ano ang alternibo o maari mong ipalit kapag
sobrang mahal na ng dati mong binibiling produkto. Wag ka din magpadala at
magpadaya lalo na kung nasa palengke ka. Dapat alam mo rin kung alin ang
Dapat i-prioritize, sumusunod ka rin sa badyet mo at hindi nagpapadala sa
popolaridad ng isang produkto. Sana ay makatulong ito at magawa mo rin ito
ng tama.

You might also like