Modyul-5-Pagbasa-at-Pagsusuri 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 5: Pagsusuri ng Teskto (Pangwakas na Awtput)

Mga Layunin:

 Nailalapat ang mga natutunan mula sa mga talakayan tungkol sa Pagbasa at Pagsusuri ng
iba’t ibang teksto
 Nakapagsusuri ng isang teksto gamit ang wastong paraan o gabay sa paggawa nito

Simulan
Mahusay! Ngayon ay narating mo ang pangwakas na bahagi ng terminong ito. Inaasahan kong
marami kang natutunan mula sa mga nagging talakayan hinggil sa Pagbasa at Ibat’t ibang uri ng Teksto.
Oras na para ilapat mo ang mga kaalamang iyan sa isang pangwakas na gawaing makikita sa ibaba.
Halina’t pagtibayin pa ang mga natutunan sa pagsasagawa ng isang pagsusuri ng teksto.

Unawain
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang kaayusan ng
ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating kapaligiran
at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta.
Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at
halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung
hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang
sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at
magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong
lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sa mga basurang
itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na
ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan.
Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na
kinabibilangan. Sa mga produktong na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle
upang mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay
maaari pang i-recycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating
mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang panahon upang
maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang
pamumuhay ng mga darating na henerasyon.
Subukan ang natutunan

Gawain: Sagutan ang mga sumusunod na tanong


1. Ang teksto sa itaas ay isang halimbawa ng sanaysay, sa iyong palagay, anong uri ito ng
teksto batay sa mga nakaraang talakayan?
2. Maglahad ng patunay na ito ay halimbawa ng tekstong iyong isinagot sa unang bilang.

Pagtibayin

GAWAIN: Pagsusuri sa Tekstong Binasa sa Itaas

Mula sa iyong kasagutan tungkol sa kung anong uri ng teksto ang binasa sa itaas,
surrin ito ayon sa paraan at gabay ng pagbasa at pagsusuri na tinalakay sa mga
nakaraang modyul. Ang pagsusuring maisasagawa ay mamarkahan batay sa
pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka

1) Nilalaman 20 Puntos
2) Kaisahan ng mga detayle 10 Puntos
3) Kalinawan 10 Puntos
4) Pagsunod sa Panuto 10 Puntos

KABUUAN: 20 Puntos

You might also like