Ang Buhay, Ginawa at Sinulat Ni Dr. Jose Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

VARIAS, JESSICA MARIE P.

BAPS 1-2
202010240
Kritisismong Papel
“Ang Buhay, Ginawa at Sinulat ni Dr. Jose Rizal”
Naniniwala ako na sadyang makabuluhan ang naging buhay ng ating bayani na si Dr. Jose
Rizal. Ang kaniyang buhay ay hindi lamang basta nagtapos sa isang bala ngunit ang kaniyang mga
iniwang adbokasiya, inspirasyon at akda ay patuloy na namamayagpag hanggang sa kasalukuyan,
dahilan kung bakit nanatili siyang buhay sa ating puso’t isipan at ngayon ay siya ring itinuturing
nating Pambansang Bayani. Sa aking palagay, ang kaniyang pagmamahal sa bayan ay nagsimula,
walang iba kundi sa kaniyang pamilya. Punong puno ng pagmamahal at pagsuporta ang kaniyang
pamilya, lalo na ang kaniyang ina na si Teodora Alonzo. ‘Di kalauna’y lumawak at siyang inibig ang
bayang Calamba na kaniyang kinalakihan, pati narin ang mga kalapit nitong bayan. Hanggang sa
mas nakilala rin niya ang bansang sinilangan at nakita ang hindi kaaya-ayang dinaranas ng mga
kababayan sa kamay ng mga dayuhang kastila. Bagama’t hindi napipirma at palaging naglalakbay,
hindi parin maaalis sa ating bayani ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa, at ang
dedikasyon niya sa pag-aaral at paglalakbay ay iniaalay para sa mga kababayan at sa bansang
Pilipinas. Sadyang hanga rin ako sa tatag ng loob na ipinamalas nya noong siya ay naninirahan sa
iba’t ibang bansa. Umaabot na sa punto na halos hindi na siya nakakakain dahil sa kawalan ng
salapi at binabalot na ng kalungkutan ngunit hindi siya nagpagapi dito at patuloy na lumaban
habang isinusulat ang nobelang siyang bumago sa kasaysayan ng bansa. Samantala, sa kabila ng
kaniyang mga nagawang ito ay hindi parin maiiwasan ang pagpasok ng mga kritisismo sa kaniyang
buhay na sa aking palagay ay normal lamang at talagang hindi na mawawala. Palaging binibigyang
empasismo ang kontrobersyal nitong buhay pag-ibig, ngunit kung ako ang tatanungin, ang kaniyang
buhay pag-ibig ay isang paalala at indikasyon lamang na si Rizal ay isang tao pa rin. Para sa akin
ay hindi ito nakababawas sa krayterya upang siya ang maging Pambansang Bayani sapagkat hindi
naman dito nasusukat ang kaniyang mga nagawang pagbabago sa bansa.
Sa kaniyang mga nagawa ay tunay akong humanga at pinatunayan lamang niya sa atin na
hindi lamang nagtatapos sa pagsulat ang kaniyang magagawa. Mas napatunayan ko rin na
napakabuting tao ni Rizal noong mapunta siya sa Dapitan at doon ay nanguna sa mga
makabuluhang proyekto gaya ng pagtatatag ng hospital, patubig at paaralan na siyang naging
napakalaking tulong sa mga mamamayan. Bagama’t iba ang lenggwahe doon ay hindi ito naging
hadlang para sa kaniya upang mas kumonekta sa mga taga-Dapitan. Hindi man siya talagang taga
roon ay ginawa nya parin ang lahat ng makakaya dahilan kaya’t marami siyang napagaling,
natulungan at nagawa. Siya rin ay nagboluntaryo na maging military doctor sa Cuba at sa
pamamagitan noon ay napatunayan rin niya na kahit saan man siya mapadpad ay pagtulong parin
ang nasa puso niya. Ano man ang kultura, paniniwala, lahi o kulay ay hindi siya magdadalawang
isip na tulungan basta’t nangangailangan.
Sino rin ba ang makakalimot sa kaniyang mga naisulat, lalo na ang makasaysayang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na siyang gumising sa natutulog na diwa ng mga Pilipino. Lahat ng
kaniyang isinulat ay talaga namang nagustuhan ko, ngunit para sa akin ay iba ang epekto ng
dalawang nobela na ito. Sa dalawang akda na ito ay ipinakita lamang niya ang kaniyang kabutihan,
katapangan at kagustuhan na buksan ang isipan ng lahat ng makakabasa. Sa mga nobela na ito ay
napagtanto ko lamang na ang mga problemang nasasaad sa nobela na kinaharap nila noon ay
kinahaharap parin natin ngayon. Hindi na nga lamang sa kamay ng mga dayuhan kundi sa kapwa
na natin mismong Pilipino. Sadyang hindi pa rin nga natutuldukan ang pang-aabuso,
pangungurakot, hindi tamang pagtrato sa kapwa at hindi pagkakasundo. Ngunit gaya ni Rizal ay
hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin akong kumakapit sa iniwan niyang katagang
“Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan” kaya bilang parte ng kabataang tinutukoy ng ating bayani ay
hindi ako susuko at mas magpupursigi pa sa buhay.
Hindi ko masasabi kanino man na napakaperpekto ng ating pambansang bayani. Ngunit
para sa akin ay sapat na ang inspirasyong iniwan niya sa atin. Dala ng kaniyang naging buhay, mga
nagawa at naisulat ang pag-asa ng kapayapaan at pagkakaisa na matagal na nating hinahangad.
Kaya’t kung ako ang tatanungin, siya parin ang aking pambansang bayani at sa naging pag-aaral
ko sa kaniyang buhay ay tiyak na mag-iiwan ito ng pang habang buhay na aral sa akin.

You might also like