Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG PANITIKANG PILIPINO

Jym Rainier B. Magundayao

Ang panitikang Pilipino, kay ganda't kayamanan

Mga salitang pumalasak na parang alon sa karagatan

May puso't kaluluwa, damdaming makata'y laging buhay

Nagsisilbing pintig ng ating kultura't pag-ibig sa bayan

Naritong mga epiko, mga alamat at korido

Tula, nobela, dula at maikling kuwento

Mga tulang may sukat at tugma, tunay na kay ganda't sariwa

Dulot ng mga dakilang Pilipino, hindi mawawala

Panitikang Pilipino, mahal, dalisay at napakahalaga

Bunga ng mayamang tradisyon at makulay na kultura

Mula sa mga alamat at epikong nagsilbing tala

Hanggang sa makabagong panahon, anyo, kapamaraanan at diwa.

Lahat ay may puwang sa panitikang Pilipino

Ang bawat isa ay ang magsisilbing susi sa isip na sarado

Ipakita sa lahat ng kulay at lahi sa mundo

Na ang talento ng mga Pilipino ay hindi nakakandado

You might also like