Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 8

I. Layunin
a) Naipapaliwanag ang Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.
b) Nakabubuo ng sariling ideya kung ano sa mga sanhi ang tunay na
nagpatindi ng tensiyon upang magsimula ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
c) Masigasig na makisali sa pagbahagi sa mga sanhi ng Unang
Digmaang pandaigdig.

II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.
B. Sanggunian: Libro ng Kasaysayan ng Daigdig pahina 450-452
C. Kagamitan: Mga larawan at Kagamitang Bisuwal

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
( Sinasagawa ang Panalangin…)
Amen! Amen!
2. Pagbati

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga po Sir Myrwen,


purihin si hesus at si maria

Amen.
Ngayun at magpakailanman

3. Pagsasaayos
Bago magsiupo maaari niyo bang ayusin
ang inyung upuan at pulutin ang mga
kalat sa sahig.

4. Pagtsek sa lumiban Wala sir!


Biddle, maaari ko bang kunin ang mga
pangalan ng lumiban sa ngayon sa klasi?

B. Balik Aral Ako sir! Ang tinalakay natin kahapon ay


Ngayon, may makapagbigay ba kung tungkol sa Unang Digmaan.
ano ang tinalakay natin kahapon?

Tungkol po ito sa pangyayari na nag-


Sige nga maari mo bang ipahayag kung awayaway ang mga bansa.
ano ito.

Magaling! Ako ay natutuwa at may


natutunan kayo sa tinalakay natin
kahapon.

C. Pagganyak
“Larawang-suri”
Panuto: Suriin ang mga larawan at
sagutin ang mga tanong dito.

1.

2.

Pamprosesong tanong.

1. Ano ang ideyang ipinapakita ng nga


larawan?
2. Kung magiging saksi ka sa ganitong
panyayari, ano ang possible mong
maramdaman?

D. Paglalahad
Okay! Ang bawat larawan ay
Mga Sanhi ng Unang Digmaang
nagpapakita kung ano ang larawan ng
Pandaigdig
digmaan sa ibat-ibang bansa.
1. Nasyonalismo - Ang damdaming
Ngayon sisimulan na natin ang ating
nasyonalismo ay nagbubunsod ng
talakayan
pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang kanilang bansa. Kung
E. Talakayan minsan, ito ay lumalabis at nagiging
Maaari niyo bang basahin lahat? panatikong pagmamahal sa bansa.

Halimbawa, ang mga Junker, ang


aristokrasyang militar ng Germany, ay
naniwalang sila ang nangungunang lahi
sa Europe. May mga bansang masidhi
ang paniniwalang karapatan nilang
pangalagaan ang mga kalahi nila kahit
nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang
bansa

Dahil sa nasyonalismo, nagkaroon ng


mga paghahangad ang mga
mamamayan na kunin ang mga teritoryo 2. Imperyalismo - Isa itong paraan ng
na inaakala nilang pag-aari ng kanilang pang-aangkin ng mga kolonya at
nasyon at bawiin ang mga bahaging pagpapalawak ng pambansang
nakuha sa kanila. Nagkaroon din ng kapangyarihan at pag-unlad ng mga
pagnanais na pagsamahin ang mga bansang Europe. Ang pag-uunahan ng
taong inaakalang magkakauri ang lahi o mga makapangyarihang bansa na
rasa. sumakop ng mga lupain at magkaroon ng
Ang susunod maari niyo bang basahin? kontrol sa pinagkukunang-yaman at ka-
lakal ng Africa at Asia ay lumikha ng
samaan ng loob at pag-aalitan ng mga
bansa. Halimbawa, sinalungat ng
Britanya ang pag-angkin ng Germany sa
Tanganyika (East Africa) sapagkat
balakid ito sa kanyang balak na maglagay
ng transportasyong riles mula sa Cape
Colony patungong Cairo. Tinangka
namang hadlangan ng Germany ang
pagtatatag ng French Protectorate sa
Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga
tagumpay ng France sa Hilagang Aprika.
Sa gitnang silangan, nabahala ang
England sa pagtatatag ng Ber- lin-
Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib
sa kaniyang lifeline patungong India.

Ang imperyalismo ang nagbigay daan sa


unang Digmaang pandaigdig buhat ng
mga alitan ng mga Kaharian sa Europa,
na may kani-kanyang lupain sa buong
Mundo. Dahil sa imperyalismo makikita
ang mga implwensya ng mga Bansang
nanakop sa mga nasakupan nito, pati din 3. Militarismo - Upang mapangalagaan
sa mga relasyon nito sa mga dati nitong ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan
nasasakupan. Kagaya na lamang ng ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay
U.K. sa Singapore. at malalaking hukbong sandatahan sa
lupa at karagatan, gayundin ang
Susunod maaari niyo bang basahin. pagpaparami ng armas. Ito ang naging
ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa.
Nagsimulang magtatag ng malalaking
hukbong pandagat ang Germany.
Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon
sa kapangyarihan ng England bilang
Reyna ng Karagatan.

Dito ay ginawa nila ang hukbo na ito para


mapanatili nila ang kanilang pwersa sa 4. Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sa
pagkontrol ng ibang bansa. inggitan, paghihinalaan, at lihim
pangamba ng mga bansang
At ang panghuli. makapangyarihan, dalawang
magkasalungat alyansa ang nabuo ang
Triple Entente at ang Triple Alliance. na
Binubuo ng Germany, Austria-Hungary,
at Italy, ang Triple Entente. Sa ilalim ng
alyansa, nangako ang bawat kasapi na
magtulungan kungsakaling may
magtangkang sumalakay sa kani-
kanilang bansa. Nais din ng alyansa na
pantayan ang lakas ng Triple Alliance.
Samantala, sumali ang Germany sa
grupo dahil nais nilang mapigilan ang
impluwensiya ng Russia sa Balkan.
Itinatag naman ni Bismarck ang Triple
Alliance nong 1882. Resulta ito ng di-
pagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan
ng Russia at France noong 1884 (Dual
Alliance), ng France at Great Britain
noong 1904 (Entente Cordiate) at ng
Great Britain at Russia noong 1907.
Bilang ganti, sumali ang France sa Triple
Entente.
Dito ang Dalawang Alyansa na nabuo
noong Unang Digmaang Pandaigidig o
Great War.

-Triple Alliance na itinatag ni Otto Von


Bismarck.Binubuo ito ng mga Italy,
Austria-Hungary a Germany.

- Triple Entente na binubuo ng mga


bansang France, Russia at Great Britain.

F. Formative na pagtatasa
“Papel Ihagis”
Ang ihahagis ko na papel ay may katanungan at kung sino man ang
makakuha nito ay ang dapat sumagot sa katanungan. Handa na ba kayong
lahat?

G. Paglalahat
Ngayon ano ba ang natutunan ninyo sa ating talakayan sa araw na ito?

H. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat at pipili kayo ng isang sanhi ng Unang
digmaang pandaigdig at ipaliwanag kung bakit ito naging dahilan upang
mangyari ang unang digmaang pandaigdig.

IV. Pagtataya
Tanong: Sa tingin niyo ano kaya sa mga nabanggit na sanhi ang tunay na
nagpatindi ng tensiyon upang magsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga sanhi ng unang digmaang
pandaigdig.

Inihanda ni:
Myrwen R. Dingal

You might also like