Professional Documents
Culture Documents
3 Quarter Quiz #1 I. Panuto: Basahin at Unawain Ang Bawat Pangungusap. Piliin Ang Letra NG Tamang
3 Quarter Quiz #1 I. Panuto: Basahin at Unawain Ang Bawat Pangungusap. Piliin Ang Letra NG Tamang
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel. (x2)
1. Binubuo ng sambahayan, bahay kalakal, pamahalaan, at dayuhang sector.
a. Pamahalaan c. Market Economy
b. Makroekonomiks d. Panlabas na Sektor
2. Saan bumibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa pangangailangan o
kagustuhan nito?
a. Pamilihan ng salik ng produksiyon. c. Sambahayan
b. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod d. Bahay Kalakal.
3. Nagpapakita ng galaw ng buong ekonomiya sa isang payak na kalagayan. Ano ang
tawag dito?
a. Paikot na daloy ng pambansang ekonomiya.
b. Paikot na daloy ng pambansang kita.
c. Paikot na daloy ng produkto
d. Paikot na daloy ng sambahayan.
4. Ang nangangasiwa sa pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
a. Factor market c. Sambahayan
b. Pamilihang pinansyal d. Bahay kalakal
5. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
a. Ito ang pinagmumulan ng commodity market.
b. Dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon o factor market.
c. Mahalaga ang tao para umikot ang ekonomiya.
d. Kailangan ang pagkilos ng sector na ito sa ekonomiya.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (√) na marka ang bawat kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at ekis (X) kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
3RD QUARTER GAWAIN #1
(BY GROUP) Panuto: Bumuo ng isang dayagram ng paikot na daloy ng ekonomiya at idikit ito
sa cartolina gamit ang mga recyclable materials tulad ng lumang newspaper at
magazines.
Pamantayan sa pagbuo ng dayagram
15
15
10
10
50
1. Ano ang pagkakaiba ng Gross Domestic Product sa Gross National Income? (5PTS)
2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa? (5PTS)
3RD QUARTER QUIZ #2
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong, Piliin ang letra ng wastong sagot mula
sa mga pagpipilian at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano malalaman kung may natamong pag unlad sa ekonomiya ng isang bansa?
a. Patuloy na pag angat ng ekonomiya ng isang bansa.
b. Karaniwan lamang ang mga mamamayan na naninirahan dito.
c. Limitado lamang ang mga pinagkukunang yaman.
d. Malalaman kung may pag unlad sa ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng
growth rate.
2. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag angat ng
ekonomiya kumpara sa nagdaang taon?
a. Growth rate c. Income per Capita
b. Economic Performance d. Nominal GNI
3. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic
performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan?
a. Oo, dahil magiging kahiya hiya ang bansa sa buong daigdig.
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
c. Hindi, dahilang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang
pandaigdigan.
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
4. Saan dapat isama ang kita ni Mr. Chow na isang Chinese National ngunit nagtratrabaho
dito sa Pilipinas?
a. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito
b. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
d. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita.
5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit
lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
a. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang ang salapi.
b. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
c. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
d. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Fact kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng katotohanan at Bluff naman kung ito ay nagsasaad ng Mali.
IV.
3RD QUARTER GAWAIN #3
(BY GROUP) Panuto: Magsaliksik sa mga presyo ng bawat produkto sa pamilihan at
itala ang mga presyo mula Miyerkules hanggang Biyernes. Makikita sa inyong tala kung
may pagbabago sa presyo ng bawat produkto sa pamilihan. (30PTS)
Dahilan: (Ano ang dahilan ng pagtaas ng kanilang presyo? Ano ang dahilan kung bakit
bumaba ang presyo ng kanilang produkto?
Epekto: (Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bawat produkto sa mga mamimili?)
Repleksiyon: (Ano ang natutunan sa inyong gawain?)
