Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marsteven L Plamad Grede: XI-persephone

DISCRIPTIBO

"Nangingibabaw ang Pagmamahalan"

”Hindi perpekto ang pamilyang aking kinabibilangan. May mga problemangpinagdadaanan na nagpapakita ng mga
hindi magagandang katangian ng bawat isa sa amin.Ngunit kahit ganoon, mas nangingibabaw pa rin ang mga
magagandang katangian na siyangdahilan kung bakit labis ko silang minamahal.

Ang aking ama ay lubos na mapagmahal sa aming mga anak niya lalong lalo na saaking ina. Nagsusumikap siya na
palaguin ang aming negosyo upang maibigay niya ang mgapangangailangan kasama na rin ang aming mga luho.
Hindi man niya sinasabi na nahihirapanna siya, alam ko at nakikita ko minsan sa kanya na pagod na siya at kahit
ganoon,pinagpapatuloy pa rin niya ito para sa amin.

Isa ring masipag na ina ang ibinigay sa akin ng May Kapal. Siya ay isang guro saelementarya at tumutulong din sa
aming negosyo. Suportadong asawa ang aking ina,tinutulungan niya ang aking ama sa mga bagay na nais nitong
gawin. Siya rin ay may pagka-istrikta, binabantayan niya palagi ang galaw at desisyon na ginagawa naming mga
anak niya.Hindi siya nakakalimot na magbigay paalala sa amin kung ano ba ang tama at mali.

Bilang karagdagan, may dalawang ate at isang nakababatang lalaking kapatid ako nagumugulo at nagpapaligaya sa
aking buhay. Palagi silang handa na tulungan ako kung sakalingkailanganin ko man sila. Nagbibigay payo sila sa akin
kapag gulong-gulo na ako sa mga problemang pinagdaraanan ko.

Puno ng pagmamahalan ang nakagawian kong pamilya. Bukas sa anumang saloobin athindi nagtatago ng lihim sa
bawat isa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit matibay angpagsasamahan ng bawat isa sa amin. Nangingibabaw
palagi ang damdamin ngpagmamahalan.

You might also like