Konklusyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Konklusyon:

Batay sa mga datos na nakalap at sinuri na isinagawa ng mga mananaliksik, ang bawat

mag-aaral sa unang taon ng agham pangkompyuter sa Batangas State University ay mayroong

iba’t ibang pang-unawa tungkol sa kung ano ang sosyal midya. Kabilang na rito ang mga

nagsasabing ito ay isang plataporma na kung saan nagbabahagi ng iba’t-ibang impormasyon,

fake news man o hindi. Mayroon din namang nagsasabi na ito ay isang instrumento na kung saan

napapabilis ang komunikasyon ng mga tao sa isa’t-isa.

Samantala, sa pitong plataporma ng sosyal midya na aming ibinigay sa mga respondente

ay marami ang sumagot na ang youtube ang madalas nilang nagagamit sa kanilang pang araw-

araw na buhay. Nangangahulan ito na ang mga mag-aaral ay mas napapakinabangan ang youtube

kaysa ibang uri ng mga plataporma.

Sa kabuoan, naging parte na ng buhay ng tao ang sosyal midya at midya. Napakarami ng

naging pakinabang nito sa mga tao lalo na sa mga kabataang mag-aaral. Nakatulong ito sa

pakikipag-interaksyon natin sa iba pati na rin ang makipag-usap at makapagbigay ng sarili nating

mga opinyon tungkol sa isang bagay. Dagdag na rin dito ang pagkakatuklas ng mga bagong

salita at nagdudulot ng malawakang pagbabago sa wastong paggamit ng wika na sanhi ng sosyal

midya.

You might also like