II. PANUTO: Iguhit at ipaliwanag ang dalawang uri ng patakarang piskal. (10 POINTS
EACH)
III. Panuto: Buoin ang pie graph sa pamamagitan ng pagpili sa loob ng kahon ng mga
pinagkakagastusan ng iyong pamilya.Ipaliwanag ang iyong nabuong pie graph. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. (10 POINTS)
3RD QUARTER GAWAIN #5
I. Concept Map
Panuto: Buoin ang Concept Map na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng
tekstong nabasa. Sagutin ang mga tanong sa pagproseso ng gawain upang lubos na
maunawaan ang dayagram. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
II. Panuto; Punan ang tsart ng tamang datos mula sa talaan ng mga institusyong
pananalapi na nasa kahon.
3RD QUARTER GAWAIN #6
II. Panuto: Suriin ang nilalaman ng pie graph at sagutin ang kasunod na
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
3RD QUARTER QUIZ #6
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
a. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
b. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
4. Ang maling financial mindset ang pangunahing dahilan kung bakit ang mahirap ay lalong
mahirap. Alin ang halimbawa nito?
a. Pagtaya sa lotto
b. Pagkakaroon ng bisyo
c. Pagsakay sa taxi kahit puwedeng mag-jeep
d. Lahat ng nabanggit
I. PANUTO: Suriin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa
sagutang papel.
1. Sa wikang Filipino ang salitang ____________ ay ginagamit upang bigyan ng kahulugan ang
sex at gender.
a. Kasarian c. Estado sa buhay
b. Edad d. Wala sa mga nabanggit
2. Ang ibig sabihin ng akronim na SOGI ay
a. Sexual Orientation and Gender Inequality
b. Sexual Order and Gender Identity
c. Sexual Orientation and Gender Innovations
d. Sexual Orientation and Gender Identity
3. Panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.
a. Sex c. Gender
b. Age d. Status
4. Ang mga babaeng ang kilos at damdamin ay panlalaki.
a. Lesbian c. Transgender
b. Asexual d. Gay
5. Tawag sa tao na kung saan ang pag-iisip, kilos at pag-uugali ay taliwas sa kaniyang natural
na kasarian. Halimbawa ang isang babae na ay maaring mag-isip, kumilos at magbihis bilang
isang lalaki or vice versa.
a. Gay c. Lesbian
b. Transgender d. Bisexual
6. Ang pagkakaroon ng mga katangian o hitsura ayon sa kaugalian na nauugnay sa mga
kalalakihan, lalo na ang lakas at pagiging agresibo.
a. Gay c. Masculine
b. Feminine d. Lesbian
7. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
a. Sex c. Gender Identity
b. Status d. Relationship
8. Ang pagkakaroon ng mga katangian o hitsura ayon sa kaugalian na nauugnay sa mga
kababaihan, na nagtataglay ng mga katangian ng kayumian, pagkabanayad, kalumyasan,
empatiya, at sensitibidad.
a. Feminine c. Gay
b. Lesbian d. Bisexual
9. Ito ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.
a. Orentasyong sekswal c. LGBT
b. Gender d. Homosexual
10. Alin sa mga sumusunod ang naiiba.
a. Solemn Al Yussef c. Aziza al- Yousef
b. Corazon Aquino d. Yeng Constantino
II. PANUTO: Punan ng wastong sagot ang crossword puzzle. Gawing gabay ang kasunod
upang mabuo ang konsepto.
3RD QUARTER GAWAIN #1
I. FACT OR BLUFF! PANUTO: Suriin at isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa ilang rehiyon sa mundo, malupit ang lipunan para sa mga kababaihan at miyebro
ng LGBT sa usaping political.
2. Sa bahagi ng North Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang kanilang orentasyong seksuwal.
3. Higit 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa Africa at Kanlurang Asya.
4. Ang FGM ay may benepisyong medikal ayon sa World Health Organizaton.
5. Noong 2011, May 125 milyong kababaihan ang biktima ng Female Genital Mutilation
ayon sa datos ng CEDAW ng mga kababaihan.
6. Sa bansang Saudi Arabia, bukod sa pagboto, ipinagbabawal din ang pagmamaneho
ng mga kababaihan ng sasakyan.
7. Noong 2015, nabigyan ng pagkakataon na bumoto ang mga kababaihan ayon sa utos
ni Haring Saud ng Saudi Arabia.
8. Sa ibang bansa, hindi pinapayagan ang mga kababaihan na maglakbay mag-isa.
9. Ang FGM ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis
ang babae hanggang siya ay maikasal.
