Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA PILIPINO”

Wika ang nagsisilbing instrumento natin para sa pakikipagkomunikasyon o pagkakaunawaansinasalamin


ng wikang Filipino ang awikang Pambansa at ang atinmg kultura. Ito rin ang dahilan nga pagkaka buklod-
buklod ng bawat Pilipino. Susi rin ito sa pag unlad ng ating bansa.

(Video Caption) Nagsagawa ako ng isang panlipunang ekperimento upang matukoy kung gaano kabihasa
ang mga Gen Z at Millenials sa Wikang Filipino
(Interview with Gen Z and Millenials)
English to Tagalog
Gmail-Sulatroniko
Website-Pook-sapot
Headset-Pang-ulong hatinig
Black-dagtum
Sunset-takipsilim

Ano ang iyong dahilan kung bakit hindi moa lam ang mga tagalog ng mga salitang aking binanggit sa
Wikang Ingles?

Mahigit pitong dekada na ang nakalipas mula noong tayo ay magkaroon ng wikang Pambansa, ngunit
magpahanggang ngayon ay hindi parin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang binibigay natin
dito. Bagkus habang umuusbong ang makabagong modernisayon mas lalong humina ang pundasyon ng
ating wika. Nagging talamak ang paggamit ng ibat ibang wika dahil narin sa impluwensya ng banyaga.
Umusbong ang mga lengwaheng pumapatay sa ating Wikang Pambansa dahil narin sa pagkahilig natin sa
mga banyaga at ang pinakalamalaking impluwensya ngayon ay ang mga koreano, mula sa kanilang
pananamit, musika, kultura, pagkain at higit sa lahat lenggwahe ay atin na ring tinatangkilik. Ngunit
kamusta naman kaya ang ating wika?
Bilang mga mag aaral tayo ang maging daan upang imulat ang lipunan na hindi sukatan ang pagiging
dalubhasa sa paggamit ng wikang banyaga para masabing matalino ang isang tao. Gamitin ang ating wika
sa pang araw araw na pakikipagtalastasan.
Huwag nating ikahiya ang sariling atin. Higit nating kailangan ang isang wikang magbubuklod sa ating
bansa upang makamit ang kaunlarang nais natin matamasa.
Hindi masama ang paggamit ng ibang wika ngunit lagi nating pagkakatandaan at isiksik sa ating isipan na
huwag nating kalimutan ang kahalagahaan ng ating wika na siyang sariling ating pagkakakilanlan.

Laging isaisip saang dako man ng daigdig na ang tatag ng WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA
PILIPINO.

You might also like