10. Sa bahagi ng South Africa, may kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang kanilang oryentasyong seksuwal.
1. Isang tradisyon sa Africa kung saan ito ay proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
2. Isang pagpapasyang naganap noong Abril 30, 1937 kung saan ang boto ay pabor para sa
pagbibigay- Karapatan sa pagboto ng kababaihan.
3. Sa pagsiklag ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig ang mga kababaihan ay kasama sa
pakikipaglaban sa kasalinran.
4. Isang babae na nagpakita ng kabayanihan sa Panahon ng pag-aals upang labanan ang pangaabuso ng
mga Espanyol.
5. Ang panahon kung saan ang lalaki ay pinapayagan magkaroon ng maraming asawa.
6. Siya ang nagtatag ng partido politikal na LADLAD.
7. Ang panahon na ang model ng mga kababaihan ay si Maria Clara.
8. Isang manuskrito na naglalaman ng mga iginuhit na larawan na gawa ng mga Pangkatetniko sa
Pilipinas.
9. Tawag sa isang espirituwal-lider noong ika-16 at ika-17 siglo.
10. Samahan ng LGBT sa Pilipinas na itinatag noong 1993.
II. PANUTO. Lagyan ng smiley face kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at sad face
kung hindi. Magbigay ng maikling paliwanag paliwanag at isulat ang sagot sa sagutang papel.
II. Panuto: Punan ng angkop na karapatan ng kababaihan ang mga larangan na isinasaad sa bawat graphic
organizer. (10 puntos)
III. Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. (15 puntos)
Dear Roma,
Itago na lang ninyo ako sa pangalang Veronica, 20 years old at may 2-anyos na anak. Sumulat ako sa inyo dahil
naiinis na ako sa mga tao sa paligid ko. Puro na lang sila pambabatikos sa akin, nakaririndi na! Ayoko na kasi sa
anak ko, madalas ko ‘yang nararamdaman. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko lang ‘yung masalimuot
na nangyari sa akin. Nu’ng nagtatrabaho ako sa bar, isang araw ay sobra akong nalasing. May customer doon na
dinala ako sa motel nang hindi ko alam. Nalaman ko na lang kinabukasan sa front desk. Matapos ang ilang
linggo, nalaman kong buntis ako. Gusto ni mama na kunin muna ang bata at sila na raw ang magpapalaki. Tama
lang sigurong ibigay ko siya sa kanila, ‘di ba? Ano ang dapat kong gawin? Sana po ay matulungan ninyo po ako.
— Veronica
Dear Veronica,
Sadyang kumplikado ang sitwasyon mo, iha, ngunit, ang bawat problema ay may solusyon. Sa totoo lang, walang
kasalanan ang bata kung anuman ang nangyari sa iyo, pero sis, wala ngang ama ang anak mo, ngayon mo pa ba
siya iiwanan? Higit na mas kailangan ka niya ngayon. Pero, kung hindi mo na talaga kayang maging ina sa anak
mo, makabubuti kung ipauubaya mo na lang muna siya sa nanay mo, lalo na at ikaw na rin ang nagsabing gusto
nilang palakihin ang anak mo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng pagkakataong ayusing muli ang sarili
mo. Nauunawaan natin na minsan, ang mga tao sa paligid natin o mismong mga magulang natin ay nakakainis
dahil sa paulit-ulit nilang paalala. Ngunit, darating din ang panahong mamimiss mo ang lahat ng pangaral nila.
Sadyang mahirap ang sitwasyon mo, pero tiwala lang, sis! Makakaya mo rin ‘yan. God bless! ---Roma
1. Kung ikaw si Veronica, maaari mo bang kasuhan ang costumer na nagdala sa iyo sa
motel? Pangatwiranan. (5 puntos)
2. Ano ang nakitang mga pagkakamali ni Veronica? (5 puntos)
3. Kung ikaw ang sinulatan ni Veronica, ano ang maipapayo mo sa kaniya?(5puntos)
3RD QUARTER QUIZ #5
Panuto: Suriin at pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
II. Panuto: Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang konsepto na
tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
III. Panuto. Piliin sa loob ng kahon ang nalabag na karapatan na tinutukoy ng mga na
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.